37. Palawan-bound

2.2K 73 28
                                    

Clementine

Itago ko man, masyado yatang halatang excited ako sa outing. Dalawang araw bago ang pag-alis namin, naka-empake na ako. Inulit-ulit ko pang ni-repack para lang makasiguradong wala akong nakalimutan. Buti na lang hindi napansin ni Sai. Kahit kahabag-habag pakinggan, ngayon lang kasi ako makakapunta sa dagat. Pasensiya naman. Buong buhay ko, kayod ang ang inatupag namin ni Mama. Kaya nga kahit Baguio hindi ko pa napupuntahan.

Inisip ko pa nga kung kailangan kong bumili ng swimsuit kaso nainis lang ako. Baka kung anong pang-aalipusta pa ang marinig ko kay Cyann, sabihin pa niyang mas malaki ang dibdib niya kesa sa’kin. Kaya normal na pambahay na shirt at shorts na lang ang dadalhin ko. Magtatampisaw lang naman ako sa tubig kung sakali.

At tulad pa rin ng dati, ayaw pa ring sabihin sa’kin ni Sai kung saang dagat kami pupunta. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang itago sa’kin. Saang isla ba kami pupunta? Malakas ang kutob kong sa Alaminos Pangasinan kasi nga nandun ‘yung Hundred Islands. Pero nag-alangan ako kasi bakit kailangan pa naming dumaan sa Alabang bago umalis? Ayon, tumawa lang si gago. Surprise daw.

Edi hinayaan ko na lang kahit sa totoo lang, ayoko ng mga surpre-surpresa. Nakaka-pressure kasi ‘yung ganun. Siyempre kahit sabihin pang walang kapalit ‘yung surprise na ‘yon, mapapaisip ka kung paano masusuklian ‘yon diba?

Isinara ni Sai ‘yung mga bintana ng lahat ng kwarto, tiniyak ding naka-unplug lahat ng appliance maliban sa ref, bago kami umalis ng unit. Pababa na kami ng elevator para kitain ang pinsan ko sa lobby. Ang usapan kasi, 6AM ang call time. At hanggang ngayon, inaalala ko pa rin kung paano ko hahatiin ang oras ko para kay Cyann at Alice lalo na’t wala si—

“Ate Lem!!!” narinig ko ang boses ni Alice pagkalabas namin sa elevator. Sinalubong niya ako ng yakap bago ko napansing nasa likod niya si Vincent. Lubos na napanatag ang loob ko. Mukhang hindi naman ma-o-OP si Alice. Salamat naman. “Hello, Kuya Sai.”

Tumaas ang kilay ko sa sinabing ‘yon ni Alice kasabay ng mabilis na pagyakap ni Sai sa kanya bilang pagbati. “Oh?! Bakit pati ‘to kinukuya mo na?”

Mukhang naguluhan naman siya sa sinabi ko. Naitanong tuloy niya kung hindi ba pwede. Saka umeksena si Shrek. “Wut? There’s nothing wrong with that. She calls you ‘Ate’… of course it’s common courtesy to the Ate’s boyfriend to be called ‘Kuya’.”

“WAW HA! Sinagot na kita? Sinagot na kita?” singhal ko. Bahala siya diyan. Hangga’t hindi siya nagtatapat ng maayos, hindi kami uusad mula sa estado naming ‘Malabong Ugnayan’.

Pilyong ngiti na naman ang nakaplaster sa mukha niya. “Not yet pero malapit na,” susog pa niya.

Nag-aya na akong umalis dahil baka dito pa kami magkaaminan. Ayoko nga. Ayokong maraming tao ang makasaksi ng lahat. Mas gusto ko ‘yung kaming dalawa lang ang makakaalam para iwas issue na rin. Mas dama ang sincerity.

Si Vincent ang umupo sa shotgun habang kami naman ni Alice sa likod. Tahimik lang ang biyahe maliban sa pinapatugtog ni Cyann na puro Maroon 5 yata. Inisip ko pa nga na baka ‘yun ‘yung sinabi niyang compilation na binigay sa kanya ni Sharelle pero binalewala ko na lang. Ayokong mag-isip ng kaiinisan ko. Dala rin siguro ng antok kung bakit walang gustong magsalita pero pinilit kong huwag makatulog habang nagmamaneho si Sai. Nakakahawa kaya ang antok. Mahirap na, baka madisgrasya ulit kami, may madadamay pang iba.

Pero habang binabagtas namin ang Skyway, biglang umimik si Vincent. Naurat na siguro sa katahimikan. Nagtanong siya kung paano raw kami naging magpinsan ni Alice. Ikinagulat ko ‘yon kasi inaasahan kong agad ‘yung sasabihin ni Alice sa kanya dahil nga lagi silang magkasama. Ganun ba katindi ang pagtatampo ng pinsan ko dahil hindi nga nagpaalam si Vincent na aalis pala? Actually, nagulat nga ako nung nakita kong sasama pala siya. Wala rin kasing sinasabi si Sai sa’kin. Hayup talaga ‘yon. Pinag-alala ako.

SaiLem Three {DANGER: I'm Falling For You}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon