Pinky POV
NAKAUPO ako sa isang mesa kasalo ang mga pinsan ko at si Tiyang Les. Nagiinuman din sila pero light beer lang. Bonding na nilang pamilya to tuwing weekend.
Si Anton ngayon ang kumakanta. Parang iniipit ang boses nya pero todo pa rin sya sa pagbirit. Ako naman ay kunwaring busy sa cellphone habang nasa harapan ko ang isang bote ng light beer na binigay ni Tiyang Les.
Kung tutuusin pwede naman akong umuwi. Magpapaalam lang ako kay Tiyong Rusi at sasabihin kong pagod ako. Sigurado namang papayagan nya ako. Pero kasi parang nakadikit na ang puwetan ko sa monoblock na upuan. Panay ang scroll ko sa screen ng cellphone. Lahat na ng social media ko ay binuksan ko. Lahat na ng app sa cellphone ko ay binuksan ko na din. Pero wala doon ang atensyon ko kundi na kay Cedric na ilang dangkal lang ang layo sayo. Bahagya syang nakatagilid kaya nasisiyalan ko ang side profile ng kanyang gwapong mukha. Wala pa rin syang pinagbago. Gwapo pa rin at parang mas lalong lumaki ang katawan. T-shirt na itim ang suot nya na medyo hakab sa kanyang maskuladong katawan at cargo pants na kulay brown. Ang gwapo pa rin ni ex, wala pa ring pinagbago. Parang hindi tumatanda. Thirty six na sya. Ten years ang tanda nya sa akin.
Pero may kumurot sa puso ko ng biglang maalala ang babaeng kasama nya kanina sa mall. Nasaan na kaya ang babaeng kasama nya? Wala silang date ngayong gabi?
Bigla syang lumingon sa akin. Mabilis naman akong nag iwas ng tingin. Bumilis ang tibok ng puso ko at nataranta ang daliri ko sa pagpipindot sa screen.
Shet! Nakita kaya nyang nakatingin ako sa kanya? Sana naman hindi. Baka isipin nya gwapong gwapo pa rin ako sa kanya.
"Ate Pinky, ikaw naman ang kumanta."
"Ha?" Nilingon ko si Anton. Binibigay nya sa akin ang mic.
"Favorite song mo yung next."
Bigla ngang tumugtog ang paborito kong kanta na We Belong. Ang kantang lagi kong kinakanta noon kay Cedric kapag naglalambing sya.
"Hindi na. Ikaw na lang ang kumanta. Medyo paos ako eh." Tanggi ko. Ang awkward na kantahin ko yun eh nandito si Cedric.
Ngumuso si Anton. "Parang hindi naman. Sige na ate, kantahin mo na." Pangungulit pa ni Anton.
"Oo nga, kumanta ka na Pinky. Matagal ka na rin naming di naririnig kumanta." Segunda pa ni Tiyang Les.
Wala na akong nagawa kundi kunin na ang mic. Lalo namang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Pati nga ang kamay kong may hawak na mic ay nanginginig na. Lumunok ako at bumuka ang labi ko.
"I've tried to tell you.. So many times.. these feelings of mine.. But it's not that easy.. Letting you know how I love you so.."
Nagsipulan at naghiyawan ang mga pinsan ko ng magsimula na akong kumanta. Si Tiyong Rusi nga ay akala mo nasa isang singing contest ako kung maka-cheer. Pati nga ang mga kainuman nya ay pumapalakpak pa.
Hindi naman sa pagmamayabang pero maganda ang boses ko. Lagi akong pambato ng section namin sa kantahan noong high school at college.
Pagdating sa chorus ay ginanahan na akong kumanta.
"Don't you know that we both belong, baby.. Don't you know that we will last forever.. Don't you know that we both belong.. I knew it from the start, we belong.."
Wala sa sariling napasulyap ako kay Cedric. Pero agad akong nag iwas ng mata dahil nakatingin pala sya sa akin. Halos dumoble na ang tibok ng puso ko. Tuloy ay nadampot ko ang bote ng light beer at tinungga.
Natapos ko naman ang kanta na hindi ako pumiyok. Grabe kasi ang kaba ko. Daig ko pa ang sumalang sa isang singing contest. Paano ba naman kahit hindi ako lumingon at damang dama ko ang mainit na titig sa akin ni Cedric. Idagdag pa ang mga kantyawan ng mga pinsan ko.
BINABASA MO ANG
My Possessive Ex-Boyfriend
General Fiction"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang ex boyfriend na isang magiting na pulis. Malungkot pero pinipilit nyang maging masaya. Ang nasa isip...