Clementine
Buti nalang nakatakas ako sa panonood ng horror movie para sa thesis namin dahil may shift ako. Salamat kay Cyann na kinunsinti pa talaga ako. Sa totoo lang, ayokong nanonood ng horror films dahil madalas napapanaginipan ko. Hindi naman sa takot ako pero pagkatapos kong manood, kailangang nakabukas lahat ng ilaw ‘pag natutulog ako para hindi ko mapanaginipan.
Tss. Fine. Oo na. Medyo natatakot din ako.
Pero anyway, ayos ding makipag-deal yung hayup na Sai na yun eh. Parang siya lang ang masisiyahan sa kinalabasan ah. Sino ba namang matutuwa kung uuwing talo ang team diba? Tss.
Ano naman kaya ang magandang consequence kung matalo nga sila? Pero sana manalo diba?
Pero ayoko talagang lumabas kasama ni Shrek. Tsk.
Nakarinig ako ng kaguluhan sa labas dahil kasalukuyan akong nasa sink at naghuhugas ng pinggan. Dinala ko na ‘yung hand towel bago lumabas at nakita ko ang nagbabalik na nag-refer sakin sa CMAN. “Uy! Alice, welcome back!” masayang bati ko sa kanya. “Sa wakas, nakita na kita ulit.” Hinawakan ko ang mga kamay niya bago pinisil ang mga iyon.
“Ako din! Alam kong late na ‘to pero… Welcome sa CMAN!” masigla niyang pagbati sakin at nakataas pa talaga ang dalawang mga kamay niya. Ang bubbly niya pala.
Samantalang napaka-boring ko namang sumagot. “Nako, sobrang late na rin pero, thank you dahil ni-refer mo ako.”
“Wala ‘yun, kailangan din naman ng CMAN ng tao,” nakangiti pa ring sagot niya bago nagpaalam para magbihis.
Siya namang pagdating ng anak nung co-owner ng CMAN na isa rin sa mga performers. Parang nagkagulo yata sa listahan ng mga tutugtog mamaya kaya namumroblema siya.
Tapos nagsimula na ring dumating ‘yung iba pang performers, pati si Milo. Pinagkaguluhan na naman tuloy siya nila Ate Kara. Akala nga ni Alice customer eh. Actually, sabi nila Ate Elise, simula nung tumugtog si Milo sa CMAN, mas dumami pa ang customers nila sayang nga wala akong commission dahil ako ang nag-recruit, hahaha.
Siguro natuwa kaming lahat sa pagdating ni Alice kaya nagkatuksuhan dahil kasama na naman niya ‘yung lalaking nakita ko sa anniv nila Tita Jo na kasama niyang lumabas ng closet. Vincent pala ang pangalan niya aka Papa V daw sabi nila Ate Kara. Muntik ko na ngang maibulgar kung paano ko nakilala si Alice. Buti na lang binulyawan na kami ni Ate Mars kaya nagpulasan na kami.
As usual, isa ulit ako sa mga usherette kaya nasa may pintuan lang ako para ihatid sa table ang mga dumarating na customers.
Automatic pa talaga ang smile ko nang bumukas ‘yung pinto. “Good evening and wel—O, bakit andito ka?” bati ko kay Cyann. Ibig sabihin tapos na silang mag-brainstorm para sa thesis namin.
Sininghalan naman niya ako. “Is that how you greet your customers?” pang-aasar pa niya kaya di ko na lang pinansin.
Nagpalinga-linga ako sa loob nung resto-bar. Jam-packed na. Marami sigurong nakatunog na bumalik na ulit si Alice o kaya dahil maagang kakanta si Milo ngayon? “Wala nang upuan. Ayos lang—“
Itinaas niya ‘yung palad niya sa’kin. “Hold on. Just because you know me doesn’t mean you have to treat me so casually. Nasa workplace ka diba?”
Aba! Ansarap bigwasan nitong lalaking ‘to ah! Buti nga inasikaso ko pa eh! Pero tama naman yung sinabi niya. Tss.
Nginitian ko nalang siya nang maluwang pero naniningkit ang mga mata ko sa inis. “Good evening and welcome to CMAN. All the seats are currently taken. Would it be alright if I place your name on the waitlist? Or would it be better for you to go home?” Nakaka-imbiyerna ‘tong hayup na ‘to ah.
![](https://img.wattpad.com/cover/4614015-288-k207020.jpg)
BINABASA MO ANG
SaiLem Three {DANGER: I'm Falling For You}
General Fiction"Ang hirap palang magmahal ng taong matagal mong iniwasan. Bakit kasi walang early warning device ang puso para masabi agad na malapit ka na sa brink of falling in love? Para sana pwede pang mag-back out. Hindi 'yung huli na--yung kahit anong pilit...