Chapter 36

17.6K 604 35
                                    

Pinky POV

"B-BABE.." Nauutal na sambit ko dahil sa biglang pagsulpot ni Cedric.

"Don't touch my wife." Mariing sabi ni Cedric kay George na namumutla na. Matalim ang tingin nya rito at umiigting pa ang kanyang panga. Kinabahan naman ako.

"Hindi mo pa sya asawa bossing.. Ikakasal pa lang kayo di ba?" Sagot ni George kahit halatang ninenerbyos na.

Lalo naman akong kinabahan. Lokong George na to! Sumagot pa.

Lalo namang nangalit si Cedric. Binitiwan nya ang kamay ko at hinaklit sa kwelyo si George.

Napasinghap naman kaming dalawa ni Ciella.

"Inaasar mo ba ako?" Pigil ang galit na boses ni Cedric.

Gumuhit naman ang takot sa namumutlang mukha ni George. Sunod sunod ang kanyang pag iling.

"H-Hindi bossing.. sinasabi ko lang naman ang totoo. Ikakasal pa lang naman kayo ni Pinky kaya hindi mo pa sya asawa."

Namula naman ang mukha ni Cedric at lalo pang hinigpitan ang hawak sa kwelyo ni George na gusot na. Nakakaagaw na rin sila ng atensyon ng mga customer. Nataranta naman ako.

"Oy oy chief! Maghunusdili ka at ako'y ninenerbyos na sayo. Baka bigla akong mapaanak. Anim na buwan pa lang ang tiyan ko." Saway ni Ciella.

"Bitiwan mo na si George, Cedric. Nakatingin na sa inyo ang mga customer, baka matakot at magsialisan." Saway ko na rin sa nobyo.

Tinitigan nya muna saglit si George bago binitawan. Tila naman nakahinga ng maluwag si George.

"Don't ever touch my woman again. Sa susunod na makita kitang hinawakan mo sya babaliin ko ang leeg mo." Banta pa ni Cedric na ikinasinghap ko.

Pinalo ko sya sa braso. "Ano ka ba? Huwag mo ngang pagbantaan si George. Kaibigan namin sya ni Ciella."

Matiim syang tumingin sa akin. "I don't care. Huwag ka lang nyang hahawakan hindi kami magkakaroon ng problema."

Tumikhim si George at pangiwing ngumiti. "Don't worry bossing, hindi kami talo ni Pinky. Type nga ako nyan pero binasted ko sya dahil hindi ko sya type. Friendship lang ang kaya kong ibigay sa kanya."

Namilog ang mata ko sa sinabi ni George. Pinukpok ko sya ng nakarolyong craft paper. "Hoy ang kapal mo!"

Pinandilatan nya ako ng mata. Nakuha ko naman ang ibig nyang sabihin.

Nilingon ko si Cedric na nakakunot na ang noo. "Huwag mo na lang syang pansinin, babe. Ganyan lang talaga si George, malakas mang asar."

Bumuntong hininga si Cedric pero masama pa rin ang tingin kay George.

"Halika nga muna George. Doon muna tayo sa coffe shop." Yaya ni Ciella kay Goerge at hinila ito sa loob ng coffee shop.

Alam kong ginawa yun ni Pinky para ilayo si George kay Cedric.

"Bakit ba laging nandito sa shop ang lalaking yun?" Inis na tanong ni Cedric.

"Loyal customer namin sya at kaibigan namin ni Ciella."

"Tss! Obvious namang nagpapacute lang sya sayo. Tapos ikaw naman tuwang tuwa pa sa kanya."

Umawang ang labi ko. Bakit parang kasalanan ko?

"Totoo ba yung sinabi nya na type mo sya?"

"Syempre hindi no! Kung type ko sya eh di sana jinowa ko na sya nung hindi ka pa bumalik." Sabi ko.

My Possessive Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon