41. The Verdict

2K 75 22
                                    

Clementine

Wala si Cyann nang magising ako kinabukasan.

Kaya agad kong kinapa ‘yung unan na nilagay ko sa pagitan namin kagabi. Nandoon pa rin naman. Pero para lang makasigurado, sinililip ko na rin ang katawan ko sa ilalim ng kumot. Kumpleto pa rin naman ang damit ko.

Ganoon ba kasarap ang tulog ko at hindi naramdaman ang paggalaw niya? Anyare sa pinagmamalaki kong mababaw na tulog at nagigising agad kahit sa munting kaluskos?

Pero, ang mas malaking realization…

Tumupad sa pangako si Cyann.

Tengene. Wala nang nakapigil sa ngiti na sumilay sa labi ko. Ganito pala ang pakiramdam ng gumising ng masaya.

So… anong ibig sabihin nito? Kami na ba? Kailangan ko ba siyang tanungin? O hihintayin ko pa rin ba siyang magtanong? Nasaan ba siya in the first place para magkaalaman na kami?

Nung naisip kong pwede siyang bumalik sa kwarto anumang oras at datnan akong nakahilata pa rin sa kama at dito kami magkaaminan—

Hindi ko na tinuloy ang iniisip ko. Nagmadali na akong tumayo at tinungo ang maharlikang banyo.

Siyempre gusto ko namang magmaganda kahit ngayon lang. Diyahe naman kung bagong gising ako’t di pa nakakapagmumong samantalang si Cyann, parang lagi yatang mabango. Mag-e-effort na rin ako kahit konti.

Sa madaling salita, tumagal ako sa banyo ng halos tatlumpung minuto para magbihis, magpatuyo ng buhok at maglagay ng konting make-up na tinuro ni Pinky. Konti lang talaga… parang pinamulahan lang ako ng pisngi para matakpan ang kanina pang namumulang pisngi ko.

Huminga ako nang malalim bago lumabas ng banyo. Pagkabukas ko ng pinto, narinig ko agad ang pagri-ring ng telepono ko. Halos matapilok pa ako sa sarili kong mga paa para lang masagot ‘yon.

Saka ko nakitang hawak na ni Sai ang telepono ko at kunot-noong nakatitig sa screen.

Marahan akong naglakad palapit sa kanya at naramdaman yata niya ang paglapit ko kaya napatingin siya sa’kin. “S-Sino ‘yung tumatawag?”

Iniabot niya sa’kin ‘yung phone ko nang ganap na akong nakalapit. “Your childhood friend,” tiim-bagang sagot niya bago tumungo sa veranda at isinandal ang mga braso sa railings habang nakatingin sa malawak na dagat.

Mabilis kong tinignan ‘yung call logs at ilang missed calls nga ang galing kay Nate pero wala namang text message. Gusto ko sana siyang i-call back pero parang hindi yata akmang gawin ‘yon lalo na kung may nagtatampo sa sulok. Hindi ko talaga alam kung ano ang issue ni Sai sa kababata ko pero ayoko nang ungkatin.

Sinundan ko siya sa veranda at ginaya ang posisyon niya. “Huwag mong simulan ang araw mo nang nakasimangot. Bad omen ‘yun,” pagsisimula ko.

“Did you tell him that you’re out of town?” tanong niya at di na talaga nag-abalang itago ang pagkainis niya.

“Hindi ko siya tatay para malaman niya ang bawat galaw ko.”

Mahina siyang tumawa nang pagak. “What’s the score between you, really?”

“Magkababata kami,” maikling paliwanag ko. “Pamilya niya ‘yung tumulong sa’min ni Mama noon. Kaya close kami,” dagdag ko pa para lang tigilan na niya ang pag-iisip ng kung anu-ano.

Humarap siya sa’kin at halata pa rin ang pagkairita sa mukha niya. “Are you sure, hindi siya nanliligaw sa’yo?”

Ako naman ang natawa. Tama bang mag-assume ako na nagseselos si Cyann? “Edi dapat matagal ko nang alam.”

SaiLem Three {DANGER: I'm Falling For You}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon