Chapter 6

22.1K 648 44
                                    

Pinky POV

ABALA ako sa paglilinis ng counter. Ang assistant naman naming si Yena ay nasa labas at pinapasok na ang mga nakadisplay na bulaklak. Malapit na kaming mag sara kaya inuunti unti na namin ang pagliligpit dito sa flower shop. Si Ciella ay maagang umuwi dahil may sakit si Alexandrea. Si Tita Criselda naman ang tumao sa kabilang branch para tingnan ang ginagawa ng mga staff namin.

Habang ang flower shop ay halos wala ng pumapasok na customer dahil gabi na, ang coffee shop naman ay tuloy tuloy pa rin ang pasok ng mga customer na karamihan ay mga call center agent.

Winalis ko ng tambo ang mga dahon na nakakalat sa lapag at dinakot yun ng dustpan. May pumasok na isang matangkad na lalaki at lumapit sa counter.

"Good evening sir. Anong bulaklak po ang hanap nila?" Tanong ko ng hindi tumitingin. Pero natigilan ako ng maamoy ang pamilyar na pabangong panlalaki.

Nag angat ako ng tingin ng makita ko si Cedric. Umawang ang labi ko at napatayo ako ng tuwid. Sinuyod ko sya ng tingin. Nakasuot sya ng blue polo shirt na uniform nila sa pulisya na pinatungan nya ng itim na jacket. Nakatuck-in yun sa trouser na kulay blue. Namumutok ang mga muscles nya sa braso at humahakab ang malapad nyang dibdib sa suot nyang uniform. Ngayon ko na lang ulit sya nakitang nakasuot ng uniform. Ang lakas talaga ng dating nya. Mas mukha pa nga syang general.

Tumikhim ako. "Anong.. ginagawa mo rito?"

"Manliligaw." Aniya at nilapag sa counter ang dalawang box ng pizza, ice cream at coke na 1.5 liter. "Hindi na kita dinalhan ng bulaklak dahil alam ko namang ayaw mo ng bulaklak dahil sawa ka na sa mga bulaklak dito sa shop nyo."

Umawang ang labi ko. Tumingin ako sa paligid. Nakatingin sa amin ang mga staff at mga customer. Nag init ng husto ang pisngi ko.

Bumaling akong muli kay Cedric. "D-Dito ka talaga sa shop manliligaw?" Mahinang tanong ko.

Bumuntong hininga sya at humimas sa batok. "Yes, and I'm sorry babe. Hindi ako makakapunta ngayon sa bahay mo dahil thirty minutes na lang duty ko na. But don't worry, bukas pagkatapos ng duty ko dadaan ako sa bahay mo. Dadalhan kita ng breakfast."

Kumagat labi ako at kumamot sa pisngi. May kilig na sumibol sa puso ko at pilit ko yung pinapatay. Pero sa tuwing titingin ako sa gwapong mukha nya ay lalo lang nadadagdagan ang kilig ko.

"Cedric, hindi mo na kailangan manligaw.."

Nagliwanag ang mukha nya. "Why? Sinasagot mo na ako? Tayo na ulit?"

Ngumiwi ako. "Hindi. Hindi kita sasagutin. Hindi na tayo magkakabalikan.."

Nawala ang liwanag sa kanyang mukha at naging matiim ang tingin nya sa akin. "Sinasabi mo lang yan dahil pagod ka. I told you, I'll make you mine again. And I will do everything to make you mine again. Akin ka lang Priscilla Añonuevo."

Hindi ako nakaimik sa sinabi nya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, idagdag pa ang malakas na kabog ng dibdib ko. 

Bumuntong hininga sya at tiningnan ang oras sa suot na silver watch. "Hindi na ako magtatagal. Aalis na ako. Mag iingat ka sa pagmamaneho pag uwi. Bukas na lang kita ng umaga pupuntahan sa bahay mo." Tumalikod na sya at naglakad na palabas ng shop.

Naiwan naman akong sinusundan sya ng tingin hanggang sa makasakay na sya sa raptor nya at umalis na. Bumuntong hininga ako at tiningnan ang mga dala nyang pagkain. Dati ayaw nyang lagi akong kumakain ng mga ganito dahil hindi healthy. Pero kapag naglambing na ako bibilhan nya ako.

"Sino yung pulis na gwapo kanina Ma'am Pinky? Bago nyong manliligaw? Infairness sya ang pinaka gwapo nyong manliligaw. Pero mukhang masungit." Usisa ni Yena.

Lumingon ako sa kanya at tipid na ngumiti. "He's my ex."

Namilog ang mata nya. "Ex nyo yun ma'am?" Tila di makapaniwalang tanong mya.

Tumango lang ako at sinilip ang flavor ng ice cream. Rocky road yun na paborito ko.

"Tapos gusto nyang makipagbalikan sa inyo? Sanaol binabalikan." Hirit pa ni Yena.

Nginisihan ko lang sya at tinabi ang ice cream. Ice cream lang ang kakainin ko. Ang pizza naman na dalawang box ay hindi ko mauubos.

"Pagsaluhan nyo ng mga crew ang pizza at coke. Itong ice cream na lang ang akin." Sabi ko.

"Ay, thank you ma'am. Uuwi na naman akong busog." Dinala na ni Yena ang dalawang malaking box ng pizza sa coffee shop pati na ang coke. Bakas naman ang tuwa sa mga mukha ng mga crew.

Dito sa shop ay hindi kami madamot sa pagkain. Ang pagkain ng isa ay pagkain ng lahat. Lalo na kapag nandito si Tita Criselda, laging busog ang lahat ng staff.

-

Kinabukasan alas syete ng umaga ay dumating nga sa bahay si Cedric at may dalang almusal naming dalawa. Kagigising ko lang at halos hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip sa kanya. Hindi na naman tuloy magkamayaw ang puso ko sa pagwawala na laging sabik na makita sya.

"Here." Nilapag ko sa harap nya ang tasa ng umuusok pang itim na kape.

"Thanks babe." Dinampot nya ang tasa at humigop. Tumango tango sya at tumingin sa akin sabay ngiti. "Kuhang kuha mo pa rin ang timpla ko, babe."

Bumuntong hininga ako at binuksan na ang brown paper bag.

"Stop calling me babe.." Sambit ko habang nilalabas ang lamang pagkain sa brown paper bag. Sinangag, itlog, longganisa at may sisig pa. Meron ding mushroom soup.

"Why?"

Tumingin ako kay Cedric. Nakakunot na ang kanyang noo.

Nag iwas ako ng tingin at kumuha ng mga plato at kutsara. "Dahil wala na tayo." Nilapag ko sa mesa ang mga plato.

"And so?"

Tumingin ako sa kanya. Nakangisi na sya.

"Kahit wala na tayo you're still my babe. At kaya nga kita nililigawan para maging tayo ulit." Aniya at pilyo pang kumindat.

Napanguso naman ako kasabay ng pag iinit ng mukha ko. Kung wala lang hadlang ngayon mismo sasagutin ko sya.

*****

Short update muna. Bukas na ang continuation. Di ako makapag concentrate sa pagsusulat dahil sa dysmenorrhea 😣

My Possessive Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon