Chapter 33

19K 656 59
                                    

Pinky POV

"NAKAKALOKA ka naman bebs. May ganun ka na palang problema hindi mo man lang sinasabi sa akin. What friends are for? Parang gusto kong magtampo sayo ha." Sambit ni Ciella at inirapan ako sabay dampot ng juice nya.

Ngumiwi naman ako. Inasahan ko ng ganito ang magiging reaksyon nya pagkatapos kong ikwento sa kanya ang lahat.

"Sorry bebs, ayoko lang kasing madamay kayo sa problema ko. Saka ayoko ring mag alala ka dahil baka ma-stress ka, eh buntis ka pa."

Bumuntong hininga sya at binaba ang baso ng juice. Tumingin sya sa akin. "Nagi-guilty lang kasi ako bebs, dahil wala man lang akong naitulong sa problema mo. Samantalang noong ako ang may problema lagi kang nasa tabi ko."

"Sus! Wala yun, huwag ka ng maguilty. Saka ayos naman na kami ni Cedric. Yun nga lang hindi pa kami ayos ng mama nya."

Umingos si Ciella. "Pero grabe pala ang mama ni Cedric no. Parang yung nanay sa palabas na ayaw sa nobya ng anak nyang mahirap. Hindi ka ba nya inalok ng sampung milyon para layuan si Cedric?"

Natawa ako sa sinabi ng kaibigan. "Hindi no. Puro pananakot ang binigay nya sa akin."

"Tinatakot ka pa rin ba nya hanggang ngayon?"

"Hindi na. Simula ng malaman ni Cedric ang mga ginawa ng mama nya sa akin at sa pamilya ko tumigil na rin sya sa pagtawag sa akin."

"Mabuti naman kung ganun. Eh ikaw, hindi ka na natatakot sa mama nya?"

Bumuntong hininga ako. "May takot pa rin akong nararamdaman Cie. Pero kaya ko ng harapin ang takot ko na yun dahil nasa tabi ko si Cedric."

"Tama yan. Wala kang dapat na ikatakot hangga't nasa tabi mo si Chief Inspector Cedric na patay na patay sayo."

Natawa na lang ako sa sinabi nya.

"Mommy! Ninang Pinky!"

Sabay naming nilingon ni Pinky si Alexandrea na tumatakbo palapit sa amin. Cute na cute sya sa suot na ternong pambahay na damit na kulay pink na bulaklakin. Nauuna pa nga ang kanyang busog na tiyan.

"Slow down baby, baka madapa ka." Paalala naman ni Ciella sa anak.

Nagbagal naman sa pagtakbo si Alexandrea na may matamis na ngiti sa labi. Nang makalapit sya ay agad syang yumakap sa ina at lumapit din sa akin sabay yakap.

"Ninang Pinky ano po gawa nyo dito sa bahay." Tanong ni Alexandrea na tumabi pa ng upo sa akin.

"Nakikipag marites sa mommy mo." Nakangising sabi ko at hinaplos ang kanyang buhok.

Kumunot naman ang noo ng inaanak ko. "Ano pong marites?"

Tumawa kami ni Pinky.

"Ayusin mo sagot mo." Banta sa akin ng kaibigan.

"Marites means kwentuhan. Nagkikipagkwentuhan ako sa mommy mo." Paliwanag ko.

Pero humagikgik ang pilyang bata. "You're wrong po ninang. Marites means chismis."

Namilog ang mata ko sa sinabi ni Alexandrea. Si Ciella ay napasinghap pa at nabigla sa sinabi ng anak.

"Baby kanino mo natutunan yan?" Tanong ni Ciella.

"Kay mamita po, mommy. Lagi po silang nagmamarites ng mga amiga nya."

Malakas akong tumawa. Si Ciella naman ay napasapo sa noo.

My Possessive Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon