Chapter 39

21.6K 649 35
                                    

Pinky POV

"YOU? What are you doing here and why are you wearing Cedric's shirt?" Mataray na tanong ni Carlyn at sinuyod ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Tiningnan ko rin ang sarili. Suot ko ang puting t-shirt ni Cedric na nagmukhang bestida ko na dahil umabot yun sa kalahati ng hita ko.

Tumingin ako kay Carlyn at tinaasan sya ng kilay. "Because Cedric is my boyfriend -- ah mali. Fiance pala. Kaya rin ako nandito dahil dito ako natulog kagabi. Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" Humalukipkip ako.

Umawang ang labi ni Carlyn. "Dito ka natulog kagabi?"

"Oo nga. Hindi mo ba narinig yung sinabi ko."

Tumalim ang tingin nya sa akin at nangalit ang kanyang panga. "At bakit dito ka natulog? Wala ka bang bahay at nakikitulog ka sa ibang bahay?"

Binigyan ko sya ng nakakalokong ngisi. Namumula na ang mukha nya at inis na inis na.

"May sarili akong bahay. Pero dito ako gustong patulugin ni Cedric. Saka pakialam mo ba? Bahay to ng fiance ko at may karapatan akong matulog dito lalo pa at malapit na kaming ikasal."

"No fucking way! Hindi kayo magpapakasal ni Cedric dahil kami ang magpapakasal. Tumabi ka nga dyan bitch!" Tungayaw nya sabay tulak sa akin at pasok nya sa loob ng gate.

Napaawang naman ang labi ko sa pagkabigla. Mabuti na na lang at napahawak ako sa haligi ng gate kung hindi ay baka napaupo na ako sa semento.

"Cedric! Cedric hun!"

Pumikit ako ng mariin. Parang may pumitik na ugat sa ulo ko ng marinig ang tawag ni Carlyn kay Cedric. Sinundan ko sya sa loob ng bahay.

"Carlyn what are you doing here?" Kunot noong tanong ni Cedric ng makita si Carlyn.

Lumapit naman ako sa nobyo. Sinibat naman ako ng matalim na tingin ni Carlyn.

"I heard na ikakasal ka na daw at hindi sa akin. Is it true?"

"Yes. Ikakasal ako sa nobya ko." Hinapit ako sa bewang ni Cedric. Ako naman ay yumakap sa kanyang bewang at matamis na ngumiti kay Carlyn para lalo syang maasar at magising na sya sa ilusyon nyang sila ang ikakasal ni Cedric.

Lalo namang naging masama ang timplada ng mukha ni Carlyn. "No! Hindi ako papayag. Pinagkasundo na tayo ng mga parents natin Cedric. Tayo ang ikakasal at hindi kayo ng babaeng yan!"

Bumuntong hininga si Cedric. "At hindi ako pumayag sa kasunduan na yun. I love my girlfriend and she's the only woman I'm gonna marry. Wala ng iba."

Bumalatay ang sakit sa mukha ni Carlyn. "How dare you Cedric! Pinaasa mo ko!"

Tumaas ang kilay ko.

"Never kitang pinaasa Carlyn. Ikaw lang ang umasa. Ilang beses ko ng sinabi sayo na hindi kita gusto at hindi ako magpapakasal sayo." Mahinahon na sabi ni Cedric.

Galit naman na lumapit si Carlyn at pinaghahampas sa dibdib si Cedric. Pinigilan ni Cedric ang mga kamay nya at nilayo sya sa akin. Humagkis naman sa akin ang galit nyang tingin.

"This is your fault bitch! Kung hindi dahil sayo ako sana ang pakakasalan ni Cedric!" Sikmat ni Carlyn sa akin.

"Hey! Walang kasalanan si Pinky. Nauna syang dumating sa buhay ko at sya lang ang babaeng gusto ko." Paliwanag pa ni Cedric habang pigil pigil pa rin sa pulso si Carlyn. Bakas ang pagpipigil ng inis sa kanyang mukha.

My Possessive Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon