Pinky POV
HUMIKAB ako at binaba na ang brush sa tokador. Tinanggal ko na rin sa saksakan and hair blower at niligpit na yun. Tumayo na ako at lumapit na sa kama para mahiga ngunit natigilan ako ng makarinig ng mahihinang katok. Kumunot ang noo ko at tumingin sa pinto. Lumapit ako doon at binuksan. Nahigit ko ang hininga ng makita si Cedric.
"Cedric.. may kailangan ka?"
Humimas sya sa batok. "May sasabihin ako.." Aniya sa mahinang boses.
Kumunot ang noo ko. "Ano yun?"
Luminga muna sya at hinawakan ang door knob. "Sa loob ko na sasabihin."
Dahan dahan nyang tinulak ang pinto at pumasok. Umawang na lang ang labi ko at hindi na nakapag protesta. Sinarado pa nya ang pinto at nilock pa. Naamoy ko naman ang sabong ginamit nya pang ligo. Mukhang bagong ligo nga sya dahil amoy fresh at mamasa masa pa ang buhok.
Tumikhim ako. "Ano bang sasabihin mo?" Tanong ko. Pero parang nagdududa na ako.
Lumapit pa sya ng husto sa akin. "Dito ako matutulog."
Suminghap ako sa sinabi nya at namilog ang mata. "Ano? Hindi pwede!"
Umusli ang labi ni Cedric at hinapit nya ang bewang ko. "Please babe.. miss na miss na kita. Ilang gabi na akong di makatulog ng maayos sa kwarto ko. Gustong gusto na kitang tabihan."
Lumunok ako. Nasa tono ng kanyang boses na para bang ilang gabi na syang hirap na hirap sa pinagdadaanan.
"P-Pero Cedric.. hindi pwede. Nasa ibabang kwarto lang si tiyang at nasa kabilang kwarto naman ang mga pinsan ko."
"Promise.. hindi tayo maingay." Giit pa nya.
"Cedric."
"Babe, matutulog lang tayo. Wala naman tayong ibang gagawin. Unless.. may iba ka pang gustong gawin natin." Dugtong pa nya sa nanghihibong boses.
Napasinghap ako at pinalo sya sa dibdib. Mahina naman syang tumawa. Nagiinit ang mukha ko at malakas ang kabog ng dibdib ko.
"Syempre wala akong gustong gawin no. At kung meron man.. hindi pwede dito. Ma e-eskandalo ang mga pinsan ko lalo na si tiyang.." Inirapan ko sya.
Tatawa tawang pinisil nya ang ilong ko. "Ikaw talaga kung ano ang iniisip mo. Matutulog lang tayo babe."
Tumaas ang kilay ko at ngumuso ako. "Bakit parang kasalanan ko? Ikaw yung may ibang iniisip no. Binaliktad mo pa ako."
Ngumisi sya. "Tss! Dami pang sabi. Matulog na nga lang tayo."
Natuptop ko ang bibig ng impit akong mapatili nang bigla nya akong buhatin. Dinala nya ako sa kama ko at hiniga sabay tabi din nya ng higa sa akin. Nilagay pa nya ang isa nyang braso sa ulo sabay yakap sa bewang ko. Lumingon ako sa kanya. Sya namang halik ng mariin sa aking labi.
"Good night babe.." Nakangising saad pa nya.
Lalo namang nag init ang mukha ko. Tumitig ako sa gwapo nyang mukha. Namiss ko rin itong titigan bago matulog.
"Loko ka talaga.. Kapag tayo nakita ni tiyang na magkatabing natutulog, pipikutin ka nun. May pagka conservative pa naman si tiyang."
Lumapad lalo ang ngisi ni Cedric at kinabig pa ako padikit sa kanya. "Eh di ayos, hindi na ako mahihirapan. Dapat nga siguro ganun ang gawin ko. Magpapahuli ako kay Tiyang Helen na dito ako natulog."
BINABASA MO ANG
My Possessive Ex-Boyfriend
Ficção Geral"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang ex boyfriend na isang magiting na pulis. Malungkot pero pinipilit nyang maging masaya. Ang nasa isip...