Clementine
“PUTANG INA NAMAN EH!HINDI MO BA ALAM KUNG ANONG—“
Natulala ako at tila lumuwa ang mga mata sa eksenang tumambad sa’kin.
Si Sai na nakahiga sa sofa na halos wala nang saplot maliban sa boxers…may babaeng nakapatong sa kanya na tanging underwears lang ang suot.
Nakita ko kung pa’no namutla si Sai nang biglang napabalikwas ‘yung babae at sumuka sa carpet.
Napako ang mga paa ko sa aking kinatatayuan at taimtim na nanalangin na sana isang masamang panaginip lang lahat ng nakikita ko ngayon.
Nataranta at pinilit ni Sai na umupo habang inalalayan ‘yung babae na siya namang pinahilata niya sa sofa bago tumingin sa’kin. “C-can you get a wet towel for me please? Lower right of my cabinet.”
Nakatanga pa rin yata ako dahil tinawag niya ‘yung pangalan ko bago ako natauhan at nagmadaling kumuha ng twalya at bahagyang binasa ‘yon. Kumuha na rin ako ng kumot bago ko inabot sa kanya nang hindi pa rin nagsasalita.
Sino siya? Gustong-gusto kong tanungin sa kanya pero walang boses na lumalabas sa lalamunan ko. Isa na naman ba itong one-night stand? O siya na ang babaeng seseryosohin ni Cyann Mabanta? Mas malaking parte ng utak ko ang nagsasabing ‘yung una. Pero ayokong manghusga. Malay ko ba kung ito na ‘yung damsel in distress na hinihintay ni Sai para ipakita ang pagiging Shre—este, Prince Charming niya.
Sa anyo pa lang nung babae ngayon, mukhang distressed na distressed nga ang peg niya. At mukha namang tunay ang pag-aalala nitong prinsipe.
“T-thanks,” mahinang sambit ni Sai bago pinunas-punasan ‘yung mukha nung babaeng ngayon ay tulog na at nakumutan na rin.
Ako, windang pa rin mula ulo hanggang kuko sa sobrang shock. Shit, bakit ba kasi ako nagising? Naistorbo ko tuloy sila. Pero bakit naman kasi dito sila sa labas naglalampungan? Ano yun? Di na nila napigilan ang nag-aalab nilang damdamin at di na nagawang lumakad ng ilang metro para makaabot sa kwarto? Anakngtinapa.
Pero tangina talaga. Alam mo ‘yung pakiramdam na parang mababangga ka at nakatulala lang sa paparating na sasakyan at di makagalaw? Ganun. Sana nga nabangga nalang ako kesa masaksihan ‘yon. Shet. I’m traumatized for life.
Fak. Pa’no ko naman malilimutan ‘to? Sana di ko mapanaginipan diba? Baka mamatay ako sa bangungot.
“Y-you can sleep na. I can take care of this.” Dinig na dinig ko ang pagkailang sa boses niya. Sino ba naman ang hindi maiilang pagkatapos ng pangyayari kanina. Kung ako ‘yung nasa ganung sitwasyon, baka namatay na ako sa sobrang hiya.
Umubo ako nang kaunti. “Sigurado ka bang kaya mo?” tanong ko. Mukhang hindi pa nakahawak ‘to ng walis tapos maglilinis ng carpet? Sa sobrang fresh din ng mga pangyayari, I doubt it kung makakatulog ulit ako. Baka hindi nga ako dalawin ng antok sa mga susunod na araw eh.
BINABASA MO ANG
SaiLem Three {DANGER: I'm Falling For You}
General Fiction"Ang hirap palang magmahal ng taong matagal mong iniwasan. Bakit kasi walang early warning device ang puso para masabi agad na malapit ka na sa brink of falling in love? Para sana pwede pang mag-back out. Hindi 'yung huli na--yung kahit anong pilit...