Clementine
“Mabanta,” tawag ng Prof at tumayo naman si Cyann papunta sa desk para kunin ‘yung Blue Book niya. “Kaya naman pala eh. Maganda sana kung dati pang ganito ‘yung grade mo, ‘no?” nakangising sabi ni Ma’am bago inabot ‘yung booklet kay Sai.
Kumunot ‘yung noo ni Sai pero maya-maya, nagliwanag ang buong mukha niya bago kumagat sa pang-ibabang labi at kinindatan ako. Dinedma ko nalang siya at humikab. Habang pabalik siya sa bandang likod kung saan kami nakaupo, isa-isang tinignan ng mga kaibigan niya ‘yung Blue Book na maangas naman niyang pinakita.
“Yabang!”
“Ma’am! What sorcery is this shit? Nangopya si Cyann! Cheater!” panunukso pa nila.
“Cheater your ass,” balik naman ni Sai. “I was sitting beside you during the exam, ano namang sagot ang makukuha ko sa’yo, hahaha.”
“Kay Clementine ka nangopya!” pagpapatuloy nila habang tumatawang nagtatawag ‘yung guro namin.
“Dumb-ass, we were arranged alphabetically. What world do you see the letter M next to T.”
Taas-baba ‘yung kilay niya nang makabalik sa upuan at inabot sa’kin ‘yung Blue Book. “Uhuh, uhuh. I know I’m great. What say you?”
Namamalik-mata yata ako. Kinusot ko muna ulit ‘yung mga mata kong nagluluha sa antok bago ko tinitigan ulit ‘yung pulang marka sa harap ng Blue Book niya. Hindi pa talaga ako naniwala, binuklat ko pa ‘yung booklet at tinignan ‘yung mga sagot niya sa bawat pahina.
ANONG KABABALAGHAN ITEY? Puro check marks!
Napatingin ulit ako kay Cyann na mas malapad na ang ngiti ngayon bago ko ulit tinignan ‘yung final grade niya sa harap ng booklet.
Pucha. One point seventy-five nga.
Akalain mo, may himala pa pala para sa taong ‘to?! Hahaha. Pero dapat lang sigurong mataas ang grade niya. Aba naman, ilang gabi kaya kaming nagsusunog ng kilay para lang matandaan niya ‘yung mga key words. Tapos, natuklasan naming mas effective ang punishment para matuto siya. Pinagsuot ko si Sai ng goma at ‘pag mali ang sagot o kaya hindi niya nasagot ‘yung tanong ko, hihilahin ko ‘yung goma para mapitik siya.
“Ayos, pa-frame mo na,” nakangiti kong bati sa kanya. May good news na naman ako kila Tita Jo, hehe. Pangatlong exam na ‘to na walang bababa sa dos ang final grade ni Shrek. Natuturuan pa rin pala ang ogre, ahahaha.
“Frame? How lame is that? Ayoko. Gusto ko ng kiss.” At ngumuso pa talaga sa’kin.
Nirolyo ko ‘yung Blue Book niya saka mahinang pinalo sa nguso niya. Kapag di ako nakapagtimpi papatulan kita. Charot. Haayyy.. tigilan ang happy feeling, baka mamaya kung ano pang magawa ko sa sobrang tuwa dahil gumana naman ang pagtuturo ko kay Shrek. O baka pagod lang ako dahil sa puyat?
“Tongco,” tawag ni Ma’am kaya ako naman ang lumapit. “May codigo ka bang binigay sa boyfriend mo?” tanong niya at inabot sa’kin ‘yung Blue Book ko.
Naningkit naman ‘yung mga mata ko. “Ma’am, manila paper ang kailangan para mapagkasya lahat ng information para sa exam niyong napakahirap. At hindi ko siya boyfriend.” Parang walang galang pero ganyan talaga kami makipag-usap sa kanya dahil cool daw siyang teacher.
Tumawa na lang siya. “Hoo, deny deny ka pa, diyan din ang tuloy niyo. Anyway, ipagpatuloy mo lang ‘yang ginagawa mo ah. Good yan. Damay mo pa si boylet mo nang hindi puro basketball ang nasa utak.”
BINABASA MO ANG
SaiLem Three {DANGER: I'm Falling For You}
General Fiction"Ang hirap palang magmahal ng taong matagal mong iniwasan. Bakit kasi walang early warning device ang puso para masabi agad na malapit ka na sa brink of falling in love? Para sana pwede pang mag-back out. Hindi 'yung huli na--yung kahit anong pilit...