Chapter 19

10.6K 454 62
                                    

Pinky POV

PALINGA linga ako sa labas ng kalsada. Mabilis ang patakbo ng sasakyan ni Cedric. Tumawag sa kanya kanina si Romeo. Mukhang may operasyon sila.

Nakita ko na ang kanto pauwi sa bahay ko. "Dyan mo na lang ako sa kanto ibaba Cedric. Magtatrycicle na lang ako." Untag ko sa kanya.

Pero tila wala syang narinig at tuloy tuloy pa rin ang pagmamaneho nya. Lumampas na kami sa kanto.

Inis na binalingan ko sya. "Cedric ano ba? Lumampas na yung kanto."

"I know, di ako bulag." Masungit na sabi nya.

"Yun naman pala, eh bakit hindi mo hininto?" Inis ng sabi ko.

Kunot noong lumingon sya sa akin. "Sinabi ko bang iuuwi kita?"

Suminghap ako. "Kung ganun di mo ko iuuwi, eh saan mo ko dadalhin?"

Ngumisi sya. "Dadalhin kita kung saan ko gusto."

Bumangon ang protesta sa dibdib ko. "Ano? Hindi pwede! May duty ka ngayon di ba? Hindi mo ko pwedeng isama. Ibaba mo na lang ako dyan sa tabi."

"No." Mariing sabi nya at tinulinan pa ang patakbo ng sasakyan.

Napaawang na lang ang labi ko. Mukhang wala nga talaga syang balak na ibaba ako.

Kinuyom ko ang kamao. Gusto ko syang suntukin pero hindi naman ako bayolente.

"Cedric ano ba?" Singhal ko sa kanya.

Sinulyapan lang nya ako sa rear view mirror. "Kahit magsisigaw ka dyan, di kita ibababa. Magkasama tayo buong gabi hanggang sa matapos ang duty ko."

"Seryoso ka? Nasa duty ka at bawal yun ah. Kapag nalaman to ng hepe nyo siguradong masususpende ka."

Ngumisi sya. "Yun nga ang plano ko. Ang masuspende para marami akong oras sayo."

Muling umawang ang labi ako. 

"Nakakainis ka!" Umigkas ang kamay ko at binatukan sya.

Umawang ang labi nya at namimilog ang matang tumingin sa akin. Parang di makapaniwala na binatukan ko sya.

Kumagat labi ako. Ako rin, di makapaniwala na nabatukan ko sya. Para kasing may sariling isip ang kamay ko na biglang gumalaw.

"Binatukan mo ko?"

Kinabahan ako. "S-Sorry.. nadulas yung kamay ko."

Ngumisi sya at umiling iling. Muling tinuon ang tingin sa kalsada.

Ngumuso ako at tumikhim. Bakit ba ako nagsosorry? Nagawa ko yun kasi nakakainis sya.

"K-Kasalanan mo naman kung bakit kita nabatukan. Nakakainis ka kasi." Sambit ko.

Sumulyap sya sa akin. "Ako rin, naiinis sayo. Syempre hindi kita babatukan, baka halikan pa kita."

Nag init ang pisngi ko sa sinabi nya kasabay ng pagbilis ng pintig ng puso ko. Parang bigla tuloy akong nanabik na halikan nya.

Pumikit ako ng mariin at pinilig ang ulo.

Ano ka ba naman Pinky? Hiwalay na kayo at  lumalayo ka na nga sa kanya gusto mo pa ng halik nya.

Bumuntong hininga sya. "Don't worry, iuuwi na kita sa bahay mo."

Ako naman ang napabuntong hininga. Mabuti naman kung ganun.

My Possessive Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon