Pinky POV
NANGINGINIG ang kamay na dinampot ko ang cellphone at tinapat sa tenga. Lumunok ako at pumikit ng mariin. Hindi ako makapaniwala na ang ina ni Cedric ang may kagagawan ng sunog sa tindahan ni Tiyong Rusi at Tiyang Les.
"B-Bakit nyo po ginawa yun? Sa ginawa nyo napahamak ang tiyong at tiyang ko pati na rin ang tindera nila."
"It's your fault! So blame yourself.. Kung nakinig ka lang sa akin hindi mangyayari ang bagay na yun. Binalaan na kita pero matigas ka."
Tumiim bagang ako at marahas na pinahid ng kamay ang luhang bumagsak sa aking pisngi.
"Ano kayang mararamdaman ni Cedric kapag nalaman nya na ang ina nya ang may kagagawan ng sunog sa tindahan? Pwede ko po kayong kasuhan ng arson, Ma'am Adela." Matapang na hayag ko.
Tumawa sya sa kabilang linya. "Don't you dare na magsumbong kay Cedric, Priscilla. Sige, subukan mo. Bukas na bukas makikita mong natutupok na rin sa apoy ang kabilang branch ng shop nyo."
Pumikit ako ng mariin at kinuyom ang kamao. "Hindi ko akalain na napakasama nyo pala.."
"Masama ako sa mga taong sumusuway at hindi sumusunod sa akin. Pero mabait naman ako kung sumusunod ka lang sa akin. Now, it's your choice Priscilla. Nasa kamay mo ang mangyayari sa mga nakapaligid sayo."
Binaba ko na ang cellphone at pinatay na. Hindi ko na kayang makipag usap sa ina ni Cedric. Hindi ko na masikmura. Naninikip ang dibdib ko. Paano nakakayang gawin ni Ma'am Adela ang bagay na yun. Isang kilalang pulis ang anak nya at philanthropist ang asawa tapos sya..
Ipinilig pilig ko ang ulo at pinahid ng kamay ang mga luhang sunod sunod na bumagsak. Kasalanan pala ni Ma'am Adela ang nangyaring sunog. Pero gusto ko ring sisihin ang sarili ko. Kung hindi rin dahil sa akin hindi mangyayari yun. Kung nakinig lang sana ako.
--
"Grabe naman pala ang nangyari sa tindahan ni Tiyong Rusi at Tiyang Les. Mabuti at lapnos at paso lang ang napala nila. Pero masakit pa rin yun ha." Sambit ni Ciella ng ikwento ko sa kanya ang nangyaring sunog kagabi sa tindahin ng tiyuhin ay tiyahin ko.
"Kaya nga eh. Mabuti nga at yun lang. Pero nakakatrauma pa rin." Sabi ko habang nililinis ang mga kalat sa counter.
Mabigat pa rin ang loob ko. Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa tawag ni Ma'am Adela. Paano ba naman ako makakatulog sa rebelasyon ng ina ni Cedric na sya pala ang may kagagawan ng sunog sa tindahan. Malamang may inutusan sya para gawin yun. Sa yaman at impluwensya nya madali lang sa kanyang umupa ng taong gagawa ng krimen. Pero hindi pa rin ako makapaniwala na kaya yung gawin ng ina ni Cedric. Nakakapanlumo at nakakalungkot.
"Uy bebs, di mo ba sasagutin yang phone mo? Kanina pa tawag ng tawag yan ah. Sino ba yan?" Sinilip ni Ciella ang cellphone ko. "O si Cedric pala."
Mabigat akong bumuntong hininga. "Mamaya ko na sasagutin ang tawag nya mangungulit lang yan." Sabi ko sabay dampot sa nag iingay na cellphone at nilagay yun sa loob ng drawer.
Tumingin ako kay Ciella at ngumiti. Magiliw kong binati ang bagong pasok na customer. Nagkibit balikat naman si Ciella. Ayokong isipin nya na may problema ako. Ayoko na syang idamay. Buntis sya at hindi dapat ma-stress.
Nakapag desisyon na ako na tuluyan ng iwasan si Cedric. Siguro nga hindi talaga kami ang para sa isa't isa lalo pa at sagad hanggang buto ang pagkadisgusto sa akin ng mama nya. Natatakot ako sa mga pwede pang gawin ng mama nya kapag hindi ako sumunod. Hindi pa ako natakot ng ganito sa buong buhay ko. Ngayon lang.
--
"THANKS for coming ma'am. Come again." Nakangiting bati ko sa customer ng maiabot ang bulaklak na binili nya.
Ngumiti naman sya at tumalikod na.
Hinarap ko naman ang bagong dating na customer at tinanong ang bulaklak na hanap nito.
Nandito ako ngayon sa pangalawang branch, may kalayuan sa main branch. Dito muna ako naglagi para makaiwas kay Cedric. Dalawang araw ko na syang iniiwasan. Hindi ko sinasagot ang mga tawag nya at hindi ko rin sya pinagbubuksan ng pinto sa bahay kahit gustong gusto ko. Ayokong maulit ulit ang nangyari sa tindahan ni Tiyong Rusi at Tiyang Les. Ayokong may iba pang madamay. Hindi ko kayang imagine-in ang kaya pang gawin ng ina nya. Kaya kahit nahihirapan ako titikisin ko ang sarili ko.
Tumunog ang cellphone ko na katabi ng laptop na bukas. Sinilip ko kung sino ang tumawag. Bumilis ang tibok ng puso ko ng makitang si Cedric yun. Bumuntong hininga ako at kumagat labi. Dinampot ko ang cellphone at nilagay sa loob ng drawer. Nakita kong tumingin sa akin ang isang florista ko pero di ko sya pinansin at niligpit na lang ang mga ginamit na craft paper.
Nasa duty ngayon si Cedric pero kaninang umaga ay nakailang missed call na sya at text din. Pero di ko yun binubuksan. Kahapon ay dumaan sya sa flower shop at hinanap ako kay Ciella. Nagtatanong dahil hindi ko sinasagot ang tawag at nirereplyan ang text nya. Sinabi naman ni Ciella na nandito ako sa kabilang branch. Alam kong pupuntahan ako dito ni Cedric.
At nangyari nga yun kinatanghalian..
Umawang ang labi ko habang titig na titig ako kay Cedric. Inaasahan ko ng pupuntahan nya ako dito pero nasurpresa pa rin ako. Heto nga at hindi na maawat ang puso ko sa mabilis na pintig nito. May duty sya pero pinuntahan pa nya ako dito sa shop.
"A-Anong ginagawa mo dito Cedric?" Nauutal pang tanong ko.
Bumuntong hininga sya at kumunot ang noo. "Nagtatanong ka pa. Dalawang araw kang hindi sumasagot sa tawag at nagrereply sa mga text ko. Nag aalala ako. May problema ba?"
Humugot ako ng malalim na hininga at nag iwas ng tingin. Kunwaring naging abala sa paggugupit ng craft paper.
"Busy ako nakita mo naman di ba?" Malamig na sabi ko.
"Kahit busy ka lagi mo namang sinasagot ang tawag ko. May problem ba?" Tanong pa ulit nya at sinisilip pa ang mukha ko.
"Walang problema. Busy lang ako. Ikaw hindi ka ba busy? Nasa duty ka di ba?" Hindi tumitingin sa kanya na sabi ko.
Gusto ko na syang umalis ng shop. Siguradong nagmamasid na sa amin ang sinumang tao na inutusan ng mama nya.
"Babe.." Natigilan sya sa gustong sabihin ng tumunog ang cellphone nya. Bumuntong hininga sya at dinukot ang cellphone sa bulsa ng slacks at sinagot.
"Alright.. papunta na ako. I'll be there in five minutes." Binaba na nya ang cellphone at pinatay.
Muli syang tumingin sa akin. Naging matiim ang kanyang mata. "Pupunta ako mamaya sa bahay mo, mag usap tayo."
Hindi ako sumagot at tinuloy na lang ang ginagawa hanggang sa tumalikod na sya at lumabas na ng shop.
Bumuntong hininga ako. Parang may kumukurot sa puso ko kasabay nun ang pagtulo ng luha ko. Mabilis ko yung pinahid ng kamay. Haharapin ko sya mamaya at tatapusin ko na ang anomang meron kami..
Ilang segundong walang puknat ang titigan namin sa isa't isa ni Cedric. Hindi ako bumibitaw ng tingin para malaman nyang seryoso ako sa mga sinabi ko. Pinilit kong hindi magpakita ng emosyon sa mukha. Pinilit ko ring tatagan ang sarili at hindi maging marupok.
Pagak na tumawa si Cedric. "Tatapusin mo na ang anomang meron tayo? Hindi pa nga tayo naguumpisa ulit eh."
"Wala na tayong dapat na umpisahan Cedric."
Matiim syang tumingin sa akin na parang pinag aaralan ang mukha ko. "Ano ba talagang problema, Pinky? Ok tayo nung mga nakaraang araw. Bakit bigla bigla nanlalamig ka na naman. Binabaliw mo na naman ako sa pagiisip."
Lumunok ako. Nag iisip ng pwede pang idahilan para layuan na nya ako.
"Dahil.. m-may nagugustuhan na akong iba, Cedric. I'm sorry." Pagsisinungaling ko at pinilit na hindi mag iwas ng tingin.
*****
Short update muna mga bii. Bawi na lang ako bukas.
BINABASA MO ANG
My Possessive Ex-Boyfriend
Ficção Geral"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang ex boyfriend na isang magiting na pulis. Malungkot pero pinipilit nyang maging masaya. Ang nasa isip...