Cedric POV
SUNOD sunod ang tungga ko sa baso ng alak. Muli kong sinalinan ng whiskey ang baso at muli yung tinungga. Gumuhit sa lalamunin ko ang pait. Pero walang wala ang pait na yun sa pait na nararamdaman ko ngayon.
Sa pangalawang pagkakataon dinurog na naman ako ni Pinky. Hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa nya ito sa akin. Hindi raw nya ako mahal at may gusto na raw syang iba. Hindi ako naniniwala sa sinasabi nyang hindi na nya ako mahal. Ramdam kong mahal pa rin nya ako. At kung sino man yung lalaking sinasabi nya na gusto nya babalian ko ng buto.
Pabagsak na binaba ko ang baso sa glass table at muli yung sinalinan. Napapitlag sa gulat ang mga kasamahan kong pulis at napahinto sa kwentuhan at tawanan. Kagagaling ko lang sa bahay ni Pinky at inaya ko silang uminom dito sa resto bar at sagot ko ang lahat ng alak at pagkain.
Dinampot ko ang baso at muling tinungga. Tiningnan ko ang mga kasamahan. "Bakit kayo tumigil?"
Sabay sabay pa silang umiling.
"Wala chief, nagulat lang kami. Ayos ka lang ba?" Tanong ni Romeo. Ang sarhento na ilang taon ko ng kasama sa serbisyo. Sa kanya ko din pinamamanmanan noon si Pinky.
"Hindi ako ok.." Sabi ko.
Muli na naman silang natigilan.
"Anong problema chief?" Usisa pa ni Romeo.
Tumingin ako sa kanya at mariing pinaglapat ang labi. "Si Pinky.."
"Si Ma'am Pinky? Di ba ok na kayo?"
Marahas akong bumuntong hininga. "Yun ang akala ko. Maayos naman kami nitong mga nakaraang araw tapos bigla bigla kanina ang sabi nya tapusin na raw namin ang anomang meron kami. Putangina! Hindi pa nga kami nakakapagumpisa ulit tatapusin na nya agad." Himutok ko at muling nagsalin ng alak sa baso at sinimsim na yun.
Kumamot naman sa ulo si Romeo. "Eh bakit daw chief? Anong problema?"
"Hindi ko alam. Pero ang sabi nya may iba na raw syang nagugustuhan. Kung sino man ang putanginang yun, babalian ko sya ng buto." Tiim bagang na sambit ko sabay tungga ng lamang alak sa baso.
Nilingon ko si Romeo na tumutungga na rin sa bote nya ng beer. "Ikaw? Kilala mo ba ang lalaking yun? Sabi mo maraming lalaki ang lumalapit sa kanya sa shop."
Binaba ni Romeo ang bote at lumingon sa akin. "Oo nga chief, maraming lalaki ang lumalapit kay Ma'am Pinky pero wala naman syang pinapansin sa mga ito. Kapag binabati sya tatanguan lang nya at tipid na ngingitian." Natigilan sya. "Pero naalala ko, may isang lalaking customer nila na madalas kong nakikitang kakwentuhan nila ni Ma'am Ciella."
Kumunot ang noo ko at humigpit ang hawak ko sa baso. "Sino ang lalaking yun?"
"Hindi ko kilala chief. Pero tingin ko nagtatrabaho sya malapit lang sa coffee shop."
Huminga ako ng malalim at tumiim bagang. "Anong hitsura nya?"
"Medyo bata bata pa chief. Siguro mga kasing edad lang din ni Ma'am Pinky. Gwapings din eh. Chinitong tisoy."
Lalong dumiin ang hawak ko sa baso at pabagsak itong nilapag sa mesa sabay salin ulit ng alak. Muli ko yung dinampot at inisang lagok.
Ganun na ba ang gustong lalaki ni Pinky? Chinito? Tss! Baka lampa naman yun.
"Boss chief, huwag kayong ma-treathened dun sa chnito. Mas lamang kayo dun." Sabat ni Norman.
Sinamaan ko naman sya ng tingin. "Hindi ako treathened."
Siniko ni Romeo si Norman at binulungan. "Huwag ka ng sumabat. Huwag mo ng sabayan ang init ng ulo ni chief. Madedelikads ka."
"Sorry chief." Nakangiwing sabi naman ni Norman at pinagtuunan na lang ang bote ng beer.
BINABASA MO ANG
My Possessive Ex-Boyfriend
Fiksi Umum"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang ex boyfriend na isang magiting na pulis. Malungkot pero pinipilit nyang maging masaya. Ang nasa isip...