4. This Kiss

2.9K 88 22
  • Dedicated kay Alexis Nathan Signo
                                    

Clementine

Nakakahiya! Nakakahiya! Tangina! “Ano na namang pakulo ‘to?” itinago ko nalang ang pagkairita sa boses ko nang tanungin ko si Nate habang nagsasayaw kami sa stage sa harap ng mga batang kanina lang ay pinakain namin.

Nakangiti na naman si Nate. “Surprise ko sa’yo since hindi ko na-celebrate ‘yung mismong birthday mo. Dito na lang ako bumawi.”

“At kinuntsaba mo pa ang mga tao dito. Pati ‘yung mga bata. Kahiya-hiya. Tignan mo nga ang itsura ko? Ang dungis ko para isayaw-sayaw,” angal ko pero tumawa lang siya.

“Ayos lang ‘yan. Maganda ka pa rin naman kahit madungis,” pag-aamo naman niya.

Hindi ko nalang pinansin ‘yung sinabi niya dahil hiyang-hiya na talaga ako. Tinutukso na rin kami nung mga tao. Mamaya kung ano na namang tsismis ang mamuo dahil dito. “Hindi pa ba tapos? Tara na.”

“Pasasalamat ko na rin ‘to dahil sa pagpunta at pagtulong mo dito sa program namin,” dagdag pa niya.

Eh bakit hindi niya rin isayaw si Cyann? Kasama ko naman siya ah. Dapat isayaw niya rin lahat ng volunteers. Bakit ako lang? Nakakaasar. Ayaw ko pa man din ‘yung napupunta ako sa spotlight.

“HAPPY BERTDEEEYYYY ATE LEM. AYIEEEE!!!” sabay-sabay na hiyawan ng mga bata pagkatapos nung sayaw at mas lalo kong binilisan ang pagkilos ko.

Tutulong sana ako sa pagliligpit kaso dahil sa nangyaring sayaw-sayaw na ‘yon, na-hotseat ako ng mga volunteers. Tinatanong nila kung anong relasyon namin ni Nate. Siyempre, sinabi kong close childhood friends lang kami ‘no.

“Eh bakit parang napaka-especial ng surprise niya sa’yo?” tanong nung isa. “Kung close friends lang kayo, edi dapat binigay na lang niya sa’yo ‘yung gift niya in private diba?”

“Hindi ka ba niya nililigawan?”

“Kung nililigawan niya ako, bakit hindi ko alam?” depensa ko naman. Grabe talagang maka-assume ang mga tao. Hindi ba pwedeng sobrang gumaganti lang si Nate dahil tinanggihan ko nga siya nung prom nila kaya niya ginawa ‘yon para sa’kin? Kelangan talaga romantically involved kami? Nakakabwisit.

Kahit hindi ko gustong ma-hotseat ng mga volunteers, dumikit pa rin ako sa kanila dahil may mga nagkukumpulang mga tsismosa ang nakatanaw na sa’kin at halatang tumi-tiyempo para makausap akong mag-isa. Parang namumukhaan na rin nila ako dahil narinig ko na ‘yung pangalan ni Mama sa mga malalakas na boses nila.

Nang matapos na kaming makapagligpit, lalapitan na sana ako nung isang ale pero laking pasasalamat ko nang kalabitin ako ni Sai. Napaatras tuloy ‘yung usisera. “Uy, sabihan mo lang ako kung gusto mo nang umuwi ah. Sasabihan ko na lang si Nate.”

“Wait, Imma catch my breath muna. You brought a towelette diba? Can you wipe my back, please?” pakiusap niya sa’kin at tumalikod na.

Kesa naman batuhin ako ng mga tanong ng mga nag-aabang na usisera, ginawa ko nalang ‘yung pinapagawa ni Sai. Pawis na pawis nga siya. “Napagod ka?” tanong ko para lang pampawala ng pagkabalisa ko.

“Ya think?” masungit na sagot naman niya. “Can we ride the cab na lang? I’m so tired na talaga eh.”

Nilapitan naman kami ni Nate at iniabot sa’kin ‘yung mga bulaklak na nilapag ko sa isang mesa kanina. Balak ko sanang iwan nalang ‘yun dun eh para hindi sagabal sa byahe pauwi.

“Ano… Nate, una na kaming umuwi ah. Salamat pala,” sabi ko nalang habang bitbit ‘yung mga rosas sa mga bisig ko. Ano namang gagawin ko dito? Kakalat lang ‘to sa bahay ‘pag nalanta. Alam ko na, idadaan ko nalang sa simbahan.

SaiLem Three {DANGER: I'm Falling For You}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon