Chapter 30

11.2K 571 43
                                    

Pinky POV

NATATAWA ako habang pasulyap sulyap kay Cedric. Hindi nya kasi makuha ang tamang pagbabalot ng suman budbod. Halatang nafu-frustrate na rin sya dahil panay ang buntong hininga. Nakapitong balot na ako samantalang sya ay hindi pa matapos tapos sa isa.

Bahala sya dyan! Gusto nyang tumulong eh. Sabi ko kanina huwag na dahil hindi sya marunong. Pero madali lang daw yun. Eh di sige.

Ngunit mayamaya lang matapos ang maraming beses nyang attempt nakuha na rin nya ang tamang pagbabalot. Yun nga lang medyo hindi pantay pantay. May maiksi at may mahaba, may mataba at payat.

"Madali lang pala eh." Nakangisi nyang sabi at tumingin pa sa akin. Nakalima na sya agad na balot at bumibilis na ang pagbabalot nya.

Tumaas ang kilay ko. "Madali nga, pero hindi naman pantay pantay ang balot mo. May daks at jutay."

Kumunot ang noo nya. "Anong daks at jutay?"

Ngumisi ako. Hindi pala nya alam yun.

"Malaki at maliit."

"Ayos lang yan. Pang meryenda na lang natin yan." Singit ni Tiyang Helen.

Ngumisi naman si Cedric. "Ayos lang daw to sabi ni tiyang."

Ngumuso ako. Lakas nya talaga kay tiyang.

Napaigtad ako ng sundutin nya ang tagiliran ko. Nilingon ko sya at tinaasan ng isang kilay.

"Bakit?"

"Nguso ka ng nguso, hahalikan na kita dyan eh." Nakangising sabi nya.

"Yiheeh!" Nanunuksong bulalas naman ng mga tiyuhin, tiyahin at mga pinsan ko na sa amin pala mga nakatingin.

Para namang dinilaan ng apoy ang mukha ko sa pag iinit nito dahil sa hiya. Loko kasing Cedric ang lakas ng boses.

"Isang kiss nga dyan o!" Sulsol pa ni Jasper.

Sinamaan ko ng tingin ang pinsan. Pero nginisihan lang nya ako. Napapitlag na lang ako sa gulat ng bigla akong halikan sa pisngi ni Cedric. Muli na naman umingay ang panunukso nila sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay kasing pula na ng kamatis ang aking mukha.

Pailalim ko na lang na tiningnan si Cedric at inirapan. Proud na proud pa ang hitsura nya. Malakas ang loob dahil alam nyang boto sa kanya ang mga kamag anak ko.

--

"Mukhang maayos na kayo ni Cedric, anak."

Nag angat ako ng tingin kay Tiyang Helen habang nagdidikdik sya ng bawang. Ako naman ay hinihiwa ang papayang hilaw na isasahog sa tinola.

Ngumiti ako sa tiyahin. "Opo tiyang."

"Mabuti naman kung ganun. Masaya ako na makitang maayos na kayo. Nakikita ko namang mahal nyo ang isa'isa at nakikita kong masaya ka sa kanya. Iba ang ngiti mo kapag kausap mo sya. Nangingislap pa ang mga mata mo habang titig na titig ka sa kanya."

Kumagat labi ako at nangiti. Napapansin din pala yun ni tiyang.

Pangatlong araw na ngayon ni Cedric dito sa amin. Nagleave daw sya ng isang buwan para sa akin. Enjoy naman sya sa simpleng buhay dito at kasundo pa nya ang mga kamag anak ko.

Matapos ang masinsinan naming pag uusap ni Cedric ay naging maayos na kami. Panay nga ang hingi ng sorry nya sa ginawa ng mama nya. Hindi naman ako galit sa kanya at never naman akong nagalit sa kanya. Wala naman syang kasalanan. Sadyang ayaw lang sa akin ng mama nya at dumating pa sa puntong gumawa ito ng bagay na ikinapahamak ng pamilya ko para matakot lang ako. Pero ngayon hindi na ako natatakot dahil nasa tabi ko na si Cedric. Hindi na ako basta matatakot ngayon ni Ma'am Adela. Handa naman akong patawarin si Ma'am Adela kung bukal sa loob nya ang paghingi ng tawad.

My Possessive Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon