14. A Night to Remember

2.6K 77 22
                                    

Clementine

From: ShrekCyann

Can you pls wait for me to get home? We need to talk.

Pinadala sa’kin ‘to ni Cyann pagkatapos naming mag-usap sa telepono. Ilang beses ko na rin yatang nabasa. Napatingin ako sa orasan. Mag-a-alas dos na pero wala pa ring Cyann Mabanta ang umuuwi. Nakatapos na rin ako ng dalawang movies sa cable. Humupa na rin ang pamumula ng pisngi ko dahil tinapalan ko na ng ice bag kanina.

Naalala ko na naman ‘yung eksenang ‘yun. ‘Di ko talaga inasahang sasampalin ako ni Sharelle. Kung sabagay , medyo malala nga naman ‘yung mga nasabi ko. Parang mas masakit pa nga ‘yung mga paratang ko sa kanya kesa sa mga sinabi niya sa’kin eh. Pero hindi ko naman siya babarahin kung di niya inumpisahan.

‘Yun nga lang, ano naman kaya ang sinabi niya kay Sai? Sana hindi siya gumawa ng kwento tungkol sa’kin at sinabing ako ang nagsimula. Sana sabihin niya ‘yung totoo. Dahil kung hindi, baka sa susunod na makita ko siya, baka mailampaso ko lang sa sahig ang magandang pagmumukha niya. Tss.

Parang tanga na akong nakatingin sa kawalan. Ano ba? Maghihintay pa ba ako o matutulog na lang? Baka mamaya may iba na namang inatupag ‘yung dalawa, mamuti lang ulit ang mga mata ko sa kakahintay dito.

Nagpasya na akong matulog na lang nang biglang may pumihit nung doorknob. Napabuntong-hininga ako at naglakad na papunta sa pinto para salubungin ang prinsipe. “Salamat naman at—“ Natigilan ako dahil babae ang nagbukas nung pinto. Hindi si Sharelle. Ibang babae.

“A-aahh... H-hi,” nauutal na bati niya sa’kin saka ako nginitian habang nabato pa rin ako sa kinatatayuan ko. Lumingon naman siya ng kaunti. “Aaaand, she’s here. Pinaghintay mo na naman. Tsk tsk.” Tapos, tuluyan niyang binuksan ang pinto.

Doon ko nakita si Cyann na gumegewang sa paglalakad kaya akay-akay siya ng isa pang di-kilalang lalaki. “Hala! Anyare naman diyan?!” bulalas ko at pinagmasdang inilalakad papasok si Sai.

Clementine, I’m home~~,” halos slurry na sabi niya sa’kin nang madaanan niya ako. Alak. Amoy alak siya. Mukha rin siyang tangang nakangiti hanggang sa pauupuin siya sa sofa. “Oh, oh! I have a song for you, Lem.”

Hindi ko nalang siya pinansin. “Bakit naglasing naman ‘yung isang ‘yon?” tanong ko sa mga bisitang naabala na naman ng senyorito.

“Dahil sa’yo,” sagot naman nung babaeng nagbukas ng pinto at matamis ang ngiting ibinigay niya sa’kin.

“Janine!” suway naman nung lalaking umalalay kanina kay Sai. Pero inirapan lang siya ni Janine.

Teka sandali lang. “Ha?! Bakit ako?” Ano na naman ba ang ginawa ko? Wala naman akong sinabing masama tungkol sa girlfriend niya ah. Sinasabi na nga ba eh. Nag-imbento siguro ‘yung Sharelle na ‘yun.

“Girl, Lem-me love you… and I will love you… until you learn… to love yourself~~” naririnig namin ‘yung pagkanta ni Sai sa background pero pare-parehas nalang kaming napailing. “Clementiiiiine~~,” paawit na tawag niya sa’kin.  Halatang nagpapapansin. “Come here, please?”  pakiusap niya. Pinilit pa talaga niyang bumangon kaya pinagbigyan ko na, baka mamaya magsuka pa. Ayoko na ng replay nung ginawa ni Sharelle sa kawawang carpet. ‘Yung isang kuya naman, parang parehas kami ng iniisip dahil pumunta sa banyo at kinuha ‘yung timbang maliit na inabot niya sa’kin.

Ibinaba ko sa paanan ni Sai ‘yung timba pero nabigla ako dahil hinigit niya ‘yung kamay ko bago ako niyakap sa bewang. “H-hoy!”

“You’re so skinny. You should eat more,” sabi niya bago kumalas pero hinila naman ‘yung isang kamay ko pababa kaya napaupo ako sa tabi niya. Saka niya inihilig ang ulo sa hita ko.

SaiLem Three {DANGER: I'm Falling For You}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon