Chapter Sixty-Two

122 11 9
                                    


S   O   M   E   O   N   E

Kinakabahan akong nakaupo sa loob ng opisina ng doktor na matalik na kaibigan ni Dad. Hindi ako mapakali habang hinihintay test results ko.

Madalas kasi akong makaramdam ng matinding panghihina at pagsakit ng tagiliran ko nitong mga nakaraang linggo. The pain was bearable at first. Pero habang tumatagal, it's getting stronger and unbearable to the point na halos naiiyak na ako sa sobrang sakit.

At base sa mga symptoms na nararamdaman ko, hindi malabong lumabas sa resulta ng ginawang tests sakin na maysakit ako.

But I'm still hoping na sana mali ang iniisip ko. Sana mali ako ng hinala. Hindi ako pweding magkasakit. Lalo na ngayon na sobrang gulo ng mga nangyayari, hindi lang sa akin kundi pati sa mga kasama ko.

Ang daming revelations na nangyayari to the point na hindi na halos makasabay ang utak ko. Hindi na kayang i-process ng braincells ko ang mga nangyayari. Masyadong magulo na lalong nagpapasakit ng ulo ko.

And until now, hindi ko pa din matanggap ang katotohanang natuklasan ko. Hindi ko kayang tanggapin at ayokong tanggapin. Pakiramdam ko, pinaglalaruan ako ng tadhana.

Hindi ko alam kung anong nagawa kong kasalanan sa past life ko para parusahan ako ng ganito. Ang lala, eh. Hindi ko matanggap. Hindi ko maintindihan.

Pero hindi ko din inaalis sa isip ko na baka may explanations sa likod ng mga nangyayaring 'to. Explanations na magbibigay ng liwanag sa lahat. Sana...

Also, hindi alam ng ibang girls ang tungkol dito. I'm doing my best to hide it para hindi sila mag alala. Plus, nasa ospital pa si Ate Yves at kakagising lang nya kahapon. Ayoko nang dagdagan ang stress at alalahanin nila.

Tama na muna yung isa lang ang inaalala namin sa bahay. Anyways, baka hindi naman ganun ka-serious 'tong sakit na iniinda ko. Kaya sasarilinin ko na lang muna 'to sa ngayon.

"I got your test results, hija." Bahagya akong nagulat at naputol ang malalim na pag iisip ko sa biglaang pagpasok ng doktor na hindi naman nakatakas sa paningin nya at mahina pang natawa. "I'm sorry, nagulat ata kita."

Nakangiti naman akong umiling. "O-Okay lang po, Doc."

"You sure? Hindi ko naman naisturbo ang pagmumuni-muni mo, hindi ba?"

"Hindi po. May naalala lang po ako." Kamot-ulo at natatawang sagot ko sa pabirong tanong nya.

"Alright, then. Let's start. Here's your test results. I opened it already and what I saw and learned is not quite a good news, I'm afraid. Do you still want to heart it?" He asked with a concerned look in his face.

I just smiled bitterly. "It's fine, Doc. Whatever the result is, I need to hear it. I need to know what's wrong with me and my body." Sagot ko.

Napabuntong hininga naman sya ng malalim. "Alright. If that's what you want. There is also a good news, anyways." Aniya.

Bahagya naman akong nagulat sa huling sinabi nya. "G-Good news? What do you mean, Doc? A-Ano pong good news?"

"Before I tell you the good news, I'll start first with the bad news." Sagot nya at napatango na lang ako.

"O-Okay po, Doc. Start po tayo sa bad news." Sabi ko at huminga ng malalim para ihanda ang sarili ko sa kung ano mang maririnig ko.

"Well, the bad news is you have cancer."

Saglit akong natulala at napaawang ang bibig ko sa narinig ko. "C-Cancer?"

"Yes. A liver cancer, to be exact. And it is on stage 2 now." Paglilinaw nya na mas lalong nagpatulala sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: a day ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Masked FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon