Chapter 10

11.1K 458 36
                                    

Present time..

Pinky POV

SIMULA ng bumalik si Cedric sa Manila at nagkita kami ulit ay gusto nyang magkabalikan kami kaya nanliligaw sya ulit. Pinupuntahan nya ako sa shop bago sya dumuty at sa umaga naman pagkatapos ng duty ay pupunta sa bahay at may dalang mga pagkain. Hindi pa kami opisyal na nagkakabalikan pero para kaming bumalik sa dati. Parang nadugtungan ang naputol naming masayang relasyon.

"Blooming na blooming ka girl ah. Ano? Kayo na ulit ni Cedric?" Usisa ni Ciella habang pumapapak sya ng fish cracker na sinasawsaw nya sa suka. Naglilihi ang buntis at yun ang pinaglilihian.

Ako naman ay nangangasim sa kinakain nya lalo na kapag naamoy ko ang suka.

"Hindi no. Hindi ko sya sinasagot." Sabi ko habang nagsusulat sa resibo.

Sa totoo lang gustong gusto ko ng sagutin si Cedric. Gusto ko ng opisyal na maging kami ulit. Pero natatakot naman ako. Kapag kasama ko naman si Cedric ay nawawala ang takot ko na yun at napapalitan ng saya.

Hay.. naguguluhan na ako.

"Ewan ko sayo Pinky. Bahala ka.. ikaw din. Mamaya manawa sya sayo makahanap sya ng iba."

Tila may kumurot sa puso ko sa sinabi ni Ciella. Kumagat labi ako. Ayokong mapunta sa ibang babae si Cedric. Mahal na mahal ko pa rin sya hanggang ngayon at walang nagbago doon.

--

"KUH! Muntik pa akong maisahan ng budol na yun. Mabuti na lang at matalino ako. Di nya ako naisahan." Pagkukwento ni Tiyong Rusi sa nangyari sa kanya sa tindihan nya sa palengke. Muntik na raw kasi syang magdoble ng sukli sa customer na babae.

Mahinang tumawa si Cedric. "Presence of mind ho talaga lagi Tiyong Rusi. Nagkalat na ho ang mga ganyan. Mga scammer at magaling mambudol. Dadaanin kayo sa magagandang salita kaya doble ingat ho." Payo ni Cedric.

Nandito kami ngayon sa bahay ni Tiyong Rusi at dito na kami sabay sabay na naghapunan. Nakakatuwang pagmasdan na kahit hiwalay na kami ni Cedric ay close pa rin sya sa tiyuhin, tiyahin at mga pinsan ko.

"Yan ang lagi kong sinasabi kay Rusi, Cedric. Eh ito pa namang tiyong nyo kapag dinaldal na wala na sa focus. Kaya hayan muntik ng mabudol." Litanya ni Tiyang Les.

Totoo naman yun. Kapag si Tiyong Rusi dinaldal na, nakafocus na lang ang atensyon nya sa kausap. Mas marites pa sya kesa kay Tiyang Les.

"Eh paano ba naman hindi mabubudol si papa, ma. Maganda yung babae kanina. Sexy pa at halos lumuwa na ang papaya." Sabi ni Betchay.

Nagtawanan naman kami. Si Tiyong Rusi ay napakamot naman sa ulo at pinandilatan ng mata si Betchay na ngingisi ngisi lang.

"Ah kaya pala muntik ka ng mabudol ha Rusi."

"Nadistract lang kasi ako Les. Sino ba namang hindi madi-distract sa hitsura ng babae kanina -- aray!" Daing ni Tiyong Rusi ng pingutin sya sa tenga ni Tiyang Les.

Muli na naman kaming nagtawanan.

"Sawa ka na ba sa papaya ko at nakuha mo pang tumingin sa ibang papaya, huh?" Lalo pang nilakasan ni Tiyang Les ang pagpingot sa tenga ni Tiyong Rusi.

"Aray! Aray ko naman Les. Tama na nga at nakakahiya kay Cedric baka akalain nya under pa ako eh." Reklamo pa ni Tiyong Rusi.

"Eh under naman po talaga kayo pa, eh." Sabat pa ni Anton.

Tinigilan na ni Tiyang Les si tiyong. "Kuh, pasalamat ka nandito si Cedric kung wala tigpas sa akin yang tenga mo."

Hindi na umimik si Tiyong Rusi at ngumuso na lang. Takot kasi sya kay Tiyang Les.

My Possessive Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon