Pinky POV
NATATAWA ako habang nag aasaran si Tiyong Rusi at Tiyang Les. Para pa rin silang mga bata. Lambingan na nila ang asarin ang isa't isa. Sana lahat ng mag asawa ay gaya nila.
Sinawsaw ko ang roller sa pintura at pinahid na yun sa pader ng tindahan. Inumpisahan na namin ayusin ang tindahan. Ayaw mag aksaya ng araw at panahon nila tiyong at tiyang. Kaya kahit nagpapagaling pa sa mga paso at lapnos nila ay nagsimula na sila sa pag aayos ng nasunog na tindahan. Kahapon ay naglinis sila katulong ang mga pinsan ko. Ngayon naman ay nagpipintura na kami at nagkukumpuni. Tamang tama naman na long weekend kaya tulong tulong kami kesa nga naman umupa pa kami ng mga tao. Makakatipid na kami at parang bonding na rin namin.
"Naku, sinasabi ko sayo Rusi. Kapag ikaw talaga nakita kong tumingin pa sexy na dumadaan dudukutin ko talaga yang mata mo." Banta ni Tiyang Les habang pinupunasan ang mga bakal na estante na hindi natupok sa sunog at pwede pang gamitin.
"Eh di ipipikit ko na lang ang mata ko parang ganito." Pinikit nga ni Tiyong Rusi ang mata pero ang isa ay nakadilat.
Nagtawanan naman kami ng mga pinsan ko.
Malakas talaga mang asar si Tiyong Rusi. Ganyan ang lambing nya kay Tiyang Les. Eh kasi naman si tiyong Rusi kapag may dumadaang seksi napapatingin. Pero hanggang tingin lang naman sya dahil takot sya kay Tiyang Les. Noong binata pa si Tiyong Rusi ay babaero talaga sya. Ang kwento nga ni mama noon ay napikot lang si Tiyong Rusi ni Tiyang Les dahil nabuntis nya ito. Iniwan ni tiyong ang nobya nya noon at pinanagutan si Tiyang Les. Naalala ko pa nga dati noong baby pa ang pinsan kong si Ramil ay lagi silang nag aaway dalawa dahil selosa si Tiyang Les. Pero never naman nyang sinaktan si tiyang. Natigil lang sila sa pag aaway ng manganak ulit si tiyang kay Jennifer hanggang sa sunod sunod na. Ngayon kapag nagseselos si Tiyang Les. Dinadaan na lang sa lambing at biro ni Tiyong Rusi hanggang sa lumamig na ang ulo ni Tiyang Les.
"Tao po. Magandang araw. Dito po ba ang tindahan ni Rosauro Buenavista?"
Natigilan kami sa pagpipintura at tumingin sa labas ng tindahan. May tatlong lalaki doon at may dala dala silang mga bagong estante.
Tumayo si Tiyong Rusi at lumapit sa tatlong lalaki. "Ako si Rosauro Buenavista. May kailangan ba kayo?"
"Uh, magandang araw po ser. May delivery po kayo."
Kumunot ang noo ni Tiyong Rusi. "Delivery? Wala naman akong pinapadeliver ah."
Sinenyasan ng lalaki ang dalawa nyang kasamahan na may mga buhat na estante. "Order po ang mga ito ni Mr. Cedric Montez. Dito po ang address na binigay nya at kayo po ang receiver."
Napasinghap ako sa sinabi ng lalaki. Galing kay Cedric ang mga estante na bagong bago. Nagsipulan naman si Ramil at Eboy. Si Tiyang Les ay tumayo na rin at umusyoso.
"Kuh, napakabait talaga ni Cedric. Ito pala ang mga sinasabi nya na ibibigay nya." Ngiting ngiti na sabi ni Tiyong Rusi at sinipat sipat pa ang mga estante.
"Hindi lang po mga estante ang pinadaliver ni Mr. Cedric. Meron pa pong iba, kukunin lang po namin."
"Ganun ba."
At hindi nga lang talaga mga estante ang pinadeliver ni Cedric. Meron ding bagong bago na chest freezer na tamang tama dahil nadamay din sa sunog ang chest freezer ng tindahan at bago ding fridge para sa mga beverages. Tuwang tuwa si Tiyong Rusi at Tiyang Les pati na ang mga pinsan ko. Hindi na mababawasan ng malaki ang ipon nila.
"Ser, pa-sign na lang po para patunay na na-receive nyo na po yung mga items." Inabot ng lalaki ang isang papel at ballpen.
Kinuha naman yun ni Tiyong Rusi at pinirmahan. "Salamat."
BINABASA MO ANG
My Possessive Ex-Boyfriend
General Fiction"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang ex boyfriend na isang magiting na pulis. Malungkot pero pinipilit nyang maging masaya. Ang nasa isip...