Clementine
Nakakatawa ‘tong kasama ko. Halatang ngayon lang nakasakay ng LRT. Parang batang tahimik na nagmamasid-masid sa paligid. Dikit na dikit pa sa’kin. Akala mo naman mawawala sa loob ng tren. Palibhasa, mayaman nga pala, hindi na kelangang makipagsiksikan sa Public Transportation. “Pinakamaluwag dito sa LRT Line 2,” kwento ko sa kanya.
“Really?” bulong ni Cyann. “I heard dati, siksikan daw especially during rush hour.”
“Baka ‘yung MRT ‘yung tinutukoy nila. ‘Yung tren na makikita mo along EDSA. Grabe dun. Nasubukan ko na’ng tatlong beses maiwanan ng tren dahil wala talagang space.”
“Are you serious?” manghang-manghang tanong niya at tumango ako. “Are we gonna ride that ba going to Tondo?” tanong niya.
“’Wag kang mag-alala, hindi tayo sasakay dun. Pasalamat tayo diretso ito sa Recto. Dun na tayo bababa,” pagpapaliwanag ko nang mapanatag naman ang loob niya.
Sa Cubao station, maraming nagbabaang pasahero. Pero marami ring sumakay kaya napuno agad ‘yung tren. May humabol pa’ng mag-ina na maraming dalang bayong.
Bago pa ako makatayo para i-offer ang upuan ko, bumulong sa’kin si Cyann. “How do you offer your seat sa kanila?”
“Ano ba ‘yan pati ba naman ‘yun di mo alam? Edi normal lang. Kung pa’no ka mag-offer ng upuan sa iba tuwing may party.” Itinuon ko ang atensiyon ko sa mag-ina, saktong nakatingin sa’kin ‘yung batang babae kaya ngumiti ako. “Bata, dito nalang kayo ng Mama mo.” Tapos tumayo na ‘ko. Sumunod din itong si Cyann at nakipagngitian kami dun sa mag-inang umupo sa nabakante namin.
Parehas kaming kumapit dun sa pole dahil ‘yun na lang ang natitirang hawakan. Niyakap ko rin ‘yung bagpack kong naglalaman ng mga bimpo tsaka ng damit-pampalit namin.
Kumunot na naman ang noo ni Cyann. “Bakit mo hina-hug yung bagpack mo like that?” mahina niyang tanong.
“Mahirap na, baka manakawan ako. Siyempre, public transportation ito. Hindi maiiwasan ‘yung mga ganung eksena,” mahina ring sagot ko. Kaya hindi ko rin pinagsuot ng branded na damit si Sai para hindi siya maging walking target. Ang usapan namin, kung gusto niyang sumama sa’kin, dapat simple lang ang suot na damit. Hindi na rin namin dinala ‘yung mga telepono namin. Alam naman ni Nate na darating ako sa Feeding Program.
Dahil sa sinabi kong ‘yon, bakas sa mukha niya ang pag-aalala. “I told you, dapat nag-car na lang tayo.”
‘Yon na naman. Napag-awayan na namin kagabi ‘yon e. “Magreklamo ka pa, sige. Iiwan talaga kita dito,” pagbabanta ko at sa sobrang takot niya, kumapit siya sa kamay ko. “Biro lang. Bitiwan mo nga ako.”
“I dun wanna,” sambit niyang naka-pout. “Mamaya you’ll leave me talaga. I wanna be sure I’ll make it out here alive. Parang it’s a jungle out here and ikaw ‘yung native to guide the way.”
“Ang arte mo,” angal ko at umirap na lang.
Tinawagan kasi ako ni Tita Jo nung isang araw. Hindi raw sila makakasama ni Tito Albert sa Feeding Program kaya si Sai ang pinadala para mag-represent ng pamilya nila. Inabisuhan ko na rin siya kung paano kami pupunta sa Tondo ng anak niya dahil mahirap na’ng maka-attract ng atensiyon sa squatters area kung dadalhin namin ‘yung maharlikang sasakyan ng anak niya. Muntik pa ngang nagpanic si Tita eh, kung hindi lang inagaw ni Tito Albert ‘yung phone at sinabing maganda raw na matuto ang anak sa mga ganung bagay. Odi ayos. May basbas ako, hehe.
BINABASA MO ANG
SaiLem Three {DANGER: I'm Falling For You}
General Fiction"Ang hirap palang magmahal ng taong matagal mong iniwasan. Bakit kasi walang early warning device ang puso para masabi agad na malapit ka na sa brink of falling in love? Para sana pwede pang mag-back out. Hindi 'yung huli na--yung kahit anong pilit...