Chapter 38

18K 617 43
                                    

Cedric POV

MALAKAS ang pintig ng puso ko habang palakad lakad ako sa harap ng pintuan ng banyo at hinihintay na lumabas si Pinky. Sa buong buhay ko ngayon lang ako kinabahan at na-excite ng ganito. Sana ay tama ang hinala namin. Matagal na matagal ko na itong hinihintay at laging dinarasal.

Natigilan ako sa paglalakas ng bumukas na ang pinto ng banyo at lumabas si Pinky hawak ang pregnancy test. Agad akong lumapit sa kanya.

"Kamusta babe? Anong resulta?"

Hindi sya sumagot at inabot sa akin ang pregnancy test kit. Kinuha ko naman yun at kunot noong tiningnan. Namilog ang mata ko ng makita ang dalawang guhit.

"Two lines? Positive?" Tumingin ako sa nobya.

Tumango naman sya at kumagat labi.

"Oh god.." Bulalas ko habang titig na titig sa pregnancy test kit. Parang huminto ang inog ng mundo ko at lalo pang bumilis ang pintig ng puso ko.

"Sigurado kaya ito? I mean accurate ba tong pregnancy test?" Medyo nagdududa pang tanong ko. Ayoko lang kasing mabigo. Gusto ko ay sigurado na.

"Ang sabi accurate naman daw. Pero mas accurate daw kung sa umaga ako mag test. Yung bagong gising ako at unang ihi." Paliwanag nya.

Tumango tango ako. "I see.. dalawa naman ang binili kong pregnancy test so bukas ng umaga pwede kang magtest ulit."

Tumango sya.

Pumikit ako at humugot ng malalim na hininga. Hindi pa rin makalma ang dibdib kong nagwawala dahil sa excitement.

"Wooh! I'm so excited babe. I'm sure buntis ka na talaga."

Ngumuso si Pinky. "Bakit siguradong sigurado ka?"

Ngumisi ako. "Of course! Pinlano ko na yan eh."

"Sabi na eh.."

Sa tuwa ko ay hinapit ko sya sa bewang at binuhat sabay ikot sa kanya sa ere. Tumili naman sya at humagikgik.

"Tama na Cedric! Nahihilo na ko!" Tumatawang protesta na nya.

Binaba ko naman sya at hinawakan ang kanyang mukha sabay siil ng halik sa kanyang labi.

"I'm so happy babe.. so fucking happy.." Anas ko at pinupog sya ng maraming halik.

Panay naman ang hagikgik nya. "Oo nga, happy'ng happy ka. Bugbog na ang mukha ko ng halik mo eh."

Ngumisi ako. "Mamaya, buong katawan mo naman ang bubugbugin ko ng halik."

Namula ang mukha nya. "Parang alam ko na ang balak mo."

Tumawa ako. "Maniniguro lang babe. Baka kasi kulang pa ang daliri sa paa ni baby."

Tumawa rin sya at mahinang pinalo ako sa dibdib. "Sira.. kung sakaling may baby na nga sa tummy ko, dugo pa lang sya at nadedevelop pa lang."

"I know, gusto ko lang makasiguro. Umpisahan na kaya natin." Nanghihibong sabi ko.

Pinisil nya ang pisngi ko. "Hindi pa nga tayo kumakain yan na agad ang nasa isip mo. Gutom na po ako."

Kumamot ako sa batok. Oo nga pala, hindi pa pala kami kumain. Nakalimutan ko na dahil okupado ang isip ko tungkol sa pagbubuntis nya.

"Alright, kumain na tayo." Hinawakan ko ang kamay nya at giniya papunta sa kusina.

My Possessive Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon