12. Disturbia

2.5K 69 17
                                    

Wala akong makitang picture ni bebe Kristoffer na naka-tiger ears.. kaya yan nalang.. HAHAHA.. imaginin nyo nalang. lels

Sobrang pressured na ako dahil nahihimbing na si Papa Kyle.. kelangan nang madaliin.. lels

-Hunny

----

Clementine

Personal na ni-request ni Sharelle kila Ate Kara na pagsilbihan ko sila ni Sai para daw may personal touch. Kumusta naman diba? At etong hayup na housemate ko, wala man lang nagawa para sawayin ang syota. Tangina, halatang gusto lang akong i-power trip nung kasama, di man lang ako nagawang ipagtanggol. Pakshet. Buti nalang, sinabi ni Ate Kara na baguhan lang ako kaya hindi pa ako pwedeng mag-waitress.

Ex-boyfriend mo ba ‘yung cute na kasama niya?” tanong ni Ate Elise habang nagliligpit na kami dahil closing na. Nauna na ring umuwi si Milo dahil nakisabay ulit dun sa naghatid sa kanya. “Grabe! Ikaw na ang maraming boylet! Penge naman kami!”

“Hala, hindi ‘no,” sagot ko habang nagpupunas ng mga mesa. “Awkward lang na pagsilbihan ‘yung kakilala mo.”

Tumango-tango naman si Ate Kara. “Totoo ‘yan. Lalo na mukhang may tinatagong pagka-biyotch ‘yung girlaloo. Baka maulit lang ‘yung nangyari kay Alice.”

Ganun pala na-suspend si Alice. Nanggulo ‘yung mga kaklase niya sa CMAN. At kahit hindi naman niya  kasalanan ‘yung nangyari, siya ‘yung naparusahan. Nakakalungkot naman. Sana okay na siya ngayon.

“Alam ko na,” imik ulit ni Ate Elise. “Siguro, niligawan ka ni guy pero ‘di mo sinagot kaya naghanap ng iba. Tapos bitter-bitter-an ‘yung girl kanina dahil ikaw pala ang lurve ni cutie pie, ayieee. Tama ba?”

Ano ba ‘yan. Akala ko naka-move on na kami sa topic na ito. Hindi pa rin pala. “Waw ha. Ang imaginations naman ‘te. Wala akong masabi. Obvious  na nasosobrahan ka sa pagbabasa ng pocket book o kaya sa panood ng mga John Lloyd-Bea o AshRald movies,” pasaring ko at malapad naman ang ngiti niya.

Iwinasiwas pa ni Ate ‘yung mop na ginagamit niya. “O, eh bakit ganun makaasta ‘yung girlfriend niya na parang may gustong patunayan?”

“Malay ko dun,” pabalang kong sagot. “Ano pa ba ang kailangan niyang patunayan eh girlfriend na nga, gumagawa pa ng issue. Eto na nga o! Umiiwas na!” pagmamaktol ko.

“Eh ikaw pala ‘tong ampalaya eh, hahaha. May gusto ko kay cutie pie ‘no?”

Hanudaw?! Sa’n naman nanggaling ‘yon?! “Nako ‘te, kahit gwapo ‘yon, hinding-hindi ako magkakagusto dun! At hindi ko pinangarap na maging kami ‘no. Ayoko nga sa babaero. Baka mamaya makagawa pa ng maraming branches dahil sobrang kati niya. Aba, dadapa ang dahon ng gabi sa sobrang kati non!” depensa ko habang madiin na ipinupunas sa mesa ‘yung basahan na parang may matinding mantsa kahit wala naman.

“Hoo, ‘wag kang magsalita ng tapos. Ang Law of attraction, laging at work yan. Kahit pa ayaw mo ng isang bagay o sa isang tao, basta lagi mong iniisip, mapapasa’yo,” pangangaral ni Ate Kara.

“Kelan pala ang balik ni Alice, ‘te?” pag-iiba ko ng topic. Mabuti nalang, nadala din sila sa tanong at napag-alaman kong sa Lunes na ulit ang balik niya.

Halos magha-hatinggabi na nang makarating ako sa condo. At muntik na akong lumuhod para magpasalamat sa Poong Maykapal dahil wala ‘yung dalawa. Makakatulog ako ng mapayapa. Sana.

SaiLem Three {DANGER: I'm Falling For You}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon