Clementine
Nagising akong parang may pinipihit na turnilyo sa magkabilang sentido ko. Tang-ina. Una’t huling beses ko nang magpapakalango sa alak. Hindi ko na talaga uulitin. Ilang beses ba ako nagsuka kagabi? Tatlo? Buti na lang talaga kasama ko si Alice. Hiyang-hiya naman ako sa inasal ko. Parang hindi ako ang nakakatanda sa amin. Seryoso, hindi na ako maglalasing. At last time ko na ring iiyak dahil kay Cyann.
Tumihaya ako at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
Ang hirap palang magmahal ng taong matagal mong iniwasan. Bakit kasi walang early warning device ang puso para masabi agad na malapit ka na sa brink of falling in love? Para sana pwede pang mag-back out. Hindi ‘yung huli na—‘yung kahit anong pilit mong ikubli ‘yung nararamdaman mo, masyado nang matindi. Kung baga sa sakit, nasa terminal stage na pala.
Ang masaklap pa, minsan na nga lang ako magmamahal, masasawi pa agad. ‘Di ko man lang naranasang maging masaya kasama siya bilang kasintahan. Mas nag-aalangan tuloy akong bitawan ang korona ng pederasyon ng mga NBSB ngayon. Parang nakakatakot nang sumubok ulit.
Si Alice kaya? Ngayon ko lang na-realize na hindi ko pa siya natatanong tungkol sa love life niya. Bukod kay Vincent, meron pa kaya siyang ibang minahal? Tumagilid ako para harapin ang pinsan kong mukhang himbing na himbing pa rin.
“Hi.”
Lumuwa talaga ang mga mata ko nang makita si Cyann sa kama—nakatagilid din at nakaharap sa’kin habang nakatukod ang siko sa unan at nakapatong ang pisngi sa palad niya. Ang matindi, matamis pa ang ngiti niya na kahit hindi maluwag, kita sa mga mata niyang nakangiti rin kahit mukhang puyat.
‘Yung totoo. Gaano karami ang nainom ko kagabi at ang parang totoo ang aparisyon niya ngayon? Nananaginip pa rin ba ako?
“Are you okay?” Akmang sasalatin niya ‘yung noo ko at kahit ilang pulgada ang layo, nadama ko na ang init.
Kaya napatili ako nang malakas bago gumulong papalayo sa kanya hanggang sa bumagsak ako sa sahig. Masakit ang pagkakabagsak ko kaya alam kong totoo ngang nangyayari ang lahat.
Hinabol niya ako at sumilip sa gilid ng kama. “Are you hurt?” tanong niyang puno nang pag-aalala ang boses.
“A-Anong nangyari?” mahinang tanong ko nang makahuma ako’t makaupo. Si Cyann ba talaga ito? Hindi naman niya kakambal o kamukha? Diba galit siya sa’kin? Paanong—
Kumunot ang noo niya kasabay ng pagbaba sa kama at pumantay sa’kin habang nakangiti pa rin. At hindi ko mawari kung ano ‘yung ngiti niyang ‘yon. Nang-aasar ba o sadyang masaya lang siya? “You seriously can’t remember anything?”
Itinakip ko ang mga palad sa mga mata ko saka pilit na inalala ang lahat ng nangyari kagabi.
Bumaba ako kasama si Alice para aliwin ang sarili ko’t magpaantok. Napadpad kami sa isang open bar at doon ako nagsimulang tumungga ng kung anu-anong alak para lang maibsan ‘yung pagkamiserable ko na parang lumala pa yata.
Natatandaan kong nag-iilusyon akong kausap si— Shet. Ilusyon ko nga ba ang lahat?! Kinausap ko ba talaga siya? Kaya ba nag-i-English din ako kagabi? Pero bakit nandoon din siya? At bakit hindi ko matandaan kung paano kami umabot sa kwarto? Napatakip ako sa bibig nang unti-unting bumalik sa alaala ko ‘yung monologue ko kagabi tungkol sa graduation, trabaho, kasal at sex. POTA! Narinig kaya niyang lahat ‘yon?!
Kahiya-hiya ka, Clementine! Pakamatay ka na, ngayondin!
Biglang may kumatok sa pinto pero hindi ako makatayo mula sa sahig kaya siya nalang ang nagbukas habang nakasalampak ako sa carpet at sinubukang alalahanin kung ano pa ang mga naganap kagabi.
BINABASA MO ANG
SaiLem Three {DANGER: I'm Falling For You}
General Fiction"Ang hirap palang magmahal ng taong matagal mong iniwasan. Bakit kasi walang early warning device ang puso para masabi agad na malapit ka na sa brink of falling in love? Para sana pwede pang mag-back out. Hindi 'yung huli na--yung kahit anong pilit...