Pinky POV
PINISIL ko ang kamay ni Cedric. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang kaharap namin ang kanyang lolo. Ang dating senador na si Senator Manuel Custodio. Wala syang kangiti ngiti at matiim ang tingin nya sa amin ni Cedric. Sa kabila ng edad nya ay matikas pa rin ang kanyang tindig. Nababakas pa rin ang awtoridad sa kanyang mukha.
"Lo, this is my fiancee Pinky." Pagpapakilala sa akin ni Cedric sa kanyang lolo.
Akmang babatiin ko ang dating senador pero kumunot ang noo nya.
"Fiancee? Ikakasal na kayo?"
Ngumiti si Cedric. "Yes 'lo. Nagpo-propose na ho ako sa kanya." Proud pa nyang sabi.
Lalo namang kumumot ang noo ni Senator Manuel.
Humugot ako ng malalim na hininga at ngumiti. "Good evening po Senator Manuel. It's a pleasure to meet you po." Magalang kong bati at bahagyang yumukod.
Tumango naman si Senator Manuel. "Good evening din, iha. Just call me lolo na lang. Fiancee ka na pala ng apo ko."
"Thank you po sena -- I-I mean lolo." Nauutal pang sabi ko.
Sino bang hindi mauutal. Kaharap ko ang kilalang dating terror na senador. Kinatatakutan ng lahat maging ng kapwa senador.
"Maupo na kayo at lalamig na ang pagkain."
Pinaghila ako ni Cedric ng upuan at inalalayan pang umupo. Umupo naman sya sa tabi ng lolo nya sa kanang bahagi. May mga pagkain ng nakahain sa mahaba at eleganteng mesa na uumuusok pa. Pumasok ang tatlong kasambahay sa komedor at may mga bitbit pang tray ng pagkain.
"Ilang taon ka na iha? Mukhang bata ka pa." Tanong ni Lolo Manuel habang dinadampian ng napkin ang bibig.
Nilunok ko muna ang pagkain bago sumagot. "26 po."
"Oh.. 20 years pala ang agwat ng edad nyo ni Cedric."
"Lo, 10 years lang. I'm only 36 not 46." Protesta ni Cedric.
Tumawa naman si Lolo Manuel. "36 ka lang ba? Akala ko 46 ka na."
Kinagat ko ang labi at pinigil na matawa din. May pagka alaskador din pala ang lolo ni Cedric.
"Masyado nyo naman akong pinatanda 'lo. Baka paniwalaan pa kayo nyan ni Pinky."
"Eh di ipakita mo sa kanya ang birth certificate mo na may pirma pa ng manghihilot na nagpaanak sayo." Natatawa pang dagdag ni Lolo Manuel. Nawala ang ka-istriktuhan sa kanyang mukha kapag ngumingiti at tumatawa sya. Parang si Cedric.
Tumingin ako kay Cedric na napapailing na lang. Hindi sya makahirit sa lolo nya.
"Ano nga pala ang pinagkakaabalahan ng mga magulang mo, iha?"
"Ang papa ko po ay dating real state agent. Ang mama ko naman po ay isang office worker. Pero parehas na po silang pumanaw na. High school pa lang po ako."
"I'm sorry to hear that, iha. Malungkot pala ang buhay mo. Hindi biro ang maging ulila."
Naramdaman ko ang sinserong pakikisimpatya ni Lolo Manuel.
"Hindi naman po malungkot ang buhay ko ngayon. May may mga pamilya naman po akong kasama. Nariyan pa po ang mga tiyuhin, tiyahin at mga pinsan ko na karamay ko sa lahat. At higit po sa lahat ay si Cedric."
Inabot ni Cedric ang kamay ko at pinisil. Lumingon naman ako sa kanya at ngumiti.
"That's good. Nakakatuwa namang marinig yan. Nakikita kong positibo kang tao iha. Anyway, mabuti naman at naisipan nyo ng magpakasal."
BINABASA MO ANG
My Possessive Ex-Boyfriend
Fiksi Umum"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang ex boyfriend na isang magiting na pulis. Malungkot pero pinipilit nyang maging masaya. Ang nasa isip...