Pinky POV
MAS lalo pang lumakas ang ulan paglabas ko ng convenient store. Kasasara lang namin ng shop at dito ako dumiretso sa convenient store para bumili ng sanitary napkin dahil naubusan na ako. Nauna ng umuwi si Ciella dahil magkaiba kami ng way ng bahay. Sinilip ko ang oras sa suot na relo. Mag a-alas nuebe na ng gabi at mukhang hindi pa titila ang ulan.
Binuksan ko ang payong na dala dala at nagpalinga linga para maghanap ng masasakyan. May mga dumadaang jeep pero puno na. May mga tricycle din na dumadaan pero may mga sakay na rin. Pahirapan makahanap ng masasakyan kapag ganitong umuulan.
May humintong itim na sasakyan sa harapan ko at bumukas ang salaming bintana.
"Pinky."
Namilog ang mata ko at napasinghap kasabay ng pagkabog ng aking dibdib ng makita si Chief Cedric.
"Chief Cedric."
"Anong ginagawa mo dyan?" Kunot noong tanong nya.
"Nag aabang ng masasakyan."
"Sa akin ka na sumabay. Matatagalan ka lang sa paghihintay ng masasakyan dahil umuulan." Alok nya.
"Sige." Agad na pagpayag ko at naglakad na paikot sa passenger seat. Agad kong binuksan ang pinto at pumasok na sa loob sabay tupi ng payong. Sinarado ko na ang pinto at nakangiting humarap sa kanya. "Salamat chief."
Pero natigilan ako ng mapansing matiim ang tingin nya sa akin at seryoso ang kanyang mukha.
"Bakit chief?"
Bumuntong hininga sya at umiling iling. Naguluhan naman ako.
"Ganyan ka ba talaga? Madaling magtiwala sa kung sino lalo pa at lalaki? Lahat ba ng lalaking nagaalok sayong isakay ka pumapayag ka?" Sunod sunod nyang tanong sa nanenermon na boses.
Umawang ang labi ko at kinurap kurap ang mata. "Ano.. hindi. Sayo lang.."
Ngayon ko lang napagtanto ang ginawa ko. Agad akong pumayag sa alok nyang sakay na walang pag aalinlangan. Hindi ako mabilis magtiwala sa ibang tao. Dudera ako at praning. Pero sa kanya, walang pagdadalawang isip na nagtiwala ako samantalang ilang beses pa lang kaming nagkikita at naguusap.
Tumaas ang kilay nya. "Sa akin lang? Ganun ka katiwala sa akin?"
"Oo.. eh kasi pulis ka. Hepe pa. Hindi ka naman siguro gagawa ng bagay na ikasisira ng reputasyon mo." Sabi ko.
Ngumisi sya at umiling iling. "Ako na ang nagsasabi sayo, hindi lahat ng pulis matitino. Kaya hindi ka pa rin dapat basta basta nagtitiwala."
Tumango tango ako. "Pero hindi ka naman kabilang sa mga hindi matitino di ba?"
"Of course not."
Matamis akong ngumiti. "Eh di safe ako sayo."
Numisi lang ulit sya at umiling iling. "Sige na, ikabit mo na yang seatbelt mo at ihahatid na kita sa inyo."
Agad ko namang kinabit ang seatbelt. Ang saya nito. Nakalibre ako ng sakay at si Chief Cedric pa ang driver ko.
Umayos na ako ng upo at sinabi sa kanya ang address ng bahay ko. Pinausad naman nya ang kanyang sasakyan.
Malamig sa loob ng sasakyan nya dahil sa aircon. Mabuti na lang may suot akong cardigan kaya di ako giginawin.
"Wala ka bang sasakyan?"
Lumingon ako sa kanya at umiling. "Wala. Nagco-commute lang ako araw araw."
"Really? Bakit di ka bumili? Mukhang maganda naman ang kita ng shop nyo ng kaibigan mo. Lagi kayong maraming customer. Wala ka pa bang ipon?"
BINABASA MO ANG
My Possessive Ex-Boyfriend
Narrativa generale"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang ex boyfriend na isang magiting na pulis. Malungkot pero pinipilit nyang maging masaya. Ang nasa isip...