Pinky POV
PINASOK ko ang kotse sa bakuran ng bahay ni Tiyang Helen. Halos dalawang oras ang byahe ko bago ako nakarating. Maagang maaga ako umalis sa amin para hindi ako abutan ng traffic.
Sinilip ko ang oras sa suot na relo. Eksaktong pumatak na ng alas syete ng umaga. Bumaba ako ng kotse. Ngumiti ako ng sumalubong sa akin ang hanging pang umaga. Malamig ang simoy ng hangin at preskong presko. Malayo sa Manila na maalinsangan ang hangin sa umaga. Dito kasi sa lugar namin ay maraming puno.
Tiningnan ko ang bahay na nasa harapan ko. Dalawang palapag yun. Yari sa bato ang unang palapag at kahoy naman sa itaas. Ang bahay na ito ay pag aari ng lolo at lola ko. Ang magulang ni mama at ni Tiyang Helen. Si Tiyang Helen lang ang nakatira dito pero minsan daw sinasamahan sya ng mga pinsan kong matulog. Kapitbahay lang din namin ang aming kamag anak na tumutulong din sa kanya sa paggawa ng mga kakanin para ibenta.
Lumapit na ako sa bahay at pumasok sa terrace. Bukas ang makapal na pinto. Sumilip ako sa loob. Malinis ang buong bahay pero wala akong nakikitang tao sa loob. Ngunit may naririnig akong mga boses at tawanan na galing sa likuran ng bahay. Mukhang naroon si Tiyang Helen at ang iba pa naming kamag anak.
Lumabas ako ng terrace at umikot sa gilid ng bahay. Excited na akong makita ang tiyahin na ilang taon ko ring hindi nakita at ang iba ko pang mga kamag anak.
Sa likod nga ay nakita ko si Tiyang Helen na sinasalansan ang mga nakuhang dahon ng saging. Naroon ang nga tiyahin at tiyuhin ko na mga kapatid ni Tiyong Rusi kasama ang kanilang mga asawa at anak. Naghahanda na sila sa paggawa ng mga kakanin.
Unang nakapansin sa akin ang panganay sa aming magpipinsan. Namilog ang mata mata nya habang may hawak syang tasa na umuusok pa.
"Pinky? Tiyang si Pinky po!" Untag ni Kuya Doy kay Tiyang Helen.
Tumingin naman sa gawi ko si Tiyang Helen pati ang iba naming kamag anakan.
"Pinky? Pinky anak! Ikaw ba yan?" Bulalas ni Tiyang Helen na basta na lang binitawan ang hawak na dahon ng saging at patakbong lumapit sa akin.
Pagkalapit nya ay hinawakan nya ang aking mukha at pinakatitigan na para bang naniniguro na hindi sya namamalikmata. Nangingilid din ang luha sa kanyang mga mata. Pati ako nahawa na rin.
"Ikaw nga Pinky.." Sambit ni Tiyang Helen at niyakap ako ng mahigpit.
"Tiyang.." Yumakap din ako sa kanya kasabay ng pagtulo ng luha ko.
Sobra kong namiss ang tiyahin na nakakatandang kapatid ng aking ina. Kapag yakap ko sya at nakakasama ay para ko ring kasama si mama. Parehas kasi silang mabait. Walang anak si Tiyang Helen. Matandang dalaga sya at ako ang tinuturing nyang anak.
Kumalas na sa pagkakayakap si Tiyang Helen at hinawakan ang mukha ko. May malapad na ngiti sa kanyang labi. Nakaguhit ang tuwa sa kanyang mukha.
"Kuh! Nandito ka nga talaga. Hindi ako nananaginip. Pero ang sabi mo sa susunod na taon ka pa uuwi."
Kumagat labi ako. Bigla akong nakonsyensya. Kung wala akong pinagdadaanang promblema ngayon hindi ko pa maiisipang puntahan sya dito.
"G-Gusto ko po kasi kayong surpresahin tiyang. Pasensya na po kung ngayon lang ako umuwi dito sa atin. Hayaan nyo po, susubukan ko pong dalas dalasan."
"Walang problema. At sobrang saya ko na nandito ka na. Aba'y sobra na kitang namimiss. Hindi sapat yung nakikita at nakakausap lang kita sa video."
Hinawakan ko ang kamay ng butihing tiyahin at pinisil pisil iyon. "Ako rin po tiyang, miss na miss kayo."
Muli akong niyakap ni Tiyang Helen. Damang dama ko ang kasiyahan nya. Ako rin ay masaya ngayong kasama ko sya.
BINABASA MO ANG
My Possessive Ex-Boyfriend
Fiksi Umum"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang ex boyfriend na isang magiting na pulis. Malungkot pero pinipilit nyang maging masaya. Ang nasa isip...