Clementine
Mahigit isang linggo na rin ang nakakalipas simula nang bigyan na ako ng warden kong si Cyann ng pahintulot na maari na akong lumabas ng unit. Kulang na nga lang maglupasay ako sa harap niya para lang makapasok na ako sa klase.
Nakabalik na rin ako sa paggawa ng reports para kay Ate Carlene. Pero maximum of four hours lang ang pwede kong ilagi sa office sa tuwing may pasok ako. Bawal mag-overtime. Sabay pa akong kinausap ni Kuya Vlad at Ate Carlene para pagalitan ako dahil pinapabayaan ko raw ang sarili ko.
Hindi na rin ako pinabalik ni Mr. Marthens sa CMAN. Kinausap pala talaga siya ni Sai at sinabi kung gaano kalala ‘yung naging sakit ko. Pinakita pa raw niya ang medical certificate ko na siyang ikinapagtaka ko. Malakas ang kutob kong hyperbole lahat ng sinabi niya kasi pinagalitan ako ni Sir George. O kaya, ano bang med cert ang dinala ni Sai dun at parang tuberculosis ang naging karamdaman ko kung sabihan akong magpahinga ng dati kong boss? Masyado ko na raw inaabuso ang sarili ko kaya nagiging sakitin ako. Bumalik na lang daw ako dun pagka-graduate ko at wala pa akong trabaho. Gagawin daw niya akong manager.
Tapos ko na ring ma-polish ang thesis namin na naipasa na rin sa prof for advice. Bago magtapos ang sem, magte-thesis defense na kami.
Ngayon, kasalukuyan kaming nasa PI 100 class at halatang alertong-alerto kaming lahat kahit hindi nakikipag-eye contact kay Sir Nilo. Bukod sa hindi tradisyunal ang pagtuturo niya malakas kasi siyang man-trip. Kapag alam niyang hindi ka nakikinig, tatawagin ka sa harap para mag-reenact ng isang eksena mula sa buhay ni Rizal o ng Katipunan. Ganun din ang pinapagawa niya kung nahuli ka niyang nakatingin sa kanya. Kaya the best way to avoid being subjected to embarrassment ay ang abalahin ang sarili sa pagno-notes.
Si Cyann lang yata ang natutuwa kapag siya ang pinagtitripan ni Sir eh. Nung unang beses kasi siyang pinapunta sa harap para i-lip sync ang ‘Noypi’ ni Bamboo, feel na feel pa ng lolo mo. May papikit-pikit pang nalalaman. Etong si prof naman, natuwa rin. Tinutok pa ‘yung ilaw mula sa overhead projector, para kunwari may spotlight daw. Kaya kapag walang ibang mapagtripan si Sir, automatic na si Cyann ang tinatawag.
“Makapangyarihan talaga ‘yung mga prayle nung panahon ni Rizal. Kahit ano nakukuha nila. Kahit babae pa ‘yan. Diba sa Noli Me Tangere, si Padre Damaso ang tatay ni Maria Clara?” pagkukuwento niya. “Malas lang ng babae kung kunwari magpapabendisyon siya ng kung ano kay Padre tapos natipuhan siya. Wala na.”
Nung pinasadahan na niya kami ng mapanuring tingin, halos sabay-sabay na kaming yumuko. Senyales na may ipapa-reenact na naman siya.
“Sino ang may Spanish surname dito?” tanong niya kaya mas lalo kaming hindi kumibo. Ang nakita niyang gumalaw, siguradong tatawagin. “Kahit Spanish middle name, wala?”
Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong nag-angat ng ulo si Sai. “Sir, si Clementine po. Her middle name is ‘Romualdez’.”
Humigpit ang kapit ko sa ballpen at matalim kong tinignan ang katabi kong nakangisi sa’kin. PUTAPETENG MABANTA. Pigilan niyo ko, baka maisaksak ko sa lalamunan niya ‘tong ballpen ko. ‘Pag ako tinawag, humanda ka sa’kin mamaya. Kitang ang tahi-tahimik ko dito tapos idadamay ako sa mga kabalbalan niya?
![](https://img.wattpad.com/cover/4614015-288-k207020.jpg)
BINABASA MO ANG
SaiLem Three {DANGER: I'm Falling For You}
General Fiction"Ang hirap palang magmahal ng taong matagal mong iniwasan. Bakit kasi walang early warning device ang puso para masabi agad na malapit ka na sa brink of falling in love? Para sana pwede pang mag-back out. Hindi 'yung huli na--yung kahit anong pilit...