DISCLAIMER: May contain explicit words/scenes. Not safe to read at work, at school… or using a big screen. Responsible reading is necessary. Thank you.
===
Clementine
Na-delay ‘yung flight namin ng halos isa’t kalahating oras dahil siniguro pang malinis ang eroplano, nasa tamang kondisyon, at tiniyak na may sapat na fuel ito para sa paglipad. Kahit nakaupo lang kami sa may boarding area, hawak pa rin ni Cyann ang kamay ko. Akala siguro niya mawawala ako sa paliparan kapag binitiwan ako dahil nga first time kong makapasok sa airport. Pero siguro ginawa niya ‘yon kasi ang alam pa rin ng mga pinsan niya, kami nga. Ibig bang sabihin, kailangan ko nang sanayin ang sarili ko sa ganito? Charot.
Nung umakyat na kami sa plane, nagmistulang taga-bundok kami ni Alice sa paglinga-linga sa loob ng eroplano. Kulang nalang pasukan ng langaw ‘yung mga bibig namin dahil naka-nganga talaga kami nung makita namin ‘yung interior. Pang-maharlikang tunay kasi.
Aba, fully carpeted ‘yung sahig at puro leather ang upuan na pwedeng ma-recline at malawak ang leg room. Tapos may kanya-kanyang pull-out desk bawat isa. May sari-sarili ring TV kada pares. Meron ding isang throw pillow at kumot bawat seat na may nakaburdang logo ng ‘Zaldivar Group of Companies’.
“Nakasakay ka na ba sa commercial planes? O ito lang talaga lagi ang gamit niyo?” pabulong kong tanong kay Cyann nung nakaupo na kami sa dulo. Ako ang pinaupo niya sa looban, katabi ng bintana.
Tinaasan niya ako ng kilay. “Oo naman. We can’t always use this on a whim and for personal reasons. Ngayon lang talaga since Ate Carsie planned this ahead of time and we were able to get clearance from their parents,” pagpapaliwanag niya.
Tumango ako at ipinagpatuloy ang pag-obserba sa paligid. “Ganito ba pati sa commercial planes?”
“Nope. This is a far cry. You can’t even stretch your legs or recline your chair to your comfort kaya masakit sa katawan lalo na sa economy class. The first class is always better but pricey.” Itinuro niya ‘yung mga mas malalaking eroplano ng PAL at Cebu Pacific sa labas ng bintana. “They carry up to a hundred or more passengers that’s why they’re bigger. If compared to land transpo, para silang air-conditioned buses. Ito, maliit lang but it screams of comfort and luxury…like an air limo.”
Buong biyahe sa himpapawid, nakatingin lang ako sa bintana, gayundin si Cyann na hindi na nakuntento sa paghawak lang sa kamay ko, umakbay pa talaga. Kung hindi man kami nakatingin sa mga pulo, puro pagkuha ng litrato ang inatupag namin. Kasama raw ‘yun sa pangako niyang gagawa kami ng memories bilang kapalit ng mga alaala nung kabataan ko na hindi ko nakuhanan.
Mag-aalas tres na ng hapon nang marating namin ang Busuanga Airport. Kumpara sa mga pasahero ng ibang commercial flights, may dalawang unipormadong lalaking nasa unahan namin at dire-diretso lang kami sa exit kung saan may naghihintay nang dalawang puting van. Sila Ate Carsie, Kuya Vlad at Kuya Kyle kasama ng mga bata at kapares nila ang nasa unang van; habang kami nila Sai, Alice, Vincent at mga yaya ang nasa ikalawa. Paalis na kami nang mapansin ko ang pagpapatiuna ng isang itim na kotse sa van nila Ate Carsie. Meron ding dalawang itim na kotseng sumalisi sa pagitan namin at isa pa sa likuran ng sinasakyan namin.
Shet lang. Pakiramdam ko para kaming delegates ng iba-ibang bansa para sa isang pandaigdigang pagpupulong dahil sa higpit ng seguridad.
Naalala ko tuloy ‘yung naging pag-uusap kaninang umaga sa sasakyan. Sa totoo lang, nagulat talaga ako nang malaman kong may body guards pala ‘yung magpipinsan. Hindi ko kasi talaga napansin kung hindi pa ako tinanong ni Alice kanina. Narinig kasi niya ‘yung usapan nung dalawa kaya sa’kin nagtanong. Hindi na rin ako nag-usisa kay Cyann kung bakit itinago niya sa’kin ‘yon. Alam ko namang nag-iingat na ang pamilya nila pagkatapos nung pagkawala ni Kiel.
BINABASA MO ANG
SaiLem Three {DANGER: I'm Falling For You}
General Fiction"Ang hirap palang magmahal ng taong matagal mong iniwasan. Bakit kasi walang early warning device ang puso para masabi agad na malapit ka na sa brink of falling in love? Para sana pwede pang mag-back out. Hindi 'yung huli na--yung kahit anong pilit...