Clementine
Dumating na ‘yung Prof namin sa thesis pero wala pa rin si Cyann. Balak ba niyang sulitin ang free absences niya o abala lang talaga sa pagpa-practice ng basketball? Aba, hindi ko rin nakikita kahit anino niya sa ibang classes. Pa’no naman kaya siya magdi-Dean’s Lister kung ganito? Balak ba niyang mag-drop out?
Naramdaman kong nag-vibrate ‘yung bago kong phone na di-hamak na mas madaling gamitin kesa sa Blackberry. At dahil roll call pa lang naman, lumabas muna ako ng silid.
“Baby Lem!” bati sa’kin ni Nate sa kabilang linya.
“Oy, Nate. ‘musta? Himala, ‘di ka na busy?” tanong ko habang nakasandal sa dingding. Pumwesto ako sa bandang nakikita ko pang nagsasalita ‘yung prof namin.
“Busy pa rin pero ayos lang. Kaya pa rin naman,” sagot niya at nagtaka naman ako kung bakit napatawag sa’kin kung marami pa rin palang ginagawa. “May hindi ka sinasabi sa’kin.”
“Ha? Ano naman?” Nag-isip ako kung ano ba ‘yung mahalagang bagay na nakaligtaan kong ipaalam sa kanya. Wala naman.
Narinig kong nagbuntong-hininga siya. “Bakit hindi mo sinabi sa’king kalat na palang wala na kayo ni Mabanta? Well, alam ko namang hindi naging kayo pero siyempre, iba pa rin ‘yung balitang available ka na ulit dahil ‘yun ang totoo.”
Tss. Yon?! ‘Yun ang dahilan kung bakit tinatawagan niya ako ngayon? Enebeyen. Ako naman ang nagbuntong-hininga. “Nate, hindi worth it na sabihan pa kita nun dahil alam mo naman ‘yung totoo. Tss. At bakit kita aabalahin dahil lang dun? Napakaliit na bagay naman—“
“Para sa’kin hindi. Malaking bagay ang malamang pwede ka na ulit lapitan ng mga lalaking umaaligid sa’yo,” sabat niya pero mahinahon pa rin. “Mahirap na, baka—“
Nakita kong sinenyasan ako ng groupmate ko kaya tinapos ko na ‘yung usapan. “Nasa klase pala ako ngayon. Sorry, sorry. Text mo na lang ako ha?”
“Tss. O sige. Ingat ka Baby Lem. Sabihan mo ako kung kelan ka libre para mag-lunch naman tayo ha?”
Pumasok na ulit ako sa room at naupo. Kasalukuyang nagsasabi-sabi ‘yung propesor na ime-merge daw ‘yung klase namin sa isa pang klase dahil nag-premature labor ‘yung nakatokang guro. Masha-shuffle daw ang grouping.
“Miss Tongco,” tawag sa’kin ng prof at tinignan ko naman siya nang may pagtataka. “Would you know kung nasa’n si Mr. Mabanta?”
“Hindi po, Ma’am.”
“Ganun? Diba girlfriend ka niya?” tanong niya at nagkaroon ng bulung-bulungan lalo na sa mga echoserang froglet na sinulyapan na naman ako nang matalim.
“Hindi po, Ma’am,” simpleng sagot ko at ibinaling ko na lang ang tingin ko sa notebook. Kunwari nagbasa kahit blangko naman ‘yung pahina.
“Ahh, okay. Sige, ililipat ko nalang siya sa group niyo ha—“ dagdag pa ni Ma’am.
“PO?!” bulalas ko at nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kanya. Tinabig din ako nung dalawang babaeng groupmate ko na pawang nakabungisngis na rin.
Inayos ni Ma’am ‘yung salamin niya. “Ililipat ko siya sa group niyo dahil nilaglag siya nung group niya dahil hindi naman daw nagpapakita. At dahil alam kong close kayo—hep, ‘wag ka nang magkaila—ipapaubaya ko siya sa’yo. Baka sakaling matauhan. Bibigyan ko siya ng isa pang chance, or else, I’ll be forced to drop him from this class.”
BINABASA MO ANG
SaiLem Three {DANGER: I'm Falling For You}
General Fiction"Ang hirap palang magmahal ng taong matagal mong iniwasan. Bakit kasi walang early warning device ang puso para masabi agad na malapit ka na sa brink of falling in love? Para sana pwede pang mag-back out. Hindi 'yung huli na--yung kahit anong pilit...