Pinky POV
"KUH! Sinabi ko naman sayo hayaan mo na ang mga pinsan mo dyan. Magpahinga ka na lang." Sita sa akin ni Tiyang Helen ng maabutan nya akong tumutulong sa pagbabalat ng kamoteng kahoy na gagawing kakanin.
"Ayos lang po tiyang, wala naman po akong ginagawa at nakapag pahinga na po ako."
Bumuntong hininga si Tiyang Helen at nilapag sa kawayang mesa ang mga pinamili nyang mga sangkap sa paggawa ng kakanin.
"Sinaway na po namin yan tiyang, pero ayaw talaga magpasaway." Sumbong ni Ate Carmen na syang malimit na katulong ni Tiyang Helen. Ang kanyang bunsong anak ay nasa crib at dumedede. Ang dalawa pa nyang anak ay naglalaro naman. Walang pasok ang panganay nya at ang pangalawa nya naman ay hindi pa nag aaral.
"Bahala ka na ngang bata ka. Mag ingat ingat ka na lang sa kutsilyo at matalim yan baka mahiwa ka." Paalala pa ni Tiyang Helen.
Natawa naman ako. "Tiyang, huwag po kayong mag alala sa akin. Sa flower shop sanay na sanay na akong humawak ng matutulis na bagay."
"Kunsabagay.. Teka nag almusal ka na ba?"
"Nagkape at tinapay lang po. Busog pa po ako sa mga kinain ko kagabi."
Tumango lang si tiyang at nilabas na ang mga sangkap sa plastic. Hinayaan na lang nya akong tumulong dahil hindi naman talaga ako magpapaawat. Hangga't maaari ayoko ng walang ginagawa at walang kausap dahil maiisip ko lang si Cedric.
Nagdatingan na rin ang iba kong kamag anak na tutulong sa paggawa ng kakanin.
Noong bata pa ako madalas kaming umuwi dito sa probinsya ni mama at papa. Lalo na noong pumanaw si papa. Kapag nalulungkot si mama ay uuwi kami dito kapag weekend. Dumalang lang ng magkasakit si mama at ng mamatay na rin sya. Nakakauwi na lang ako kapag umuuwi si Tiyong Rusi. Naalala ko pa nga noon na gusto ni Tiyang Helen na dito na lang ako sa kanya para maalagaan nya. Pero may bahay kami sa Manila at doon ako nag aaral. Kasalukuyan na akong nasa high school noon. Kaya ang nangyari si Tiyang Helen ang umuwi sa Manila para samahan ako hanggang sa nakapag tapos ako ng high school. Umuwi lang sya ulit dito noong mamatay ang lolo't lola ko. Dahil college na ako ay kaya ko naman ang sarili ko at nakaagapay naman lagi sa akin si Tiyong Rusi at Tiyang Les.
Malaki ang angkan ni mama dito sa Quezon. May malawak kaming lupain na puro mga kamag anak namin ang nakatira. Ang karaniwang hanap buhay ng mga kamag anak ko ay paggawa ng mga kakanin, pagsasaka, pag aalaga ng baboy, manok at itik na binabagsak sa mga palengke. Pero mas kilala ang angkan namin sa paggawa ng mga kakanin. Yung lolo at lola ko ay yun ang hanapbuhay noong nabubuhay pa at si Tiyang Helen ang nagtuloy. Dahil si mama ay mas pinili ang buhay sa Manila. Doon sya nakahanap ng magandang trabaho at nakilala ang papa ko. Ang mga kamag anak naman ni papa ay nasa malayong lugar. Tubong Cebu sya at bilang lang sa daliri na nakauwi kami doon. Maliit lang ang pamilya nya papa. Nag iisa syang anak at parehas na ring patay ang mga magulang. Huli kong nakita ang mga kamag anak ko sa side ni papa noong burol nya.
Nilingon ko ang bunsong anak ni Ate Carmen na umiiyak na sa wooden crib. Mukhang namimiss na ang mama nya. Umalis kasi si Ate Carmen kasama ang panganay para hatiran ng pananghalian ang asawa sa trabaho nito na nasa kabilang baranggay. Mas matipid daw kasi kapag hahatiran ng pagkain kesa bumili sa labas at mas mabubusog pa.
"Wala pa ti mama kaya tahimik ka na." Saway ng pangalawang anak ni Ate Carmen sa bunso na lalo lang umiyak.
Iniwan ni Ate Carmen ang dalawa nyang anak saglit kay Tiyang Dalya. Pero pumasok sa bahay saglit si tiyang para mag cr. Si Tiyang Helen naman ay nagluluto ng ulam namin.
BINABASA MO ANG
My Possessive Ex-Boyfriend
General Fiction"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang ex boyfriend na isang magiting na pulis. Malungkot pero pinipilit nyang maging masaya. Ang nasa isip...