Chapter 37

17.7K 692 59
                                    

Pinky POV

MAGING si Ma'am Adela ay halatang nasurpresa din ng makita kami ni Cedric.

Nilingon ko si Cedric. Wala syang kangiti ngiti at matiim lang na nakatingin sa kanyang ina. Hindi ko rin tuloy malaman kung lalapitan ko ba ang kanyang ina para batiin. Natatakot ako na baka hindi lang nya ako pansinin.

"Ah, sino ho sila?" Nakangiting tanong ni Tiyong Rusi.

Tumikhim si Cedric. "Sya ho ang mama ko Tiyong Rusi, Tiyang Les." Pagpapakilala ni Cedric sa kanyang mama.

Nawala naman ang ngiti ni Tiyong Rusi at Tiyang Les at mataman silang tumingin kay Ma'am Adela. 

"Magandang gabi sa inyo. Pasensya na kung ngayon lang ako pumunta para makipag usap sa inyo." Ani Ma'am Adela. Wala syang kangiti ngiti pero wala ring katarayan sa kanyang mukha na lagi nyang pinapakita sa akin noon.

Lumingon ako kay Cedric. Pinisil naman nya ang kamay ko na parang sinasabi nyang relax lang ako.

"Magandang gabi din ho. Pasok ho kayo." Ani Tiyong Rusi at pinapasok na si Ma'am Adela sa loob ng bahay.

Sa sala ay muli na naman kaming nag ipon ipon maliban sa mga pinsan ko na pinapunta muna sa kusina nila tiyong at tiyang. Medyo kabado ako dahil ito ang unang beses na nakilala nila tiyong si Ma'am Adela na syang pasimuno sa pagsunog ng tindahan. Sana lang ay hindi magkaroon ng problema sa pag uusap nila.

Muling pinisil ni Cedric ang kamay ko. "Relax babe.." Bulong nya sa akin.

"I'm sorry.. for what I did. Nabulagan lang ako sa pagnanais na lumayo si Pinky sa anak ko kaya ko nagawa ang bagay na yun." Panimula ni Ma'am Adela na hindi makatingin ng diretso kay Tiyong Rusi at Tiyang Les. Halatang hindi sya komportable na humihingi ng tawad. Mukhang ito pa nga  ang unang beses na humingi sya ng tawad. Pero kahit hindi komportable ay pinipilit naman nya at nag-effort pa sya.

"Naiintindihan ko ho Mrs. Montez. Pero mali pa rin ho ang ginawa nyo. Bukod sa naperhuwisyo ang kabuhayan namin ay nalagay pa sa alanganin ang buhay naming mag asawa at ang tindera namin." Ani Tiyong Rusi.

Humugot ng malalim na hininga si Ma'am Adela. "Kaya nga.. humihingi ako ng tawad. Inaamin ko ang nagawa kong kasalanan. Sana ay patawarin nyo ako." Pagpapakumbaba pa ni Ma'am Adela.

"Pinatawad ka na ho namin Mrs. Montez. Hinintay lang naming mag asawa na makipag usap kayo sa amin." Wika ni Tiyang Les at ngumiti.

Tipid namang ngumiti si Ma'am Adela na tila ba sya naiilang o nahihiya. "Salamat.."

"Tungkol naman ho kay Pinky, Mrs Montez.. mabait ho ang pamangkin ko na yan. Sana ho ay kilalanin nyo pa sya. Sigurado hong magugustuhan nyo sya para sa anak nyo." Pag iiba na ng topic ni Tiyong Rusi.

"Sya nga naman ho. Lalo at pa malapit ng ikasal ang dalawa. Sana ho ay matanggap nyo na sya para maging mapayapa ang pagsasama nila bilang mag asawa." Dagdag pa ni Tiyang Les.

Kumagat labi naman ako. Natutuwa ako na dinedepensahan ako nila tiyong at tiyang kay Ma'am Adela. Nilingon ko si Cedric. Ngumiti sya sa akin sabay akbay at kabig sa akin.

Muli namang bumuntong hininga si Ma'am Adela at tumingin sa amin ni Cedric. Gumagalaw ang labi na may gustong sabihin.

Napayuko naman ako. Alam kong tutol pa rin sya sa akin.

"Well.. ano pa bang magagawa ko. Kung sya ang gustong pakasalan ng anak ko eh di.. fine." Malamig na sabi ni Ma'am Adela ng hindi tumitingin sa amin ni Cedric.

My Possessive Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon