Chapter 24

19.3K 758 74
                                    

Cedric POV

"SER Cedric magandang gabi po. Naku, nakalimutan yata ni madam na sabihin sa amin na uuwi kayo." Bati sa akin ni Vida. Ang mayordoma ng mansion.

"Nasaan si mama?" Walang kangiti ngiting tanong ko.

"Nasa living area po sa second floor kasama si ser. Naroon di po si Ma'am Carlyn. Kuh! Siguradong matutuwa yun kapag nakita kayo."

Mariin kong pinaglapat ang labi at tiningnan lang si Vida. Nawala naman ang ngiti nya at  naging ngiwi.

Nilampasan ko na sya at umakyat sa main staircase. Malalaki ang bawat hakbang ko at mabigat. Naririnig ko na nga ang hagikgikan ni mama at ni Carlyn.

"Cedric iho, napauwi ka." Bati sa akin ni papa na syang unang nakapansin sa akin.

Lumapit ako sa kanya at tinapik sya sa balikat. Tumingin naman sa akin si mama at si Carlyn na namilog pa ang mata.

"Omg Cedric!" Lumapit sa akin si Carlyn sabay yakap. "Gosh! You surprise me hun.. Tita Adela, hindi mo nabanggit sa akin na uuwi pala si Cedric."

Ngumiti si mama at tumingin sa akin. "Because I want to surprise you, iha. Umuwi talaga si Cedric dahil gusto ka nyang makasalo sa dinner."

"Really hun? Ah.. you're so sweet talaga." Humigpit pa ang yakap sa akin ni Carlyn at sinandig ang pisngi sa aking dibdib.

"No, hindi ako umuwi para makasalo kayo sa dinner." Salungat ko sabay hawak sa mga braso ni Carlyn at binaklas yun sa pagkakayakap sa akin.

Nawala naman ang ngiti ni mama at tumaas ang kilay. Lumapit naman ako sa kanya at matiim syang tinitigan.

"What's the problem, iho? Kakaiba ka yata ngayon." Tanong ni mama.

Nagtagisan ang bagang ko. Kung titingnan sya ay akala mo kung sinong inosente.

Mabait si mama, sa akin at sa kapatid ko. Lagi nyang binibigay ang gusto namin lalo na noong maliliit pa kami. Yun nga lang ay gusto nya sya ang laging nasusunod lalo na ng lumaki kami ng kapatid ko. Gaya ng gusto nya akong pumasok sa pagpupulitika pero di ko sinunod dahil pagpupulis ang gusto ko. Nagalit sa akin noon si mama at sinabing nagrerebelde ako sa kanya dahil hindi ko sya sinunod. Pero malaki na ako at may sariling isip. Alam ko ang gusto ko sa buhay. Pati nga ang love life ko ay gusto din nyang hawakan at sya ang masunod. Doon na kami madalas na nagtatalo. Hanggang sa sya na lang ang sumusuko dahil hindi na nya ako kayang pasunurin sa gusto nya. Kaya ngayon ang kapatid ko na lang na bunso ang minamanduhan nya. Pinag aral nya ito sa ibang bansa at pinakuha ang kursong gusto nya kahit hindi naman yun ang gusto ng kapatid ko.

Pero ito na ang huling pagkakataon na pakikialaman nya ang buhay ko.

"Bakit nyo pinasunog ang tindahan ng tiyuhin ni Pinky, mama?" Tanong ko sa mariin na boses.

Suminghap sya at bahagyang namilog ang mata pero sandali lang yun at nag iwas sya ng tingin at inosenteng tumawa.

"W-What are you talking about, anak?" Tumingin sya kay papa at Carlyn na mga nakakunot naman ang noo.

Marahas akong bumuga ng hininga. Alam ko namang di agad aamin ang ina.

"Huwag na kayong magmaang mangan mama. Kayo ang nagpasunog sa tindahan ng tiyuhin ni Pinky."

"Cedric! Ano ba yang sinasabi mo sa mama mo?" Sita sa akin ni papa na lumapit na.

"Pinasunog ni mama ang tindahan ng tiyuhin ni Pinky, papa. Tatlong tao ang nasugatan. Ang tiyuhin at tiyahin ni Pinky at ang tindera nila."

My Possessive Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon