Clementine
Pagkatapos akong indiyanin ni Cyann nung gabi bago ‘yung long exam namin, todo-sorry ‘yung gago. At kahit asar pa rin ako, pinatawad ko na rin. Bumagsak na nga tapos tatarayan ko pa. Hindi naman ako ganun kasama. Pero sana, natuto na siya diba?
Actually, simula nung nagpa-sorry siya sa’kin, naging maayos naman kami ni Sai basta hindi lang napag-uusapan si Sharelle. Wala naman kasing binabanggit si Sai sa’kin tungkol sa kanya at ayoko namang magtanong tungkol sa kanila. Hindi ako interesadong malaman kung ano ang nangyayari sa kanilang dalawa. Kung baga sa hard drive ng computer, sayang lang sa memory space. Baka magka-virus din ang utak ko kaya, no thank you na lang.
Sira ulo naman kasi ‘yung girlfriend eh. Isang napakagandang bad influence. Hindi ba niya alam na nag-aaral pa si Shrek? Palibhasa, parehas silang makati. Pero sana naman, alam niyang ilugar ang sarili niya. Hindi lang naman siya ang inaatupag nung tao. Masyadong attention whore. O baka whore lang talaga? Tss.
Ito namang si Sai, hindi naman ganun kalakihan ‘yung future nung babae, bakit hindi niya magawang tumanggi. Iba na ngayon ang trip niya? Pero kung sa basketball, may disiplina siya, bakit hindi niya i-apply ‘yun sa tawag ng laman?
Ano ba ‘yan, katatapos ko lang magsimba, nagkakasala na naman ako. Sorry po Papa Jesus.
Pagbukas ko ng pinto ng unit, nagulat ako. For the first time, wala pa si Sharelle. Usually kasi kapag Linggo, nandito na ‘yun at nakahilata na sa sofa ng mga alas kwatro ng hapon. Dito na rin natutulog. Hinahatid na lang siya ni Sai kinabukasan.
Pero ngayon, napatingin ako sa hanging wall clock. Aba, alas sais na, wala pa rin siya. Nakakapanibago.
Pumasok na ako sa loob at muling nagulat dahil nasa kusina si Cyann at naghihiwa ng sibuyas. “O, anong ginagawa mo?” tanong ko habang papalapit sa mesa.
“Uhm, trying to make decent nachos?” tila nahihiyang sabi niya sabay singhot. Halatang hindi marunong maghiwa ng sibuyas dahil parang maiiyak na.
Binaba ko sa upuan ‘yung sling bag ko at kinuha ‘yung sibuyas na kalahati pa lang ang nahihiwa. “Tabi nga diyan. Ako na lang. Nakakaawa kang tignan,” kumento ko at tumalima naman siya.
“Thanks. Gah, my eyes! They’re freakin’ burning like hell,” angal niya.
“O, ‘wag mong ipunas—“ pagbabawal ko sana para hindi niya punasan ‘yung mga mata niya gamit ang kamay pero huli na.
“Ahhhh!!!” hiyaw niya at kinapa ang lababo para maghugas ng mukha.
“Tss, sabi kasing… hay naku.” Humila na ako ng paper towels galing sa cupboard. “O, pamunas mo.”
Inabot naman niya ‘yung mga paper towels at mariing ipinunas sa mga mata niya. “It still hurts,” ungol niya habang pumipikit-pikit at nagluluha pa rin ‘yung mga mata niya.
BINABASA MO ANG
SaiLem Three {DANGER: I'm Falling For You}
General Fiction"Ang hirap palang magmahal ng taong matagal mong iniwasan. Bakit kasi walang early warning device ang puso para masabi agad na malapit ka na sa brink of falling in love? Para sana pwede pang mag-back out. Hindi 'yung huli na--yung kahit anong pilit...