Chapter 23

19.8K 713 74
                                    

Cedric POV

NAMAYWANG ako at kumunot ang noo ko habang nakatingin sa bahay na nasa aking harapan. Kilala ko ang may ari ng bahay. Ang isa sa tauhan ni mama. Ang pinagkakatiwalaan nyang tauhan.

Bumaling ako sa lalaking nanunog sa tindahan ni Tiyong Rusi. "Sigurado ka ito ang bahay ng nag utos sayo?"

"Opo ser, kilala ko yan si Mang Junior. Suki namin yan sa ice plant at nauutangan ko minsan. Nagtatrabaho yan sa mayamang anak ng dating senador."

Marahas akong bumuntong hininga. May pumapasok na hinala sa isip ko pero parang di ko kayang isipin at ayokong tanggapin.

Umakyat ako sa maliit na terrace. Narito na ang motor ni Mang Junior malamang ay kakauwi lang nya mula sa mansion ni mama at papa. Kumatok ako ng tatlo sa saradong pinto.

May sumilip na babaeng may edad sa bintana at kumunot ang noo ng makita kami. "Sino po sila?"

Pinakita ko ang id ko. "Chief Inspector Cedric Montez. Nariyan ba si Junior Manalasa?"

Gumuhit ang pag aalala sa mukha ng babae. "Ano pong kailangan nyo sa asawa ko?"

"May ilan lang kaming katanungan sa kanya."

"Sige po. Tatawagin ko lang po sya." Umalis na sa bintana ang babae.

Naghintay ako ng ilang sandali sa harap ng saradong pinto. Mayamaya lang ay bumukas ito at bumungad ang mukha ni Mang Junior na nagulat pa ng makita ako pero agad ding syang ngumiti.

"O! Kayo po pala Ser Cedric. Magandang hapon po." Magiliw nyang bati sa akin at tumingin sa mga kasamahan ko. Ngunit natigilan sya ng makita si Tanoy. May gumuhit na takot sa kanyang mga mata.

"Pasensya na po Mang Junior kung nilaglag ko kayo. Ayoko lang pong makulong. Yung pong perang binigay nyo sa akin ibabalik ko po sa inyo. Yung nga lang kulang na pero huhulog hulugan ko na lang ang kulang. Ayoko po talagang makulong. Kawawa ang mag iina ko." Ani Tanoy na bakas naman sa mukha ang pangamba.

Mapaklang tumawa si Mang Junior. Pero ang tawa nya ay parang ninenerbyos din at bahagya na rin syang namumutla.

"A-Ano bang sinasabi mong lalaki ka? K-Kilala ba kita? Sino ka ba?"

Nagsalubong ang kilay ko.

Kumamot naman sa ulo si Tanoy. "Pambihira naman kayo Mang Junior. Huwag naman po kayong magpanggap na di nyo ako kilala. Ako po ang naiipit."

"Eh hindi ko nga alam -- "

"Mang Junior." Putol ko sa sasabihin ng pinagkakatiwalaang tauhan ni mama.

Tumingin sya sa akin. "Ser, hindi ko po kilala ang lalaki yan. Baka nawawala sa sarili yan kaya kung ano ano ang sinasabi."

Tumaas ang kilay ko at matiim na tiningnan si Mang Junior. "Sigurado kayo Mang Junior na hindi nyo sya kilala? Magtatanong ako sa ibang mga tao kung totoong hindi nyo talaga sya kilala."

Natigilan si Mang Junior at napalunok. "Ser Cedric, ano po ba ang gusto nyong tumbukin?"

"Bakit mo pinasunog ang tindahan ng tiyuhin ng dating nobya ko?" Diretsahan kong tanong.

Marahan syang umiling. "H-Hindi ko alam ang sinasabi nyo ser."

Pumikit ako ng mariin at nagtagis ang bagang ko. Halatang nagsisinungaling sya.

"Mang Junior, halatang nagsisinungaling kayo." Mariin kong sabi.

Lumabas ang asawa nya. Nakaguhit sa mukha nito ang pag aalala. Humawak ito sa braso nya.

My Possessive Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon