Chapter 32

19.2K 750 93
                                    

Pinky POV

"NAKAPAGDESISYON na kami ng Tiyang Les mo, Cedric."

Nagtinginginan kami ni Cedric. Bumuntong hininga ako at pinisil ang kanyang kamay.

"Anoman hong desisyon nyo Tiyong Rusi, tatanggapin ko ho." Ani Cedric.

Bumuntong hininga si Tiyong Rusi. "Para sayo, dahil hindi ka na iba sa amin at pamilya na ang turing namin sayo, hindi na na namin kakasuhan ang mama mo."

"Tiyong Rusi.."

"Pero gusto kong humingi ng tawad ang mama mo. Ng sa ganun man lang ay maramdaman man lang namin na pinagsisisihan nya ang kanyang ginawa. Wala sa amin na naperhuwisyo nya ang kabuhayan namin. Pero ang kaligtasan namin ay nagdulot sa amin yun ng takot at trauma lalo na sa Tiyang Les mo na nagtamo ng malalang galos." Dagdag pa ni Tiyong Rusi.

Tumango si Cedric at nahihiyang ngumiti. "Naiintindihan ko ho Tiyong Rusi. Pero sigurado na ho ba kayo sa desisyon nyo?"

"Sigurado na Cedric."

"Isa pa gusto rin namin ng tiyong mo ng tahimik na buhay. Siguradong magiging maingay kung sasampahan namin ng kaso ang mama mo. Kung sino sinong mga tao ang sasawsaw. Kung pwede namang daanin sa usapan eh di pag usapan na lang." Paliwanag pa ni Tiyang Les.

"Napakabuti nyo ho Tiyang Les, Tiyong Rusi. Hayaan ho ninyo kakausapin ko si mama. Kung magmamatigas ho sya, kayo na ho ang bahala." Wika pa ni Cedric. Buo talaga ang loob nya na mapanagot ang kanyang ina.

Tumango naman si Tiyong Rusi at Tiyang Les. Walang mababakas na pagdadalawang isip sa kanilang mukha.

"Kamusta naman kayong dalawa? Dalawang linggo din kayong nagkasama sa probinsya." Tanong pa ni tiyong sa amin ni Cedric.

Muli kaming nagtinginan ni Cedric at ngumiti sa isa't isa.

"Maayos na ho kami ni Pinky, Tiyong Rusi."

"Nagkabalikan na ba kayong dalawa?" Tiyang Les.

"Opo tiyang." Sagot ko naman.

"Mabuti naman kung ganun. Masaya ako para sa inyo."

"Salamat po tiyang."

"At ikaw naman Pinky, sa susunod huwag ka ng masyadong malihim. May pinagdadaanan ka na pala hindi ka nagsasalita. Aba'y may balak ka pang lumayo. Mabuti na lang at matalino itong nobyo mo at nahalatang may kakaiba sa kilos mo. Pinag alala mo kami ng Tiyang Les mo." Sermon sa akin ni Tiyong Rusi.

Ngumiwi naman ako. "Pasensya na po tiyong. Ayoko lang po talagang mag alala kayo."

"Naiintindihan ko. Pero huwag mo ng uulitin. Isang pamilya tayo. Kami na ng Tiyang Les mo ang magulang mo dahil sa amin ka iniwan ng mama mo kaya natural lang na mag alala kami."

"Opo tiyong. Hindi na po mauulit." Sabi ko. Mali rin kasi ako sa parteng hindi ako nagsalita at nilihim ko ang problema ko. Mas pinili ko pang magpadala sa takot at lumayo. Pero nagawa ko lang naman yun dahil sa pagmamahal ko sa kanila. Ayoko lang na mapahamak sila.

Inakbayan ako ni Cedric at kinabig sabay halik ng mariin sa sentido ko. "Huwag ka na ring maglilihim sa akin babe.."

Marahan akong tumango sa kanya at sumandig sa kanyang balikat. Ngunit napaupo ako ng tuwid ng tumunog ang cellphone nya. Dinukot naman nya yun sa bulsa ng pantalon at tiningnan kung sino ang tumawag. Ang kanyang lolo. Sinagot nya yun.

My Possessive Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon