Special Chapter

25.1K 869 119
                                    

Cedric POV

3 years later..

"PAPA bird!" Untag sa akin ng magtatatlong taon gulang kong anak na si Caleb sabay turo sa isang puno.

Tumingin naman ako doon at ngumisi. May ibon nga doon na dumapo sa sanga. Maingay ito at tila nagtatawag ng kasama. Maya maya ay may lumapit pang isang ibon at nagtukaan sila.

Bumungisngis si Caleb at pumalakpak pa habang pinapanood ang dalawang ibon. Mukhang wala na syang topak dahil panay na ang bungisngis at dumadaldal na. Kanina ay tinotopak sya dahil gusto nyang magpakarga sa mama nya. Hindi naman sya makarga ni Pinky dahil nagpapadede sya sa bunso namin na apat na buwang gulang pa lang. Hindi rin sya mapatahan ng yaya nya kaya ako na ang kumarga sa kanya at nilibang sya dito sa labas ng bahay.

"Papa cat!" Tinuro naman ni Caleb ang isang ligaw na pusa na pumasok sa gate. Nagpababa sya kaya binaba ko. Nilapitan nya ang pusa at tinatawag ito. Nakasunod naman ako sa kanya.

Mahilig sa hayop si Caleb dahil naiimpluwensyahan sya sa mga napapanood sa cartoons. Kabisado na nga nya halos lahat ng pangalan ng mga hayop at lahat ng hayop na nakikita nya ay gusto nyang hawakan.

Sabado ngayon at wala akong pasok sa opisina kaya marami akong oras para sa pamilya ko. Dalawang taon na akong umalis sa ahensya ng kapulisan at tumutok na sa kumpanya ng pamilya. Pero bago ako nag-quit ay tumaas pa ang ranggo ko bilang superintendent. Sabi ko noon ay hindi ako aalis sa ahensya at hanggang sa pagtanda ko ay magsisilbi pa rin ako sa bayan. Pero nag iba ang pananaw ko ng magkaanak na kami ni Pinky. Delikado ang trabaho ko sa ahensya. Nasa hukay ang isa kong paa at lagi kaming nahaharap sa mga delikadong sitwasyon. Naisip ko, hindi sigurado ang buhay ko sa trabaho. Ayokong bigla na lang iwan ang asawa ko at ang anak ko. Sa maraming taon ko ng pagsisilbi sa ahensya ay doon ko lang naisip ang kaligtasan ko. Natatakot ako na may mangyari sa akin at maiwan ang mag ina ko. Kaya naman nagdesisyon akong mag quit na. Naghinayang ang mga superior ko at mga kasahamahan sa ahensya pero naintindihan naman nila ako. Natuwa naman ang pamilya ko dahil yun ang matagal na nilang gusto na mag-quit na ako at magfocus na lang sa kumpanya. Masaya din si Pinky dahil hindi na sya laging mag aalala sa akin.

"Mingming!" Tawag ni Caleb sa pusa at inaabot ito. Nakatingin naman ang pusa sa kanya.

Hinawakan ko si Caleb para hindi nya mahawakan ang pusa dahil baka kalmutin sya nito.

"Don't touch the cat baby."

Tumingin sya sa akin at ngumuso. "Mingming papa."

Umiskwat ako sa harapan ng anak. "You want a cat?"

"Oum." Tumango sya.

"Alright.. we will tell mama."

"I want this cat papa." Turo pa rin nya sa ligaw pusa na gusto nyang abutin.

Nilapitan ko naman ang pusa at sinubukang hawakan. Hindi naman ito pumalag at pumikit pa. Mukha naman itong mabait kaya pinasubukan ko ng pahawakan kay Caleb. Tuwang tuwa naman ang anak ko na kinikilig pa at napapalapak. Mayamaya lang ay humalipuypoy na ang pusa sa binti ni Caleb habang ngumingiyaw. Tuwang tuwa naman ang anak ko.

Natigilan ako ng buksan ng isang tauhan ang gate. Pumasok ang kulay puting sasakyan ni mama. Kumunot ang noo ko. Hindi ko inaasahan na pupunta si mama ngayon sa bahay. Usually ang punta nya ay tuwing linggo kasama si papa.

Kinarga ko si Caleb at tumayo. Nayamot pa nga sya dahil ayaw pa nyang tantanan ang pusa.

"Mamala is here, anak." Sabi ko at tinuro ang sasakyan ni mama.

My Possessive Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon