Pinky POV
PINAGMAMASDAN ko si Cedric habang kumakain kami. Sunod sunod ang subo nya. Mukhang gutom na gutom sya. Mukha din syang pagod.
"May operation kayo kagabi?" Tanong ko sa gitna ng pagnguya.
"Yeah, niraid namin ang hide out ng uncle ni Danon Acosta sa Laguna pero wala kaming nadatnan. Nakatunog sila at mabilis na umalis bago kami dumating."
Tumango tango ako at bumuntong hininga. Nakaramdam ako ng kaba at takot sa sinabi nya. Kapag sumasabak sya sa operasyon ay di ko talaga maiwasan mapraning, kabahan at matakot dahil kriminal ang hinahabol nila. Sya pa naman laging nauuna sa bakbakan. Parang bidang action star sa pelikula.
Tumingin sya sa akin at natigilan ng makitang nakatingin ako. "Why?"
Nagbawi ako ng tingin at tumuon sa pagkain.
"Wala." Sumubo ako ng sinangag.
Ngumisi sya. "I don't believe you. May gusto kang sabihin."
Ngumuso ako at sumubo ng longganisa. "Wala nga. Curious lang ako kung ano ang mga nangyari sayo sa loob ng dalawang taon sa probinsyang pinagdestinuhan mo."
"Kung di ka lang nagpalit ng number eh di sana natatawagan kita para alam mo. Hindi ka sana nagtatanong ngayon." Sarkastiko nyang sabi.
Natigilan naman ako at inikutan sya ng mata. "Eh di huwag mong sagutin ang tanong ko." Masungit na sabi ko.
Pero nakaramdam ako ng pagkapahiya sa sinabi nya. Tama nga naman sya. Kung di ako nagpalit ng number para matawagan nya ako eh di sana alam ko. Kung bakit kasi nagtanong pa ako.
Mahina syang tumawa.
Sinamaan ko sya ng tingin. Tumigil naman sya sa pagtawa at ngumisi.
"Well, nagkaroon ako ng limang girlfriend. Yung dalawa sa kanila naanakan ko."
Umawang ang labi ko at kumunot ang noo.
Muli naman syang tumawa ng malakas na. "I'm just kidding babe."
Inirapan ko sya. Pero nakaramdam ako ng relief. Medyo kinabahan ako kanina.
"Ewan ko sayo.."
Dinampot nya ang tasa ng kape at humigop. "Kung iniisip mo na nagkaroon ako ng nobya sa probinsya nagkakamali ka. Kahit maraming magaganda doon di ko sila pinapansin. Focus lang ako sa trabaho. Isa pa ikaw lang ang babaeng nasa isip ko. Mahirap kang palitan."
Nanghaba ang nguso ko at tila nagwala na naman ang puso ko sa kilig.
"Uy kinikilig sya." Nanunukso pang sabi nya sabay tawa.
Nag init naman ang mukha ko at lalong nanghaba ang nguso ko. "K-Kinikilig ka dyan. Hindi no!" Tanggi ko sabay dampot ng baso ng tubig at inom.
"Hindi raw. Eh bakit namumula ka?" Nakangisi pang saad nya.
Muntik ko ng maibuga ang tubig na iniinom.
Malakas naman syang tumawa. Sinamaan ko sya ng tingin. Pero di naman sya tinatablan at panay pa rin ang tawa. Inirapan ko na lang sya. Pero masarap sa tenga ang tawa nya at mas lalo syang gumugwapo kapag tumatawa. Lumilitaw ang dalawang biloy nya sa magkabilang pisngi.
Tumigil sya sa pagtawa at nangingisi ng nakatingin sa akin. "Naalala mo noong una tayong nagkita? Titig na titig ka sa akin noon. Noon pa lang halata ng may gusto ka sa akin."
Suminghap ako. "Ang kapal ha. Paano mo naman nasabing noon pa lang gusto na kita?"
"Obvious naman dahil titig na titig ka sa akin tapos tinatanong kita di ka agad sumasagot at nakanganga lang." Nakangisi pang sabi nya.
BINABASA MO ANG
My Possessive Ex-Boyfriend
General Fiction"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang ex boyfriend na isang magiting na pulis. Malungkot pero pinipilit nyang maging masaya. Ang nasa isip...