7. Drifting Apart

2.6K 75 26
                                    

Clementine

Kung ako ang papipiliin, mas gusto kong tahimik ang paligid. Mas nakakapag-isip kasi ako nang mabuti. Lalo na kapag nag-aaral dahil mas naiintindihan ko kung anuman ang inaaral ko. Mas nai-internalize ko ring maigi ang kwento kapag nagbabasa ako dahil damang-dama ko ang pinagdadaanan ng mga tauhan, at para na rin mabilis kong matapos ‘yung binabasa ko.

Kaya nga natapos ko nang basahin ‘yung Hunger Games eh dahil sobrang tahimik sa condo kapag umuuwi ako. Pinag-iisipan ko pa kung papatusin ko ‘yung Fifty Shades Trilogy.

Pero nakakabagot din palang mag-isa. Parang nasa kumbento kasi ako. Walang kausap. Hindi rin naman kasi ako mahilig manood ng TV o kaya mag-internet.

Libro lang talaga ang libangan ko sa tuwing nag-iisa at tapos ko na ang gawaing-bahay. Gayundin kapag walang ibang makausap tulad nila Pinky at Jet dahil nagpa-part-time din sila. Si Milo naman, abala din sa school nila. Si Nate, mas busy yon dahil bukod sa may trabaho na, hands-on din siya sa mga projects ng Daddy niya.

Haaay.

Si Cyann? Di pa rin umuuwi sa Katips dahil magsisimula na nga ang pinakahihintay ng lahat na UAAP Games. Ang totoo niyan, ngayon ang unang laban nila versus DLSU.

From: ShrekCyann

Did you get the tickets? I left them at the reception area.

Ewan ko ba dito sa lalaking ‘to kung bakit kelangan pa niyang iwan ‘yung mga tickets kung pwede naman niyang iabot sa’kin sa class. Iniiwasan ba niya talaga ako o talagang walang panahong makipag-usap sa’kin? Naaasar ba siya sa presence ko? Pwede naman kasi akong lumipat ng bahay kung ‘yun lang ang ikinababahala niya.

Imposible namang nagkakaganyan siya dahil lang dun sa accidental kiss na ‘yun. Siya pa talaga ang affected?! Anakngtupangkinalbo. Sa dami ng nahalikan niyang babae, magkakaganun siya dahil lang sa smack? Gusto kong matawa.

Pero kidding aside. Nakakabagot palang mag-isa paminsan-minsan. Feeling ko, mapapanis ang laway ko. Kaya kahit work-from-home ako, pumupunta pa rin ako sa office nila Ate Carlene para dun na lang gawin ‘yung reports. At least dun, maingay si Madame Christine kaya nalilibang ako. Valid naman ‘yung dahilan ko kapag nagtatanong sila tungkol kay Cyann—busy dahil sa nalalapit na games.

Narinig kong nag-vibrate ‘yung phone ko at nakita kong nagfa-flash sa screen ‘yung pangalan ni Sai. Baka nagmi-missed call lang. Ganun naman ‘yun lately. Kapag hindi ako agad nakakasagot sa text niya, magpapa-ring lang. Pero ngayon, patuloy lang ‘yung pag-vibrate nung telepono.

“H-hi. Just want to confirm if you got the tickets that I left dun sa receptionist?” tanong niya.

Hindi ako nakasagot agad dahil pinakinggan ko ‘yung boses niya. Ang tagal ko na rin palang hindi naririnig nang malapitan ‘yung boses nito. Hindi naman kasi siya nag-iingay sa class di tulad dati. Ano kayang problema neto?

“Clementine?”

Napailing ako at bumalik sa ulirat. “A-ahhh, oo. Nakuha ko kahapon. Bakit hindi mo na lang ibigay kila Mommy mo?” First game niya ‘yun this season, sana man lang sinubukan niya munang ibigay sa mga magulang niya bago sa’kin.

“They’re busy. Asa naman akong manonood ‘yun ng live,” matipid niyang sagot.

Wala talaga akong balak manood dahil malayo masyado. Pero dahil parang nagpapaawa naman ‘to, sige na nga lang. Baka mamaya sabihin niyang hindi ko siya sinusuportahan.

SaiLem Three {DANGER: I'm Falling For You}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon