Pinky POV
NAKANGITI ako habang naglalakad sa dalampasigan. Masarap sa paa ang pinong buhangin. Hinahayaan kong hampasain ng maliit na alon ang aking mga paa. Papalubog na ang araw at kay ganda nung pagmasdan. Kanina pa nga ako kumukuha ng mga pictures. Ipo-post ko yun sa social media account ko.
Matagal tagal na rin yung huling punta ko ng beach at sa Quezon Province pa yun. Naging busy na ako sa shop at hindi na ako nakakapaglibang libang.
Humugot ako ng malalim na hininga at pumikit. Sinamyo ko ang malamig na hanging dagat. Hinayaan kong salipadparin ng hangin ang aking mahabang buhok at bestida.
Magtatanghalian na ako nagising kanina. Pinagod talaga ako ni Cedric. Naalala ko kagabi halos wala syang kasawaan sa akin. Nakatulog na nga lang ako sa huling araw. Mabuti na nga lang at may mga damit syang pambabae sa closet na mga bago pa. Matagal na raw nya yung binili para sa akin dahil matagal na pala nya akong gustong ayain dito. Hindi lang natuloy dahil nakipaghiwalay ako sa kanya.
"Babe, it's dinner time!"
Nilingon ko si Cedric na nasa verandah. Nakasuot lang sya ng sandong puti at cotton shorts.
Ngumiti ako sa kanya at bumalik na sa resthouse.
"Ang agad naman nating kumain."
Ngumisi sya at hinapit ako sa bewang. "It's already 6, babe. Para maaga din tayong makatulog. Maaga tayong babalik sa Manila bukas di ba?"
"Oo nga pala."
"Let's go inside." Inakbayan nya ako at giniya na papasok sa loob.
Panay ang tawag nya sa akin ng babe. Hinahayaan ko na lang sya. Bukas ay maghihiwalay na kami ng landas. Nangako syang hindi na nya ako guguluhin.
Tumawag sa akin kanina si Ciella at tinanong kung bakit hindi ako pumasok sa shop. Sinabi ko naman sa kanya na may pinuntahan lang ako. Hindi ko sinabi sa kanya na magkasama kami ni Cedric dahil magtatanong lang sya ng marami.
"Mas maganda sana kung mananatili pa tayo dito ng ilang araw." Sambit ni Cedric sa gitna ng pagkain namin.
Bumuntong hininga ako at bumagal ang pagnguya ko. "Pero may mga trabaho pa tayo. Lalo ka na."
"Pwede naman akong magfile ng leave para marami tayong oras na magkasama." Malambing na saad pa nya.
Kumagat labi ako. Nakakatukso ang sinabi nya at gusto ko yun pero lalo lang akong mahihirapan na lumayo sa kanya kapag nagkasama pa kami ng matagal.
"Ang sabi mo pagkatapos nito titigilan mo na ako."
Ngumisi sya. "Oo nga, pero di ba pwedeng i-extend?"
Muli akong napabuntong hininga. "Hindi na. Kailangan ko ng pumasok sa shop bukas."
"Ok.." Napkibit balikat na lang sya at hindi na umimik. Pero bakas naman sa kanyang mukha ang disappointment.
Tahimik na lang kaming kumain at ng matapos ay hindi nya ako hinayaang maghugas ng plato. Pumunta na lang ako sa balcony sa kwarto at nagmuni muni roon. Nanamnamin ko na ang simoy ng hanging dagat at ang ilang oras na kasama ko si Cedric.
Pinunasan ko ng kamay ang luhang naglandas sa aking pisngi. Hindi ako dapat maging malungkot ngayon. Dapat maging masaya ako sa huling sandali namin ni Cedric.
Naramdaman ko ang matitigas nyang braso na pumulupot sa bewang ko. Sumandal ako sa kanyang malapad na dibdib. Napapikit ako ng halik halikan nya ang aking buhok. Pinigilan ko ang luha kong gusto muling umalpas. Ngumiti na lang ako at ninamnam ang mainit nyang yakap.
BINABASA MO ANG
My Possessive Ex-Boyfriend
Ficción General"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang ex boyfriend na isang magiting na pulis. Malungkot pero pinipilit nyang maging masaya. Ang nasa isip...
