Clementine
Nakarating na kami sa NAIA at kanya-kanya nang punta sa mga sasakyan matapos magpaalam sa isa't-isa. Sina Alice at Vincent, sumakay na sa kotse ni Sai.
Hindi ko alam kung dapat ba akong sumabay sa kanya pagkatapos ng binulalas ko sa punyetang bonfire na 'yan kagabi.
Pero nakasandal lang siya sa pinto ng driver's seat at kinakalikot ang phone. Kung 'di siya galit sa'kin, iisipin kong hinihintay niya ako.
"Lem, ako na lang ang maghahatid sa'yo," nakangiting mungkahi ni Nate nang makalabas na kami sa paliparan.
Inangat si Cyann ang ulo niya at nagtama ang mga mata namin. Kahit mga dalawang metro ang layo namin, damang-dama ko ang galit niya lalo na't 'di ko mabasa ang emosyon niya.
Hahakbang na sana ako papalapit sa kanya pero marahang hinigit ni Nate ang kamay ko. Saka ko nakitang tumalikod si Cyann, binuksan ang pinto ng kotse niya at halos ibalibag pasara 'yon.
Napapikit nalang ako habang iginigiya ni Nate papasok sa kotse niya at wala na akong nagawa kundi sumunod. Pakiramdam ko kasi sasagasaan ako ni Sai kapag sinubukan ko siyang kausapin. Mabilis pa man din niyang pinaharurot ang kotse niya kaya di na rin ako nakakaway sa kanila. O kahit kay Alice man lang.
Oo na. Nagkamali na ako kagabi. Dahil ayokong sagutin siya sa harap ng iba at maging tampulan kami ng tukso... pangalan ni Nate ang sinabi ko.
Malay ko bang ganun ang magiging reaction niya. Magdamag ko siyang hinintay sa kwarto para sabihin ang totoo. Pero nabilang ko na yata ang lahat ng putapeteng tupa sa utak ko wala pa ring Cyann na umakyat sa kwarto.
Kaya bumaba ako. At nakita sila ni Milo na knocked out na malapit sa pool. Nagpakalango sa Bacardi.
Di na rin kami nakapag-usap habang nag-aagahan dahil iniiwasan talaga niya ako. Kahit nga nung nag-eempake na kami ng gamit, nagpaakyat nalang siya ng kasambahay para kunin yung mga gamit niya. Hindi rin siya tumabi sakin sa plane kaya si Nate na rin ang umupo sa tabi ko.
"Mabuti na lang pala may urgent call kami ni Sir Erik kaya nakasunod ako," narinig kong sambit ni Nate na pumukaw ng diwa ko. "Ano namang sabi ni Cyann?"
Isang malalim na buntong-hininga ang hinugot ko. "Wala pa. Di pa kami nag-uusap." Mamaya na lang sa condo. Mas maganda na nga siguro yun dahil kaming dalawa lang.
Sinabi ko lang naman ang pangalan ni Nate dahil alam kong safe yun. Wala namang namamagitan sa'min. Kaya nga nagtataka ako kung bakit ganun nalang ang reaction ni Sai. Sobrang pinagseselosan niya ba talaga ang kababata ko? Ganun din kaya ang magiging reaction niya kung sakaling pangalan ni Milo ang binitawan ko?
Sa kakaisip at dala na rin ng puyat, di ko namalayang nakatulog na pala ako. Ginising na lang ako ni Nate nung nasa tapat na kami ng condo.
Bagsak ang mga balikat kong bumaba ng sasakyan. Paano ko kaya uumpisahang magpaliwanag kay Sai? Nakarating na rin kaya siya?
Nag-aalangang sinundan ako ni Nate papasok sa reception area. "Hindi ka pa rin ba aalis dito? Sa totoo lang, I never liked the idea na magkasama kayo sa condo. Alam mo ba kung ano ang reputasyon niyang si Cyann pagdating sa mga babae?"
Malamya akong ngumiti bago sapilitang kinuha ang backpack ko sa kanya. "Bago pa ako pumayag na tumira kasama niya, tanggap ko na yung nakaraan niya."
Hindi na siya umimik pagkasabi ko nun. Bahagya lang na nasalubong ang kilay niya na parang naguluhan. Pero agad ding nakahuma at humalik sa pisngi ko bago nagpaalam.
Mas mabigat pa sa hollowblocks ang mga paang halos hilahin ko paakyat sa unit. Sabaw pa rin ang utak ko at di mawari kung paano ko uumpisahan ang pagpapaliwanag.
Pagbukas na pagbukas ng elev... nagkagulatan kami ni Cyann na nakasuot ng jersey, nylon shorts at runnning shoes.
"Are you gonna stay there or what?" Tiim-bagang kumento niyang halatang asar na asar pa rin.
Napakagat nalang ako sa pang-ibabang labi ko at lumabas sa elev. Siya namang pagpasok niya doon.
Nataranta ako kaya hinawakan ko siya sa braso. "S-Sai.. sandali--"
Halos mapaso ako sa talim ng tingin niya sakin kaya binitawan ko siya. "I think you better look for a new place now." Nakita kong muntik niyang suntukin yung button sa inis.
Pero hinarang ko yung kamay ko sa pinto para pigilang sumara 'yon. Tama ba 'yung narinig ko? Pinapaalis niya ako dahil lang pangalan ni Nate ang nasabi ko? Di ba parang OA? "B-Bakit--"
Labas sa ilong ang tawa niya. "You're seriously asking me that now? I don't think your BOYFRIEND will appreciate the fact that--"
Tumunog ang elevator dahil matagal nang nakabukas yung pinto. Idiniin ko ang kamay ko para pigilan ulit sa pagsara. "H-Hindi kita maintindihan."
"OF COURSE you don't!" Sarkastiko niyang sagot sabay suntok sa isa pang button at tumahimik ang elevator na nagpoprotesta na naman. "Do you really like toying with my feelings that much? Pinaasa mo ako, Clementine. I was expecting for you to choose me. But I guess I still came short, huh?"
"Hindi kita pinaa--!" Depensa ko sana pero sinuntok na naman niya yung dingding ng elev.
"You really don't get it do you? Your childhood friend LIKES YOU. And last night...you just said to his face that you feel the same way about him, too."
"Hindi totoo yan--"
"Honestly Clementine," putol niya at tumitig sakin. Punung-puno ng pagsusumamo. ang kanyang mga mata. "If Nate and I are going to die and you can only save one... who's it gonna be?"
Tangina. Para niya na rin akong pinapili kung sino sa kanila ng itinuturing kong kapatid ang bubuhayin ko.
Nang wala akong maisagot, napakuyom siya ng palad at saka pinindot ulit ang 'hold' button. Natawa siya nang pagak at bago sumara ang pinto, malungkot niya akong tinignan. "I never expected that this would hurt so much. I'm sorry that I loved you."
===
A/N: Oo, alam kong gusto nating lahat sabunutan si Lem sa kanyang kagagahan. -_-" Pero ganun talaga.. at least nalaman na rin niya ang hinihintay niyang sabihin ni Cyann.. haaay. Si Lem na ang kontrabida sa sarili niyang love story -_-" ahuhu
BINABASA MO ANG
SaiLem Three {DANGER: I'm Falling For You}
General Fiction"Ang hirap palang magmahal ng taong matagal mong iniwasan. Bakit kasi walang early warning device ang puso para masabi agad na malapit ka na sa brink of falling in love? Para sana pwede pang mag-back out. Hindi 'yung huli na--yung kahit anong pilit...