END

13.3K 563 59
                                    

Pinky POV

"CONGRATULATIONS bebs!" Kinikilig na binati ako ni Ciella sabay yakap sa akin.

"Thank you beb." Nakangiting sabi ko at niyakap din ang kaibigan.

Kumalas sa yakap si Ciella at tinitigan ako. "Finally, Mrs. Montez ka na."

Sabay kaming humagikgik na dalawa.

Katatapos lang ng seremonyas at dito agad kami dumiretso ni Cedric sa hotel kung saan dinaos ang reception. Simple lang ang reception namin at pili lang ang imbitado. Yun ang napagkasunduan namin ni Cedric na pribado muna ang kasal namin ngayon. Sa side ko ay imbitado sila Tiyang Helen, Tiyong Rusi, Tiyang Les at mga pinsan ko. Si Ciella at Lex at ang anak nilang si Alexandrea. Sa side naman ni Cedric ay ang papa at mama nya at si Lolo Manuel. Imbitado din ang hepe nila at ilang kasamahan nya sa ahensya.

"Congratulations chief inspector." Bati naman ni Lex kay Cedric at nagtapikan sila sa balikat.

"Thank you pare."

Isa isa na ring lumapit sa amin ang mga pinsan ko at binati kami ni Cedric. Ganun din ang mga kasamahan ni Cedric sa ahensya pati ang hepe nila. Saglit lang sila sa reception dahil may duty pa sila.

"Priscilla iha." Lumapit sa akin si Ma'am Adela kasunod nya ang tatlo pang ginang na may mga ngiti sa labi. Sa hitsura at mga bihis nila ay halatang mga kabilang sila sa alta sosyedad.

"Ma'am Adela.." Sambit ko.

"Mama iha, tawagin mo na akong mama dahil kasal na kayo ni Cedric. Anyway, ipapakilala kita sa mga amiga ko." Hinawakan ako ni Ma'am Adela -- este mama sa braso. Nagulat ako sa gusto nyang itawag ko sa kanya at sa paghawak nya sa braso ko.

Lumingon ako kay Cedric na kausap ang iba pang bisita. Nginitian lang nya ako at tinanguan.

"She is Priscilla, my daughter in law." Pagpapakilala na sa akin ni Mama Adela sa mga amiga nya.

Pino kung kumilos ang mga ito at elegante. Mga nakangiti habang nakatingin sa akin. Mukha naman silang mababait.

"Hello po ma'am." Magalang na bati ko sa mga ginang.

"Hello iha. Congratulations sa kasal nyo ng aking inaanak." Bati pa sa akin ng isang ginang na maiksi ang buhok na kulay puti.

"Thank you po ma'am." Kiming ngumiti ako.

"She's so pretty Adela." Komento pa ng isang ginang na medyo kulutan ang buhok.

"Of course, magaling pumili ang anak ko. And she is a businesswoman too." Pagmamalaki pa ni Mama Adela.

"Oh really? Anong business nya?"

"She owns a flower shop and a coffee shop. May dalawang branch na yun at sosyo sila ng kaibigan nya." Dagdag pa ni Mama Adela.

"Wow! That's nice."

Kinagat ko naman ang labi at ngumiti. Ang sarap sa pakiramdam na pinagmamalaki ako ni Mama Adela sa mga amiga nya. Akala ko, mamamaliitin nya ako kaya kabado ako kanina. Nagkamali ako.

Nagtanong pa ang mga amiga ni Mama Adela tungkol sa flower shop at coffee shop. Interesado silang puntahan yun. Binigyan ko naman sila ng business card kung saan nakalagay na doon ang pangalan ng shop, phone number at address. Anytime ay pwede silang pumunta.

Matamis ang ngiti ko sa labi sa mga dumaang oras. Magaan na magaan ang pakiramdam ko at masaya ako. Bukod sa kasal na kami ni Cedric ay ok na kami ni Mama Adela.

My Possessive Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon