Chapter 17

17.2K 578 46
                                    

Pinky POV

"HI.."

NAG angat ako ng tingin at bumungad sa akin ang nagpapacute na mukha ni George. May hawak syang foam cup ng kape habang panay ang kindat sa akin.

Natawa naman ako habang nag babawas ng dahon at tangkay sa bulaklak na yellow chrysanthemum.

"Huwag ka ngang gumanyan para kang may sakit." Biro ko.

Ngumuso sya. "May sakit naman talaga ako."

Kumunot ang noo ko. "May sakit ka?"

Tumango sya. "Oo, sa puso.. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko na parang sasabog na.. lalo na kapag nakikita ka." Aniya sabay pilyong kumindat.

Inikot ko ang mata. Umariba na naman sya. Buti na lang cute.

"Kakakape mo yan George." Sabi ko.

"Ngayon pa lang ako magkakape no." Aniya at humigop sa hawak na foam cup.

"Ngayon ka pa lang magkakape pero ang lakas na ng tama mo." Nakangising pang aasar ko pa.

Nanghaba naman ang nguso nya. "Di ka man lang kinilig. Wala ka talagang puso."

"Meron akong puso no. Kung wala, eh di patay na ako." Pilosopo ko pang sagot.

Tila naman nagtampo ang hitsura ni George. "Wala talaga akong pag asa sayo."

"Wala ka talagang pag asa dyan dahil may iba ng nagpapakilig dyan." Singit ni Ciella.

Siniko ko sya at pinandilatan ng mata. Pero nginisihan lang ako ng madaldal na buntis.

"May boyfriend ka na?" Tanong ni George. Nasa kanyang mukha na interesado syang malaman.

Bumuka ang labi ko at akmang magsasalita pero inunahan na naman ako ng madaldal kong kaibigan.

"Wala syang boyfriend pero may ex syang naghahabol pa rin sa kanya." Muli kong siniko si Ciella pero hindi nya ako pinansin.

"Ex na pala eh." Saad ni George.

"Ex na patay na patay pa rin sa kanya at isang pulis. Chief Inspector lang naman. And speaking of pulis na ex, nandyan pala sya papasok."

Nahigit ko ang hininga at lumipad ang tingin ko sa entrance ng shop. Papasok nga si Cedric kasunod si Romeo at ang dalawa pa nilang kasamang pulis. Salubong ang kilay ni Cedric at masama ang timplada ng gwapong mukha. Nakatiim bagang sya at matiim ang tingin sa akin at kay George.

Napalunok naman ako at nag iwas ng tingin. May sumipang kaba sa aking dibdib.

"Cedric." Tawag ni Ciella kay Cedric.

Nag angat naman ako ng tingin at nakita kong tumango lang si Cedric kay Ciella bago sya pumasok sa coffee shop kasunod ang mga kasamahan. Binati naman ako ni Romeo, Marvin at Norman. Tinanguan ko lang din sila at tipid na nginitian.

"Yun ang ex mo?" Untag sa akin ni George.

Tumango lang ako.

"Gwapo no?" Ani Ciella.

Tumango naman si George. "Gwapo nga. Astig. Laking mama. Malaki pa ang katawan. Nakakatakot." Aniya.

"Nakakatakot talaga yan. Lahat ng lalaking pumuporma kay Pinky binabalian nya ng buto." Dagdag pa ni Ciella.

Suminghap naman si George.

"Ciella." Saway ko na sa kaibigan. Halatang tinatakot na nya si George. Pero nginisihan lang nya ako.

"Ano.. mauna na pala ako. Patapos na ang break ko. Balik na lang ako mamaya." Biglang paalam ni George at tumalikod na.

Tumawa naman si Ciella paglabas ni George. "Natakot si cutiepatootie."

My Possessive Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon