Clementine
Dalawang linggo nang hindi umuuwi si Cyann sa condo simula nung sinalo ng labi niya ‘yung halik na dapat sa pisngi lang. Nakaisa na naman ang walangya.
Hahalik-halik, tapos siya pala ang iiwas. Tss. Kung minsan talaga, nakakagago siya. Pero siguro aksidente lang ‘yung nangyari? Grabe lang ‘yung reaction niya pagkatapos eh.
Anyway, sa totoo lang, mas sanay ako dun sa ginagawa niya dati. ‘Yung pang-aasar at pabiro niyang pag-aalipusta sa non-existent boobs ko raw. Natatawang naiinis ako sa kanya ‘pag ganun.
Hindi tulad ngayon na iwas na iwas talaga siya sa’kin. Kahit sa classroom, sa kabilang dulo rin siya umuupo at hindi talaga ako pinapansin. Magte-text na lang ‘yun kung may gustong sabihin sa’kin. Well, hindi ko naman sinasabing sana pansinin niya ulit ako. Hindi lang talaga ako sanay. Nakakapanibago.
Pero, okay na siguro ‘yung ganito. Nung nangyari kasi ‘yun, plano ko talagang makitulog sa boarding house ko dati para hindi ko mapatay si Cyann nung gabing ‘yon. Nag-empake na nga ako ng gamit eh, pero paggising ko kinabukasan, may mensahe akong natanggap mula sa kanya. Dun muna raw siya sa Alabang manunuluyan pansamantala dahil sa MOA na lagi ang practice nila bilang paghahanda sa nalalapit na pagsisimula ng UAAP.
Nakakatulong din ‘yung pagte-text namin ni Milo tsaka nung inaya niya ako sa Baclaran dahil daw bibili siya ng pasalubong na ipapadala niya sa pamilya niya. Nada-divert niya ‘yung atensyon ko dahil madalas na nagre-replay sa utak ko kung pa’no ako nagpauto kay Sai kaya nauwi sa lips-to-lips ‘yung dapat na kiss sa cheeks lang.
Buti pa si Nate, hindi ginawa ‘yon. May isang salita talaga ‘di tulad ni Sai.
Ayan na naman, iniisip ko na naman siya. Hanubeh. Nakakairita na ah.
“Break na ba kayo ni Cyann?” tanong ng isang usisera kong thesis groupmate. “Napansin ko lang, hindi kayo nag-uusap eh. Tsaka, hindi na kayo magkatabi. Nauuna na rin siyang umalis tulad ngayon.”
Nagkibit-balikat na lang ako dahil as usual, wala naman akong masabi.
“Baka naman may LQ lang,” pagsasalo naman nung isa pa naming kagrupo. “Napapansin ko ring hindi ganun ka-energetic si Cyann eh. Diba madaldal ‘yon? Lately, kapag kakausapin mo lang dun lang siya magsasalita.”
“Oo nga, ano bang nangyari? Inaway mo ba?”
“’Di ah. Malay ko dun. Hayaan na lang natin. Baka kinakabahan lang dahil malapit nang mag-umpisa ‘yung UAAP,” pagdadahilan ko. Kung meron mang may kasalanan, si Sai ‘yon, hindi ako. Tss. Buti na lang talaga, humupa na ‘yung galit ko sa kanya. ‘Pag kasi naiisip ko ‘yung nangyari, gusto ko siyang gilitan ng leeg gamit ang nail-cutter.
Ngayon, gusto ko na lang siyang sapakin. Tsaka, iniisip ko na lang na halik lang naman ‘yon. Hindi ‘yon counted dahil hindi naman ginawa out of love. Kasama na dun ‘yung ginawa niyang pagnakaw ng halik nung anniversary nila Tita Jo. Technically speaking, untouched pa rin ako, heheheh.
Nagbuntong-hininga ‘yung isa. “Sana nga kabado lang siya. O kaya kung may LQ kayo, sana maayos agad. Bagay naman kayo eh.”
Pilit ang pagtawa ko, pero nanggatong pa ‘tong isa. “Oo nga, you gave us hope,” sabi pa niya.
“Nge. Hope para sa?” tanong ko rin habang nakataas ang isang kilay.
“Na posibleng ma-in love sa’min ang celebrities. Parang Cacai Bautista lang ang peg mo ‘Te! Diba? Talagang si Mario Maurer pa ang na-starstruck sa lola mo! Pero nakakakilig. Malay natin, mainlababo din sa’kin si Ian Somerhalder, diba?” kinikilig na sambit niya.
BINABASA MO ANG
SaiLem Three {DANGER: I'm Falling For You}
General Fiction"Ang hirap palang magmahal ng taong matagal mong iniwasan. Bakit kasi walang early warning device ang puso para masabi agad na malapit ka na sa brink of falling in love? Para sana pwede pang mag-back out. Hindi 'yung huli na--yung kahit anong pilit...