Chapter 27

17.9K 747 68
                                    

Cedric POV

BINABA ko ang salaming bintana at tumingin sa paligid. Ito na yata ang tinuro sa akin ng napagtanungan ko kanina sa may kanto. Yung may pinakamalaking puno ng mangga at may gate na gawa sa kahoy. Tumingin ako sa loob ng bakuran. May mga bahay doon pero hindi naman tabi tabi. Naagaw ng pansin ko ang isang bahay na dalawang palapag na yari sa bato at kahoy.  Sa harapan nun ay may mga kalalakihan na umiinom at malalakas ang mga tawa. Heto na yata ang bahay ng tiyahin ni Pinky.

Bumuntong hininga ako at pinatay ang makina. Binuksan ko ang pinto at bumaba ng sasakyan. Sinalubong ako ng mga tahol ng limang aso na galing sa loob ng bakuran. Wari'y pinoprotektahan nila ang kanilang teritoryo.

Kahapon pa sana ako bumiyahe papunta rito pero kanina lang naaprubahan ang leave ko. Nalaman ko kahapon mula kay Tiyong Rusi at Tiyang Les na umalis si Pinky at umuwi dito sa Quezon. Alam ko ang dahilan kung bakit sya umuwi kahit hindi nya sabihin. Yun ay para lumayo sa akin dahil malamang yun ang inutos sa kanya ni mama.

Pumasok na ako sa bukas na gate na kahoy. Sumunod sa akin ang limang aso na tumatahol pa rin. Napalingon na rin sa akin ang mga kalalakihang nag iinuman. Lumapit ako sa kanila. Mukhang magkakamag anak lang sila. Kamag anak kaya sila ni Pinky?

"Magandang gabi ho." Bati ko sa mga nag iinuman.

"Magandang gabi rin. Aba'y gabi na nadayo pa kayo dito sa amin? Sino ba sila at anong kailangan?" Tanong ng pinaka matandang lalaki. May hawig sya kay Tiyong Rusi.

Nagsi tayuan naman ang ilang mga kalalakihan na mga bata pa at sinusuri ako ng tingin. Alerto sila sa akin.

"Bisita ka ba ni Helen? Jasper, sabihin mo nga sa tiyang mo na may bisita sya." Utos ng isa pang may edad na lalaki.

"Opo tay." Tumalima naman ang mas batang lalaki na inutusan at tumungo sa bahay na bukas ang pinto.

Pasimpleng iginala ko naman ang mata sa paligid. May nakita akong pamilyar na kotse. Tiningnan ko ang plaka. Kumislot ang puso ko ng makumpirmang kotse nga yun ni Pinky. Narito sya.

"Ah, mawalang galang na ho. Narito ho ba si Pinky? Priscilla Anoñuevo."

Kumunot ang noo ng matandang lalaki pati na ang mga kasama nya.

"Ang magandang pamangkin ko yun ah! Anong kailangan mo sa kanya?"

"Tay, hindi daw po kilala ni Tiyang Helen yan." Saad ng lalaking nagngangalang Jasper ng makabalik.

"Hindi ang tiyang mo ang sadya nya kundi si Pinky."

"Si Pinky?" Maangas na tumingin sa akin si Jasper at nilapitan ako. Halatang may tama na ng alak. Sinuyod nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi man lang sya umabot sa tenga ko. Bigla syang nagilag at umatras. "Ang laki mo.."

"O, huwag mong angasan yan. Malaki yan. Baka tupiin ka nyan sa lima." Saad ng isa pang lalaki at hinila sa balikat si Jasper.

Bumuntong hininga ako at ngumiti sa kanila. Mga tiyuhin at mga pinsan pala sila ni Pinky.

"Ako ho si Cedric Montez. Boyfriend ho ni Pinky." Pagpapakilala ko sa sarili.

"Boyfriend?" Sabay sabay na bulalas naman ng mga pinsan ni Pinky.

Tumakbo naman ulit si Jasper pabalik sa bahay.

"Boyfriend ka ni Pinky? Totoo ba yan?" Tanong ng matandang lalaki na tumayo na.

"Oho sir."

Nagtinginan sila.

"May boyfriend pala si Pinky at ganito pa kagandang lalaki."

My Possessive Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon