22. Let Loose

2.9K 70 29
                                    

Clementine

 

Grabe, ito na yata ang pinakamatagal, pinaka-nakakabusog at pinakamaingay na hapunan sa tanang buhay ko. Ang ingay-ingay namin habang kumakain sa Yakimix dahil puro kantiyawan at laglagan ang ginagawa nung mga magpipinsan.Siyempre, damay na rin kaming mga outsiders. Kung hindi pa nagsimulang mag-alburuto si Kristoffer dahil baka inaantok na, hindi pa kami magsisitayuan.

Pero habang hinihintay namin sa labas ng resto ‘yung credit card ni Kuya Vlad, dun din kami nag-ingay. Kasalukuyang abala kami ni Ate Max sa pagpipilit na ipabuhat si Kristoffer kay Alice na sa kasamaang-palad, ay ayaw pa rin talaga sa kanya. ‘Yung mga lalaki, pustahan na naman ang pinag-uusapan kung sino daw ang mananalo sa laban ng UP at Ateneo sa pagsisimula ng Semis.

Fak. Pustahan na naman. Ano ba kasing meron sa pustahan? Bakit nauso ‘yon?

Pa’no ko sasabihin kay Sai na ayokong lumabas kasama siya? O kaya, pwede bang hindi nalang kami lumabas? Pwede bang ipagluto ko nalang siya? Ayoko lang talagang makita kaming magkasama ng madla dahil ayoko ng issue.Quota na ‘ko sa chismis.

“Boys, boys…cut it out,” pagsabat ni Ate Carsie nung inabot na ‘yung credit card. “Mapipikon si Sai-Sai, sige kayo. ‘Wag basagin ang good mood niya.”

Gee, Ate Carsie… thanks a lot,” sarkastikong angal naman ni Cyann.

“Kahit basagin ang good mood niyan, may reward naman kay Clementine yan pag-uwi, diba?” Si Kuya Erik na taas-baba pa talaga ang kilay. Anong akala nila sa’kin? Di ko naririnig ‘yung usapan nila? Huhu.

“Shut up,” pagsuway naman ni Shrek. “Baka mamaya hindi ibigay, hahahaha.”

“Lem oh!” pagsusumbong naman ni Kuya Vlad.

Shit na malagkit ‘yan. Edi nagpatay-malisya nalang ako at kinuha si Kristoffer dahil napansin niyang si Alice na pala ang nagbubuhat sa kanya kaya nagsimula na namang umiyak. Siya namang paglapit sa’kin ni Sai at nakipaglaro kay Kristoffer habang buhat ko kaya nagsimula na namang tumawa ‘yung bata. Kanina pa ‘tong lalaking ‘to ah. Ako ang pagbubuhatin bago siya makipaglaro sa bata. Anong akala niya sa’kin?High chair ng baby?

Pero pinabayaan ko nalang siya. Sige na nga lang. “Awts. Ano bang problema mo baby? Hahaha.”

Oo nga, Lem. Ano ba’ng problema mo? Lalabas lang naman kayo ni Sai, pag-uuntag ng isang parte ng utak ko. Hindi naman romantic gesture ‘yun. Naghahanap lang talaga ng makakasama si Cyann. Samahan mo na. Kapalit na rin ‘yun ng ginawa mong pagpitik ng goma sa wrist niyang ilang gabi ring namumula. Maganda naman lahat ng grades niya diba? Reward­-an mo na.

Habang nagdedebate kami ng utak ko, nagpaalam na rin ‘yung mga pinsan ni Sai sa aming apat. Kaya nagsimula na rin kaming maglakad nang mabagal papunta sa parking. At sa bawat hakbang na ginagawa namin papalapit sa paradahan, kinakabahan ako. Ayaw ko pang mapag-isa kasama ni Sai at pag-usapan ang detalye ng paglabas namin.

SaiLem Three {DANGER: I'm Falling For You}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon