Clementine
Natutuliro na ako. Hindi pwede ‘to.
Sa bahay halos isang metro lagi ang layo ni Cyann sa’kin. Ingat na ingat siya sa space sa pagitan namin na parang ayaw niyang magkadikit kami. Kulang nalang gumamit pa siya ng tape measure para makasiguro sa sukat ng layo namin. Akala mo merong invisible fence kaya hindi siya makalapit.
Pero pagdating sa school, parang nawawala ‘yung invisible harang. ‘Yung isang metro, nagiging isang dangkal kapag nakaupo siya sa tabi ko. ‘Pag naglalakad kami, nagiging isang pulgada. Hanggang sa mawawala nang tuluyan ‘yung space dahil bigla na lang niya akong hihilahin, hahawakan o kaya aakbayan sa kung anu-anong dahilan. Kung minsan iniisip kong sinisigurado niyang magkaroon kami ng physical contact sa bawat araw.
Hindi ko tuloy alam kung alin ang totoong Cyann. Hindi ko rin mawari kung saan ako masasanay sa pinapakita niya sa’kin ngayon dahil hindi naman siya ganito dati.
Basta simula nung niyakap niya ako sa MOA at sinabi kong ayokong lumabas kasama siya, may nagbago sa kanya. Not that I’m complaining. Maayos pa rin naman siyang makipag-usap sa’kin. Nagbabangayan pa rin naman kami. Normal na sa’min yun at palagay ko, hindi na mawawala kapag magkasama kami.
Pero nitong mga nakaraang araw naguguluhan na rin ako sa inaasta niya. Ayaw ko namang magtanong dahil… ewan ko. Ayaw kong isipin niyang nag-a-assume ako. Pero sa dami ng tanong na tumatakbo sa utak ko, napapansin ko nalang na nakatingin na pala ako sa kanya.
“What are you looking at?” tanong niyang nakataas ang isang kilay.
Tulad neto. Nahuli na naman niya ako. Pang-ilang beses na bang nagyayari ‘to?
Kumurap ako nang mabilis at inayos ang mga gamit ko. “Wala, may iniisip lang,” palusot ko.
“Thinking about how gwapo I am?” pang-aasar niya kaya inirapan ko nalang siya.
Alam naman niyang gwapo siya kailangan pa talagang humingi ng assurance sa’kin? Hindi pa ba sapat ‘yung mga kinikilig na babaeng nginingitian niya? Hindi pa ba sapat na sa tuwing nafa-flash ‘yung mukha niya sa malaking screen sa Araneta o kaya sa MOA Arena ‘pag may laban sila, nakakabinging tilian ang naririnig ko? Ano bang insecurities meron ang lalaking ‘to at parang di pa enough ang nag-uumapaw na self-esteem at kailangang paulit-ulit akong tanungin kung gwapo siya?
O, Clementine, kalma. ‘Yung puso mo, nagwawala na naman. Napakaliit na bagay nagiging hysterical ka. Eh kung sabihin mo nalang kaya sa kanyang gwapo siya nang matigil na siya diba?
Ayoko nga. Mamaya lumaki pa lalo ang ulo nito’t isiping may gusto ako sa kanya.
Sumimangot ako sa naging pagtatalo ng dalawang parte ng utak ko bago tumayo kasabay nung mga kaklase namin. “Magpa-practice ka?” tanong ko nalang para maiba naman ang topic. Baka mamaya tuluyan na akong madulas kung tanungin ulit niya ako kung gwapo siya. Kailan ko ba kasi sinabing hindi?
As usual, sinabayan na naman niya akong maglakad. “Nope. It’s rest day today. Gusto mong mag-merienda?”
Isa pa ‘to. Hindi pumapalyang mag-aya kung gusto kong kumain ng kahit ano, kahit sa CASAA lang daw o kaya sa SC. Minsan inaya na rin niya akong kumain ng fishball sa Vinzon’s Hill. Basta pagkatapos ng pinakahuling class namin at wala silang ensayo, magtatanong siya kung gutom ako.
“Magkikita kami nila Pinky. Sila na ang kasama kong magme-merienda,” sagot ko. Hindi dahil sa umiiwas na naman ako. Magkikita talaga kami ni bes.
BINABASA MO ANG
SaiLem Three {DANGER: I'm Falling For You}
General Fiction"Ang hirap palang magmahal ng taong matagal mong iniwasan. Bakit kasi walang early warning device ang puso para masabi agad na malapit ka na sa brink of falling in love? Para sana pwede pang mag-back out. Hindi 'yung huli na--yung kahit anong pilit...