Chapter 28

19.7K 723 39
                                    

Pinky POV

"BUHAY pa ba ang mga magulang mo iho?" Usisa ni Tiyang Helen kay Cedric habang kumakain sya.

"Oho, Tiyang Helen. Parehas pa hong buhay ang papa at mama ko."

Tumango tango si Tiyang Helen. "Ano naman ang pinagkakaabalahan nila?"

"Ang papa ko ho ay isang negosyante at philanthropist. Ang mama ko naman ho negosyante rin."

"Hindi pala basta basta ang mga magulang mo. Mabuti at hindi sila tutol sa pamangkin ko para sayo."

Saglit na natigilan si Cedric at sumulyap sa akin. Nagbaba naman ako ng tingin sabay dampot ng basong may lamang tubig at inom.

"Si papa ho ay botong boto sa kanya, ganun na rin ang kapatid ko. Si mama, medyo tutol ho.. pero wala naman ho syang magagawa. Mahal ko si Pinky."

Napalunok ako ng banggitin ni Cedric ang kanyang mama. Kapag nalaman ni Ma'am Adela na sinundan ako dito ni Cedric ay siguradong tatawag na naman sya at pagbabantaan ako.

"Ganyan talaga ang mga ina, iho. Lalo pa at lalaki ka. Gusto lang nila na the best ang babaeng makatagpo ng kanilang anak. Pero the best naman itong pamangkin ko. Maganda, mabait at higit sa lahat masipag. Hindi pa lang kasi nakikilala ng lubos ng mama mo ang pamangkin ko. Pero kung makikilala na nya ng lubos, kuh tiyak! Magugustuhan din nya itong pamangkin ko."

Mapait akong ngumiti sa sinabi ni Tiyang Helen. Kung nalalaman lang nya ang ginawa ng mama ni Cedric, siguradong magagalit sya. Baka nga, di pa nya tanggapin dito sa bahay si Cedric.

"Teka, ilang taon ka na ba, iho?" 

"Treinta sais ho, tiyang."

"Sampung taon pala ang tanda mo sa pamangkin ko."

Ngumiti si Cedric at sumulyap sa akin. "Ganun na nga ho."

"Kuh, mainam nga yan at mas matanda ka sa kanya. Mas matured kang mag isip. Minsan kasi si Pinky may pagka isip bata." Saad pa ni Tiyang Helen na natatawa pa.

Napanguso naman ako. Hindi naman obvious na pabor ang tiyahin ko kay Cedric.

"Sinabi nyo pa ho. Pero mahal na mahal ko ho yang pamangkin nyo kahit isip bata." Nakangisi pang dugtong ni Cedric.

Nag init naman ang mukha ko kasabay ng paglukso ng puso ko. Dinampot ko ulit ang sariling baso at sinalinan yun ng tubig at uminom.

"Talaga bang mahal mo ang pamangkin ko Cedric?" Nasa tono na ng boses ni Tiyang Helen ang kaseryosohan.

Muling tumingin sa akin si Cedric habang mabagal ba ngumunguya. Pumungay ang kanyang mga mata.

"Sobra ho tiyang. Ayoko ho syang mawala sa akin kaya sinundan ko ho sya dito."

Nagbaba muli ako ng tingin at kumagat labi. Wala namang dudang mahal nya ako. Ramdam na ramdam ko yun sa mga titig pa lang nya.

"Nakikita ko nga na mahal mo ang pamangkin ko. At nakikita ko rin na mabuti kang lalaki at seryoso ka sa kanya."

"Salamat ho Tiyang Helen."

"Walang anuman. O sya, kain lang ng kain. Pinky ipagsandok mo pa nga ng kanin at ulam itong nobyo mo." Utos pa sa akin ni Tiyang Helen.

Tumalima naman ako at kinuha ang bandehado at mangkok. Si Tiyang Helen naman ay patuloy pa ring hinuhunta si Cedric. Halatang gusto pa nya itong kilalanin.

My Possessive Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon