Pinky POV
SIMULA ng makita ko si Chief Cedric Montez ay hindi na sya nawala sa isip ko. Hindi ako madaling magka-crush sa mga gwapong lalaki. Pero kay Chief Cedric mukhang tinamaan na yata ako. Lagi akong natutulala kapag naiisip ang gwapo nyang mukha at ang mga mata nyang malalim at matiim kung tumingin. Bumibilis din ang pintig ng puso ko.
Kelan ko kaya sya ulit makikita?
Ngumiti ako at kinilig ng muli kong sariwain sa isip ang gwapong mukha ng hepe.
Sana makita ko ulit sya.
"Huy!"
Napapitlag ako sa gulat ng tapikin ako ni Ciella. "Ha? Bakit?"
Ngumisi ang kaibigan ko. "Para kang ewan dyan habang nakatulala. Pangiti ngiti at kumikisay pa. Sino iniisip mo ha?"
Ngumuso ako kasabay ng pag iinit ng mukha. Kunwaring pinunasan ko na lang ang counter at inayos ang mga nakadisplay na bulaklak.
"Wala. Naisip ko lang yung pinanood kong kdrama. Nakakakilig. Excited na nga ako sa next episode eh." Palusot ko.
Pero tinaasan lang ako ng kilay ni Ciella senyales na hindi sya naniniwala. "Mukhang may sini-secret ka na sa akin ah. Ano yun?"
Lalong nanghaba ang nguso ko at hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. "A-Ano na naman ang isi-secret ko sayo?"
"Aba malay ko. Siguro.. may tinatago ka ng boyfriend no?"
Suminghap ako sa sinabi nya. "Uy wala! Grabe sya."
Ngumisi sya. "Iba kasi ang ngiti mo kanina eh. Ngiting kilig na kilig. Alam ko yung ganyang ngiti dahil ganyan ako kapag kinikilig kay Rence noon."
Bumuntong hininga ako. Wala talaga akong maitatago sa kaibigan dahil kilalang kilala nya ako. Wala namang masama kung isi-share ko sa kanya. Supportive naman sya.
"May crush kasi ako." Sabi ko sa mahinang boses na kaming dalawa lang ang makakarinig.
Namilog ang mata nya. "Talaga? May crush ka na? Sino? Isa sa mga customer natin?" Sunod sunod nyang tanong. Di naman halatang excited sya na malaman kung sino ang crush ko.
"Hindi customer natin. Wala akong type sa mga customer natin."
"Eh sino nga?"
Umusli ang labi ko. "Si chief.."
Kumunot ang noo nya. "Chief? Sinong chief?"
"Yung hepe sa police station."
Ngumiwi sya. "Eww ka bebs. Di ko akalain na ang mga type mong lalaki ay matandang hepe na malaki ang tiyan na walang ginawa buong maghapon kundi nakaupo lang."
"Uy hindi ganun si Chief Cedric no. Saka hindi sya matanda at malaki ang tiyan. Bata pa sya, siguro mga nasa thirty plus. Ang gwapo nya bebs! Tapos matangkad at macho. Ihh! Bet na bet ko nga eh. Kaya lang may pagka masungit pero keribels! Ang hot nga nya eh." Kinikilig na sabi ko.
Tumaas ang kilay nya. "Talaga? Ganun sya kagwapo?"
"Yes! Kapag nakita mo sya siguradong kikiligin ka rin. Gusto ko nga sya uling makita eh. Gumawa kaya ako ng kasalanan para damputin ako ng pulis at dalhin sa presinto para makita ko ulit sya." Sinapo ko ang pisngi at nangisay sa kilig. Pero impit akong napatili ng kurutin ako sa tagiliran ni Ciella.
"Ang kire kire."
"Mana lang ako sayo no." Bira ko at sabay kaming tumawa.
"Mabuti naman at may natipuhan ka ng guy. Sobra mong choosy. Malapit ko ng isipin na babae talaga ang type mo."
BINABASA MO ANG
My Possessive Ex-Boyfriend
Ficción General"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang ex boyfriend na isang magiting na pulis. Malungkot pero pinipilit nyang maging masaya. Ang nasa isip...