33. Coffee Moments

2.2K 73 21
                                    

Clementine

Matapos ang sunud-sunod na exams, papers, projects at marami pang exams… sa wakas, sembreak na. Pero hindi ibig sabihin nun, tapos na rin ang kalbaryo namin ni Cyann. Kailangan pa naming hintaying lumabas ang final grades.

Dapat umabot ang grado niya kahit sagad na 1.99 lang para pasok sa College Scholar. ‘Yun kasi ang usapan nila ni Tito Albert—dapat Dean’s lister siya sa huling dalawang semestre namin sa UP.

Sa katunayan, lumabas na ang grades namin sa apat na subjects. Pasok na ako. Pero si Sai, isang 2.25, dalawang dos at isang 1.75. Dapat hindi na bababa sa 1.75 ang makukuha niya sa dalawang natitirang subjects.

“I want coffee,” sambit niya nang makailang refresh na sa page ng online grades viewing. Akala siguro niya magbabago ang nakuha niya sa bawat refresh ng page. Hindi pa rin kasi nag-a-upload ng grades ‘yung thesis adviser namin… at si Sir Nilo. “I need to calm myself down,” dagdag pa niya.

Tumaas ang kilay ko. “Calm yourself down? Eh nag-i-induce ng palpitations ang caffeine.”

“Well then, it calms me. Ewan ko. Ganun ang effect sa’kin. Must be placebo,” kibit-balikat niyang paliwanag.

Hindi na ako tumanggi. Alam kong nag-aalala siya sa makukuha niya. Ayoko namang tanungin kung anong mangyayari kapag hindi siya nakaabot sa CS. Napaka-inconsiderate ko namang tao kung ganun. Iniisip kong malaki ang tsansang line of one ang grade niya sa PI100 dahil nga game na game siya sa mga ipinapagawa ni Sir Nilo. Hindi ko lang talaga masabi sa thesis dahil sinulit nga niya ‘yung free cuts tapos itinakwil pa siya ng original group niya kaya napunta siya sa’min. Pero marami naman siyang naitulong sa thesis namin lalo na sa pangangalap ng respondents, sa pag-o-offer niya ng condo, sa panlilibre niya… malabong bigyan siya ng mababang rating ng mga groupmates kong fan na fan pa ng Maroons.

Tahimik lang kaming naglakad along Katipunan Ave. Akala ko sa Starbucks ang punta namin pero medyo kahit kaunti lang ang tao, hindi pumasok si Sai. Hanggang sa napadpad kami sa Coffee Bean and Tea Leaf kung saan… kami pa lang yata ang customers. Mukhang maaga kasing natapos ang sem ng mga Atenista.

Dire-diretso si Sai sa sulok habang nagbanyo naman ako. Paglabas ko, parang nagsisi ako kung bakit pumayag pa akong samahan siya sa pagkakape.

Kitang-kita ko ang mahigpit na pagyapos ni Sharelle kay Cyann na siyang dahilan ng pagkakapako ko sa pagkakatayo.

Siguro nakagalaw lang ako nung kumalas na silang dalawa at nakita ako ni Sai kasunod ng paglingon ni Sharelle. At dahil ayoko ng gulo, patay-malisya akong tumungo sa counter para makabili ng maiinom. Bahala na si Sai kung bibili siya.

Kahit gusto kong umalis, pinili ko nalang na manatili. Baka kasi isipin ni Sharelle na masyado akong apektado sa presence niya. Feeling naman niya. “Isa pong double chocolate frappe. Large.” Pwede bang gawing bitter? Tss.

Pagkatapos i-punch ni Kuya Barista ang order ko, nginitian niya ako nang matamis. “Is that all?” Tumango ako. “Can I have your name?”

“Clementine,” tipid kong sagot at inulit niya ‘yung order at pangalan ko, kasunod ng paggalaw ng kasamahan niyang babae para gawin ang inumin. Ibinigay ko na rin ang bayad ko.

Inabot sa’kin ni Kuya ang sukli. “Clementine, can I get your number too?” dagdag pa niya.

Blanko ang mukha kong tinignan siya. “Magagalit ang boyfriend ko.”

SaiLem Three {DANGER: I'm Falling For You}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon